Battle Hymn of The Unarmed Seaman
September 17, 2021
Lorenzo Ortega
All jobs require a certain amount of sacrifice from us.
For some, their jobs take a huge toll on their personal time that require them to go beyond the normal 9 to 5 work schedule. For others, it is having to travel long hours just to get to their place of work. And now especially with the pandemic, some jobs require them to be constantly exposed to the risk of getting the virus. If not for their sacrifices, our society would cease to exist.
However, there are those whose professions would ask so much more. Our fisherfolk for example are not only exposed to the risks and dangers of the sea but they are right at the heart of an international dispute that could spark a major conflict involving major superpowers. For a fisherman like Kuya Arnold who gets no seat on the negotiating table, his destiny is being decided by an elite few whose interests lie elsewhere.
At 59, Kuya Arnold Ariola is a seasoned fisherman. It was through this trade that Kuya Arnold was able to send his siblings to school. Being the eldest of 7 siblings, Kuya Arnold had to share the burden of the responsibilities in providing for his family’s needs. Having dreams to pursue higher education himself, he had to ultimately let go of this dream to make way for his siblings’ aspirations. Hindi ako nakapag-tuloy na makapag-aral kasi inuna ko muna yung mga kapatid ko. (I was not able to continue my education because I had to put my siblings’ needs first). Through Kuya Arnold’s sacrifice, 4 of his siblings were able to finish school.
Eventually, Kuya Arnold started his own family and the dreams he had for himself are now dreams channeled to his own children. As a father and breadwinner, he is prepared to do everything to provide a better life for his children.
For a family whose budget and resources are scarce and limited, he would need all the available income he could get from the sea. Unfortunately, unexpected neighbors backed by big warships and long firearms are sneaking into our seas where our fishermen are solely granted the right to fish by international law. Kuya Arnold’s fellow fishermen are witnesses to this gross violation.
Yung iba naming kasamahan sinasabi na nakaranas sila ng harassment mula sa mga Tsino. Tulad niyan, kapag mag-katabi sila ay pa-aalisin yan para sila yung mauna. Kung hindi sila aalis, i-spreyan sila ng tubig. (My companions experienced harassment from the Chinese. For example, if they are close to each other, the Chinese would tell them to leave so that they could go first. If they would not leave, they would spray water on them.) Due to the danger and imminent threat posed by the situation in the contested territories, Kuya Arnold decided to fish in areas closer to our borders instead.
It became apparent to him and to fellow fishermen that a mere statement on a piece of paper holds no true power when you are up against a mighty foe who uses intimidation to disclaim what is rightfully ours.
In Kuya Arnold’s perspective, the only real solution in the West Philippine Sea is to increase our country’s military presence in the area.
Syempre sa Pilipinas area dapat Pilipino ang nakikinabang. Pero inaako pa rin ng mga dayuhan. Yung sa akin lang talaga, dagdagan ang bantay sa teritoryo ng Pilipinas para makita talaga nila yung mga dayuhan na nakapasok. (Of course it should be the Filipino people who takes advantage of what is rightfully ours which foreigners claim to be theirs. In my personal opinion, the Philippines should increase our Coast Guards in order to keep in check the foreigners who are freely entering our territories.)
Surprisingly, despite the hardships Kuya Arnold faces at sea, there are many things he is thankful for, especially the success of his children (all girls) in their studies. Through Kuya Arnold’s sweat, blood, and tears, all of his 4 children are finally college graduates pursuing different professions!
Hindi naman sila nagpabaya ng pag-aaral nila. Dahil diyan, mayroon akong anak na teacher, dalawang civil worker, at isa na nasa management. (My children did not neglect their studies. And because of that, I have a daughter who is a teacher, 2 civil workers, and one working in management.)
Even with his children working in different fields, Kuya Arnold still feels the desire to continue working in the seas to make ends meet.
Ito ngang mga anak ko sinasabi na tumigil na ako sa pangingisda pero yung katawan ko kasi ay halos tumanda na sa dagat at hahanap-hanapin mo talaga yoon. (My own kids are asking me to stop but I have almost grown old doing this and my body naturally seek for it.)
Following the rhythm of his body, Kuya Arnold still continues to fish to this day. Unfortunately, the pandemic has taken a toll on our fisherfolk as well. Most of Kuya Arnold’s harvest are for export but due to fluctuating markers and the impact of the pandemic in businesses, there has been a significant drop in their income.
But life goes on for Kuya Arnold and for countless fishermen exposed to all sorts of danger with little promise that their situation would improve in the near future. They can’t wait for a solution from the powers that be for waiting won’t feed their families.
Everyday is a daily struggle to survive and fishermen like Kuya Arnold are left with no choice but to overlook the incompetencies of a system which treats his kind as disposable pawns in a game to woo a foreign superpower.
However, it is our responsibility to acknowledge the plight of every single Filipino regardless of who they are and where they come from because every Filipino has the right to hold those people who have been misrepresenting them accountable. And so, it is my hope that whenever fish is served on your plate, I hope that you remember Kuya Arnold’s story and to never take for granted the little things that aren’t so little after all.
Battle Hymn of The Unarmed Seaman
September 17, 2021
Lorenzo Ortega
Translated by Kyle Uy Cana
Hindi maikukubli na ang bawat trabaho ay may hinihiling na sakripisyo mula sa atin.
