A Hundred
October 16, 2021
Bianca Mangahas
100 pesos. This is what Edwin currently earns as a Padyak Driver every day.
You can barely buy everything you need with 100 pesos nowadays, right? With today’s rising prices, it definitely becomes a challenge for everyone to budget their expenses. One meal from a fast-food chain can cost exactly a hundred pesos. A one-way transportation ticket can cost half a hundred depending on where you live. Going back is another half, making it a hundred–all just for one person.
What more for Edwin who has a family to feed every day? The expenses certainly multiply.
Edwin was only able to graduate from elementary school and was not able to continue his studies as a high school student. Therefore the jobs he can apply for are limited– leaving him with no choice but to become a padyak driver.
A typical day for Edwin starts at 5:30 am, giving him ample time to wake up, shower, and eat breakfast. He would be ready by 7 in the morning to go out and drive his pedicab until 6 in the evening with only one break in between, which is his lunch break.
His typical fee would cost you 10 Pesos for near destinations such as Camia, and it would cost 40 to 50 Pesos for farther destinations such as Marupit. After his last passenger for the day, he goes straight home to his two children to have dinner— but unfortunately, they only have sardinas (sardines) to eat, and two cups of rice to share.
The memories they share and the bond he creates with his children at the dinner table is something that he truly cherishes, but having to share just sardines and rice with them pushes him to work harder. Someday, they would each have their own meal without having to share.
Now, he gets frequent and longer breaks because it usually takes an hour for him to find a passenger. He ends up with only 10 passengers a day, and with the arrangement of a pedicab in the midst of a pandemic, only one person can ride at a time (to follow social distancing protocols). All this leaves him earning an average of 100 pesos a day. He mentioned that they’ve only been given one ayuda (aid) from the government once, which was only 5000 pesos and a bag of uncooked rice.
This experience was similar to other padyak drivers around his area, he stated. There used to be a hundred padyak drivers before the pandemic hit, but because of the lack of demand and passengers, the other padyak drivers had no choice but to find other means to earn money– lowering down the number of padyak drivers to 40 in their area.
When asked why he chose to stay, he explained that though being a padyak driver is exhausting, it can be fulfilling.
“Yung minamaneho ko kasi, wala siyang gasolina. Bale para siyang bisikleta. Umoobra yung padyak dahil sa akin.”
(“The vehicle I drive doesn’t have gasoline, it’s like a bicycle. It only moves because of me.”) Having to manually control the vehicle himself under the scorching heat from the sun for 10 hours a day does not compare to the joy he feels whenever he drives his passengers to the places they want to go to. Over the years of being a padyak driver, he has earned regular passengers who he has become close to. Serving them before and during the pandemic is something he genuinely enjoys, and often,the journey also leads to a wonderful destination.
Furthermore, on the topic of a pandemic, he mentioned how he was afraid of it, but he isn’t planning to get vaccinated anytime soon. “Malakas naman ang sustensiya ko, kaya’t hanggang maganda pa ito, hindi pa ako magpapabakuna.”
(“I’m still in good shape and health, so while I’m still healthy, I won’t get vaccinated.”)
He himself does not want to get vaccinated because he doesn’t think it’s necessary for the time being, yet he encourages others to get vaccinated— if they have the chance to do so. He still observes proper social distancing, follows government protocols, and wears a face mask and shield to protect himself and others from the virus. “Seryoso itong Covid na ito. Hindi ito basta basta lang na virus. Kaya dapat mag-ingat pa rin tayo.”
(The Covid-19 virus is serious. It is not just some type of virus, which is why we all have to stay safe.”)
The pandemic has given Edwin a huge weight on his shoulders. He feels the pressure of having to keep up with all the expenses for him and his children due to the fact that all his bills are piling up, but his daily earning remains stagnant. Therefore he wishes for the pandemic to end soon in order for him to earn as much as he used to. His children are his priority and source of strength and motivation. He will continue to be a padyak driver until his children reach their dreams.
“Hangga’t wala pa akong sakit at hangga’t buhay pa ako, mananatili akong padyak driver para sa mga anak ko– sila lagi ang inuuna ko dahil mahal ko sila, at siyempre, ako yung tatay nila at responsibilidad ko yun bilang isang magulang.”
(“I will continue to be a padyak driver while I am still alive with no sickness. My children are my number one priority because I love them, and of course, I am their father. That is my responsibility as a parent.”)
His love and support for his children is truly admirable. Aside from applauding and acknowledging him for being a great father and a great man of service, we highly encourage you to subscribe to The Adversity Archive as a means of helping him one step further to his and his childrens’ dreams. With everything that he and the other padyak drivers have had to face during these times, a simple act of kindness would be appreciated.
