top of page
English

1 of the 4,200,000

November 1, 2021

Nicole Senson

4,200,000. 

 

Go ahead and take a guess on what this number means. Could it be the distance traveled, one’s life savings, or the number of fish in the sea?

 

At the height of the pandemic, transportation capacities slimmed to 50%; businesses halted operations, employers reduced their workforce, and the list goes on. After all that, how could one even sustain employment and meet the bare minimum of living standards?


4,200,000. That’s how many people lost their jobs in the Philippines, as of 365 days under community quarantine (Philippine Statistics Authority, March 2021).

With government restrictions on construction projects, 41-year old Leo Olgina turned to the padyak, or pedicab, to feed his wife and two daughters. In the city of Naga, Leo serves the people by providing affordable, eco-friendly transportation from 6 a.m. to 7 p.m. daily. 13 hours of pedaling under the sun, the rain, the dark, and risking COVID-19 exposure -- all for 200 pesos a day, the price of a single meal at a local restaurant.

After only two months of being a padyak driver, Leo quickly discovered the biggest challenge of the job: your exhaustion determines your daily income. However, due to the constant shifts between community quarantine classifications, our padyak driver pedals out of his general radius in order to look for passengers. And at the end of the day, his exhaustion no longer matches his pay.

During enhanced community quarantine (ECQ), the padyak did not suffice. 

 

With the inconsistent distribution of ayuda or cash aid and food packs, they could not rely on the government and associations to sustain their bare essentials, such as food and water. Instead, Leo turned to side jobs in construction, while his wife provided laundry services for additional funds. 

 

“Ginagawa ko lang ang lahat para makaahon sa hirap.”

(“I’m just doing everything to get out of hardship.”)

As a message to the government, he states, “Yung mahirap lalo naghihirap, pero dapat tutulongan yung mga naghihirap.” (“The poor become poorer, but [they’re] supposed to help those who are suffering.”

Despite his strong belief that the COVID-19 vaccine takes us a step closer to a better future, Naga has a limited supply of vaccines, which hasn’t been available to him yet. Instead, he advises the public to help him and the country, “Kung meron ng vaccine [sa inyo], kailangan yan.” (If the vaccine is available to you, [you] need that.”)

Challenge over challenge over challenge, he is a man who knows suffering, yet hasn’t forgotten how to dream.

87060B95-3F50-433B-9EE5-EDDAA3112B1B-13378-0000025838AF89E6.jpg
241053593_1097297770801801_6988919530807198848_n.jpg

As a young boy, he aspired to complete his education to serve as a stepping stone to a bright future, but he unfortunately stopped during elementary school. He may have given up dreams for himself, but Leo lives out his dream through his children. Leo perseveres in order to witness his daughters, who are currently in 7th and 9th grade, graduate high school, or hopefully even college. 

 

Leo Olgina wants to offer them the education that he craved as a young boy.

 

Serving as 1 of the 4,200,000 Filipinos, how does one cope?

 

Our determined padyak driver harbors strength and motivation from his family; the simple image of his family eating dinner altogether is enough for him. Every single pedal, every drop of sweat puts food on the table. And at the end of the day, a family dinner restores his strength once again; this is the life of Leo Olgina.

 

While Leo exhibits strength and resilience as one man, one worker, one husband, and one father, your subscription to The Adversity Archive would afford Leo Olgina peace amidst the uncertainties of this time as your donation would help feed his family--the sole source of his strength.

With the most recent publicized figure from the Philippines Statistics Authority (PSA), the country’s unemployment rate was estimated to be 6.9% in July 2021.

Filipino

1 of the 4,200,000

November 1, 2021

Nicole Senson

Translated by Kathrine Anne Dizon

4,200,000. 

 

Sige at hulaan mo kung ano ang ibig sabihin ng numerong ito. Maaaring ito ang layo ng distansya na nilakbay ng isang tao, maaring ito ang mga naipong pera ng isang tao, o maaari rin namang ito ang bilang ng mga isda sa dagat.

 

Sa kasagsagan ng epidemya, ang kapasidad sa mga transportasyon ay bumaba na sa 50%; ang mga negosyante ay napilitang ihinto ang kanilang samu’t saring operasyon, ang mga taga-puno ng iba’t ibang negosyo ay unti-unting nagbabawas ng mga trabahador, at hindi lamang rito natatapos ang listahan. Matapos alalahanin ang lahat ng iyon, paano pa rin nakakakuha ng trabaho ang isang tao at paano pa rin nakakamit ng isang tao ang pinakasimpleng antas ng pamumuhay?


4,200,000. Iyon ang dami ng mga Pilipinong nawalan ng trabaho sa Pilipinas, mula sa unang 365 araw nang isailalim ang bawat komunidad sa quarantine (Philippine Statistics Authority, Marso 2021).