Isang Daan
October 16, 2021
Bianca Mangahas
Translated by Jascha Leana
Isang daang piso. 'Yan ang halaga ng kasalukuyang kinikita ni Edwin bilang isang Padyak Drayber araw-araw.
Ni hindi mo man mabibili lahat ng mga pangangailangan mo sa halagang isang daang piso sa panahon ngayon, 'di ba? Sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin ngayon, isa talagang hamon para sa lahat na ibadyet ang kanilang gastusin. Isang pagkain mula sa isang kainan ay naghahalagang isang daang piso na. Ang pamasahe papunta sa isang lugar ay maaaring maghalaga ng kalahati ng isang daang piso depende kung saan ka nanggaling. Ang pamasahe naman pabalik ay isa pang kalahati, na sa kabuuan ay naghahalagang isang daang piso para lang sa isang tao.
Paano pa kaya kay Edwin na mayroong pamilyang pinapakain araw-araw? Tiyak na nagpapatong-patong ang mga gastusin.
Si Edwin ay nakapagtapos lamang ng elementarya at hindi naituloy ang pag-aaral sa susunod na baitang kaya naman limitado lamang ang mga trabahong maaari niyang pasukan. Dahil dito, wala siyang ibang magagawa kung hindi maging isang padyak drayber.
Lumaki siyang walang sapat na pera na pang matrikula sa paaralan; ayaw niyang maranasan ng kanyang mga anak ang naranasan niya noon. Bilang ama, ang pagpapakaloob sa kanila ng mga bagay na kailangan at nais nila pati na rin ang pagbibigay sa kanila ng edukasyon na kanilang karapatan ay ang kanyang pangunahing prayoridad. Ang kanyang dedikasyon sa pagkita ng pera ay nakaugat sa pagmamahal niya sa kanyang mga anak, na isa sa maraming dahilan kung bakit patuloy siyang nagtatrabaho bilang isang padyak drayber sa kabila ng hinaharap niyang matinding sitwasyon sa kasalukuyan.
Siya at ang ina ng kanyang mga anak ay hiwalay; ang ina ay mayroong bagong pamilya sa ibang lalaki. Ito ay nangangahulugang kasama niyang nakatira sa iisang bubong ang kanyang dalawang anak, at kailangan niyang tustusan lahat ng kanilang pangangailangan — pagkain, damit, edukasyon, at pamasahe. Hindi naman ito problema para sa kaniya sapagkat nagpapadala naman ng pera ang kanilang ina sa tuwing kailangan nila ito, at siya naman ay kumikita nang sapat upang mapakain sila nang dalawa hanggang tatlong beses sa araw-araw.
“Mahirap na mag-isa lang ako na nag-aalaga sa mga anak ko, pero mas masaya kaming mga magulang na hiwalay kami. Responsibilidad ko naman 'yan sa mga anak ko– na alagaan at pakainin sila habang wala pa silang sariling pamilya. 'Tsaka tinutulungan naman ako ng kanilang nanay minsan. Kaya okay lang ako.”
Ang tipikal na araw para kay Edwin ay nagsisimula ng alas singko y medya ng madaling-araw, na nagbibigay sa kanya ng sapat na oras upang gumising, maligo, at mag-agahan. Handa na siya ng alas syete ng umaga upang lumabas at imaneho ang kanyang pedicab hanggang alas sais ng gabi na may iisang pagkakataon lamang na magpahinga, ang kanyang pananghalian.
Ang kanyang tipikal na bayad sa pamasahe ay sampung piso sa mga malalapit na patutunguhan tulad ng Camia, at nagkakahalaga namang kwarenta hanggang singkwenta ang mga mas malalayong patutunguhan gaya ng Marupit. Matapos ang kanyang huling pasahero sa isang araw, diretso siyang uuwi sa kanyang dalawang anak upang maghapunan — ngunit sa kasamaang palad, mayroon lamang silang sardinas na kakainin, at dalawang tasa ng kanin na paghahatian.
Ang mga alaala na kanilang binabahagi sa isa't isa at ang pagbubuklod na kanyang nabubuo sa kanyang mga anak sa hapag kainan ay isang bagay na tunay niyang tinatangi, subalit itong pagbabahagi ng sardinas at kanin sa kanyang mga anak ang nagtutulak sa kanya upang lalo pang magsumikap. Balang araw, lahat sila ay makakakain ng kanilang sariling pagkain nang hindi naghahatian.
Ngayon, napapadalas at napapahaba ang kanyang mga oras ng pahinga dahil madalas siyang inaabot ng isang oras upang makahanap ng pasahero. Natatapos ang kanyang araw nang may sampung pasahero lamang, at sa limitasyon ng pedicab ngayon sa gitna ng pandemya, iisa lamang ang maaring isakay sa loob (upang makasunod sa mga protokol ng pagpapanatili ng pagitan mula sa kapwa-tao). Sa pangkalahatan, ang kanyang kita sa isang karaniwang araw ay isang daang piso. Nabanggit niya na minsan lamang sila nabigyan ng ayuda ng gobyerno, na nasa halagang limang libong piso at isang supot ng bigas.
Ang karanasang ito ay katulad ng sa iba pang mga padyak drayber sa kanyang lugar, aniya. Dati, mayroong isang daang mga padyak drayber bago magkaroon ng pandemya, ngunit dahil sa kakulangan ng mga pasahero, ang ibang mga padyak drayber ay wala nang magawa kung hindi maghanap ng iba pang paraan upang kumita ng pera — na nagdulot ng pagbaba sa bilang ng mga padyak drayber na apatnapu na lamang sa kanilang lugar.
Nang tinanong kung bakit niya piniling manatili, ipinaliwanag niya na kahit nakakapagod ang pagiging padyak drayber, nakapagpapasigla pa rin ito.
'Yung minamaneho ko kasi, wala siyang gasolina. Bale para siyang bisikleta. Umoobra yung padyak dahil sa akin.”
Ang kanyang manu-manong pagpadyak sa ilalim ng nakatirik na araw sa loob ng sampung oras sa isang araw ay hindi maikukumpara sa saya na kanyang nararamdaman sa tuwing nadadala niya ang kanyang mga pasahero sa kanilang mga patutunguhan. Sa paglipas ng ilang taon bilang padyak drayber, nagkaroon na siya ng mga suking pasahero na nakilala niya na rin. Ang paglilingkod sa kanyang mga pasahero bago pa man at sa gitna na ng pandemya ay isang bagay na tunay na nagpapasaya sa kanya, at madalas, ang biyahe ay humahantong rin sa isang kahanga-hangang patutunguhan.
Sa karagdagan, ukol sa usapin ng pandemya, nabanggit niya kung gaano niya ito ikinatakot, subalit hindi siya nagpaplanong magpabakuna anumang oras sa lalong madaling panahon.
“Malakas naman ang sustensiya ko, kaya’t hanggang maganda pa ito, hindi pa ako magpapabakuna.”
Siya mismo ay walang pagnanais na mabakunahan dahil para sa kanya ay hindi ito kinakailangan pansamantala. Gayunpaman ay hinihikayat niya ang iba na magpabakuna — kung sila ay mayroong pagkakataon upang gawin ito. Kanya pa ring ginagawa ang wastong pagpapanatili ng pagitan mula sa kapwa-tao, sumusunod sa mga protokol ng gobyerno, at nagsusuot ng face mask at face shield upang protektahan ang sarili at iba mula sa virus.
“Seryoso itong Covid na ito. Hindi ito basta basta lang na virus. Kaya dapat mag-ingat pa rin tayo.”
Ang pandemya ay nagbigay kay Edwin ng mabigat na pasan. Nakakaramdam siya ng matinding kagipitan sa pagtustos sa lahat ng mga gastusin para sa kaniya at kanyang mga anak lalo na't nagpapatong patong na ang mga bayarin, subalit ang kanyang pang-araw-araw na kita ay nananatiling kulang at hindi sapat. Gayunman ang kanyang hiling ay para sa pandemya na matapos sa lalong madaling panahon upang siya'y kumita nang tulad sa dati niyang kinikita. Ang kanyang mga anak ay ang kanyang prayoridad at pinagkukunan ng lakas at sigla. Kanyang ipagpapatuloy ang pagiging padyak drayber hanggang sa maabot ng kanyang mga anak ang kanilang mga pangarap.
“Hangga’t wala pa akong sakit at hangga’t buhay pa ako, mananatili akong padyak driver para sa mga anak ko– sila lagi ang inuuna ko dahil mahal ko sila, at siyempre, ako yung tatay nila at responsibilidad ko yun bilang isang magulang.”
Ang kanyang pagmamahal at suporta sa kanyang mga anak ay tunay na kahanga-hanga. Bukod sa pagpalakpak at pagkilala sa kanya bilang isang dakilang ama at isang dakilang tao ng serbisyo, lubos namin kayong hinihikayat na mag-subscribe sa The Adversity Archive bilang pagtulong sa kaniya na mapalapit sa mga pangarap niya at ng kanyang mga anak. Sa lahat ng kanyang mga hinarap at ng iba pang mga padyak drayber sa panahon ngayon, ang simpleng kilos ng kabaitan ay pinahahalagahan.