Dahil sa paghihigpit ng gobyerno sa mga proyektong pang-konstruksiyon, ang 41 taong gulang na si Leo Olgina ay lumingon sa padyak, o pedicab, upang mabuhay ang kanyang asawa at dalawang anak na babae. Sa lungsod ng Naga, pinagsisilbihan ni Leo ang mga tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng abot-kaya, eco-friendly na transportasyon mula 6 ng umaga hanggang 7 ng gabi. Araw-araw, 13 oras ng pag-pedal sa ilalim ng araw, ng ulan, ng madilim, at ng mapanganib na sitwasyon dala ng COVID-19 -- gagawin ang lahat upang makamit ang halagang 200 piso sa isang araw, ang katumbas na presyo ng isang solong pagkain sa isang lokal na restawran.

Pagkalipas lamang ng halos dalawang buwan na pagiging isang driver ng padyak, mapait na natuklasan ni Leo ang pinakamalaking hamong dala ng kanyang trabaho: ang kanyang kita araw-araw ay nakasalalay sa kanyang pagod at pagsisikap. Gayunpaman, dahil sa bigat na dala ng paiba-ibang paghihigpit ng quarantine, napipilitan maglakbay sa malayo si Leo makakuha lamang ng mga pasahero. At sa bawat pagtatapos ng araw, ang kanyang pagod at pagsisikap ay minsan hindi na tumutugma sa kanyang sweldo.

Sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ), ang padyak ay hindi sapat.


Sa magulong pamamahagi ng ayuda o cash aid at ng mga pagkain, hindi nila magawang umasa sa gobyerno pati na rin sa mga asosasyon upang mapanatili ang kanilang mga araw-araw na pangangailangan, tulad ng pagkain at tubig. Sa halip, tumanggap at umasa na lamang muli si Leo sa mga trabahong pang-konstruksyon, habang ang kanyang asawa ay umasa sa paglalaba para sa karagdagang kita.

“Ginagawa ko lang ang lahat para makaahon sa hirap.”

Bilang mensahe sa gobyerno, ani Leo, “Yung mahirap lalo naghihirap, pero dapat mas tulungan ang mga naghihirap.”


Sa kabila ng kanyang matinding paniniwala na ang bakuna sa COVID-19 ay ang nagsisilbing paa para sa magandang kinabukasan, ang lungsod ng Naga ay may limitadong supply lamang ng mga bakuna, na kahit siya ay hindi pa nabibigyan. Sa halip, pinayuhan na lamang ni Leo ang publiko na tulungan siya at ang bansa, “Kung meron ng vaccine [sa inyo], kailangan yan.”

Sa paglipas ng bawat hamon, siya ay isang lalaking may maraming karanasan sa paghihirap ngunit hindi pa rin makakalimutang mangarap.

87060B95-3F50-433B-9EE5-EDDAA3112B1B-13378-0000025838AF89E6.jpg
241053593_1097297770801801_6988919530807198848_n.jpg

Noong bata pa lamang siya, naghangad na siyang makatapos ng pag-aaral upang makamit ang isang magandang kinabukasan, ngunit sa kasamaang, palad siya ay tumigil sa elementarya. Isinuko man ni Leo ang mga pangarap niya para sa kanyang sarili, binubuhay pa rin ni Leo ang kanyang mga pangarap sa pamamagitan ng kanyang mga anak. Nagtitiyaga si Leo upang masaksihan ang kanyang mga anak na babae, na kasalukuyang nasa ika-7 at ika-9 na baitang, na makapag-tapos ng high school, o sana kahit kolehiyo.

Ninanais ni Leo Olgina na ibigay sa kanila ang edukasyong kinakamit niya mula pagkabata.

Bilang 1 sa 4,200,000 na Pilipino, paano niya nakakayanan?

 

Ang ating padyak driver ay humuhugot ng lakas at motibasyon mula sa kanyang pamilya; ang simpleng imahe ng kanyang pamilya na kumakain ng sabay-sabay sa hapunan ay sapat na para sa kanya. Ang bawat pedal, ang bawat patak ng pawis ay tumutulong upang makapaghain ng pagkain sa mesa. At sa pagtatapos ng bawat araw, isang hapunan kasama ng pamilya ang tanging nagpapanumbalik muli ng kanyang lakas; ito ang buhay ni Leo Olgina.

 

Habang si Leo ay nagpapakita ng lakas at katatagan bilang isang lalaki, bilang isang manggagawa, bilang isang asawa, at bilang isang ama, ang iyong subscription sa The Adversity Archive ay magbibigay kay Leo Olgina ng kapayapaan sa gitna ng mga walang katiyakan sa oras na ito dahil ang iyong donasyon ay makakatulong sa pagkain ng kanyang pamilya - ang nag-iisang pinagkukunan niya ng kanyang lakas.

 

Sa pinakahuling naipublish na pigura mula sa Philippines Statistics Authority (PSA), ang datos ng pagkawala ng trabaho sa bansa ay tinatayang magiging 6.9% noong Hulyo 2021.

bottom of page