Kadalasan, mayroong mga trabaho kung saan ang mga manggagawa ay kinakailangang magtrabaho lagpas ng karaniwang alas-nuwebe nang umaga hanggang alas-singko ng hapon. Para sa iba, bumabyahe sila nang mahabang oras upang makarating sa kanilang pinagtatrabahuhan. Dahil sa hindi inaasahang paglitaw ng pandemya, marami ang nangamba sa posibilidad na mahawa ng virus. Kung hindi lamang sa mga sakripisyo ng mga bayaning ito ay hindi patuloy na tatakbo ang panlipunan.
Bagaman nakasalalay ang kasarian ng sakripisyo sa uri ng trabaho at kalagayan ng buhay ng isang manggagawa, mayroon pa ring mga trabahong mas mabigat kaysa sa iba tulad ng pangingisda. Hindi lamang nila kailangan harapin ang nakakamatay na virus kundi mamuhay din sa gitna ng pandaigdigang hidwaang maaaring magdulot ng away laban sa mga malalakas na bansa. Para sa mga mangingisda tulad ni Kuya Arnold na walang boses tungkol sa isyu, nakasalalay ang kanyang kinabukasan sa desisyon ng mga makapangyarihan. Gayunpaman ay walang pihadong desisyon na ito ay tunay ngang para sa ikabubuti ng mga mangingisda.
Sa cincuenta anios, patuloy pa ring nangingisda si Kuya Arnold Ariola sapagkat ito ang kangyang pangunahing pangkabuhayan. Dito nanggaling ang pondo para ipag-aral ang kanyang mga nakababatang kapatid. Bilang panganay sa pitong magkakapatid, nakasalalay ang mga pangangailangan ng pamilya sa balikat ni Kuya Arnold. Bagaman mayroon din siyang sariling adhikain sa buhay, hindi siya nagdalawang isip na unahin muna ang mga pangarap ng kanyang mga nakababatang kapatid. “Hindi ako nakapag-tuloy na makapag-aral kasi inuna ko muna yung mga kapatid ko,” bahagi ni Kuya Arnold. Sa pamamagitan ng kanyang sakripisyo ay matagumpay na nakapagtapos sa pag-aaral ang apat niyang kapatid.
Sa paglipas ng panahon ay nakabuo rin si Kuya Arnold ng sarili niyang pamilya kung saan naipasa niya ang kanyang mga hangarin sa buhay. Bilang haligi ng tahanan, handa siyang maglaan ng kanyang oras at pawis para sa kinabukasan ng kanyang mga anak.
Para sa pamilyang hindi sapat ang kinikita, nakukuha niya ang kanyang bawat kuwarta mula sa pangingisda subalit nakahahadlang ang mga malalaking barkong pandigmaang pumapalibot sa karagatan ng Pilipinas. Patuloy pa rin itong nangyayari bagaman kinikilala ng internasyonal na batas na ang pilipinas ang may-ari ng teritoryo. Namasdan nina Kuya Arnold at ng kanyang mga kapuwa mangingisda ang paglabag sa batas na ito.
“Yung iba naming kasamahan sinasabi na nakaranas sila ng harassment mula sa mga Tsino. Tulad niyan, kapag mag-katabi sila ay pa-aalisin yan para sila yung mauna. Kung hindi sila aalis, i-spreyan sila ng tubig.” Dahil sa panganib at batadulot mula sa pag-aagawan ng teritoryo, nagpagdesisyonan ni Kuya Arnold na mangisda na lamang malapit sa dagat na sakop ng Pilipinas.
Naging malinaw sa kanilang mangingisda na hindi sapat na nagbibigay bisa ang isang kontratang laban sa malakas at matapang na bansang nag-aangkin sa teritoryong hindi naman talaga sa kanila.
Sa pananaw ni Kuya Arnold, ang kalutasan sa problemang ito ay damihan pa lalo ang presensya ng militar sa bansa. Syempre sa Pilipinas area dapat Pilipino ang nakikinabang. Pero inaako pa rin ng mga dayuhan. Yung sa akin lang talaga, dagdagan ang bantay sa teritoryo ng Pilipinas para makita talaga nila yung mga dayuhan na nakapasok.
Sa kabila ng mga kahirapang nararanasan ni Kuya Arnold sa karagatan ay patuloy pa rin siyang nagpapasalamat, lalo na sa pagtatagumpay ng kanyang mga anak, na pawang babae. Ang kanilang pagtatapos ng kolehiyo at pagpasok sa iba’t ibang propesyon ay buhat ng pawis, dugo at luha ng kanilang masigasig at masipag na ama.
Aniya ni Kuya Arnold, “Hindi naman sila nagpabaya ng pag-aaral nila. Dahil diyan, mayroon akong anak na teacher, dalawang civil worker, at isa na nasa management.”
Dapatpuwa nagtatrabaho na ang kanyang mga anak, mayroon pa ring malakas na pagnanasa ng mangisda si Kuya Arnold upang may maihain sa kanyang pamilya.
“Ito ngang mga anak ko sinasabi na tumigil na ako sa pangingisda pero yung katawan ko kasi ay halos tumanda na sa dagat at hahanap-hanapin mo talaga yoon.”
Hanggang sa araw na ito, patuloy pa ring sinusunod ni Kuya Arnold ang kanyang kagustuhang mangisda sa dagat ngunit hindi maililihim ang negatibong epekto ng pandemya sa industriya. Bukod pa rito, karamihan sa huli ni Kuya Arnold ay binebenta sa mga kapitbahay ng Pilipinas subalit patuloy na nababawasan ang kanilang kita dulot ng pagtaas at pagbaba ng presyo sa pamilihan.
Tila punong puno ng hamon at kawalang-katiyakan ang buhay ng isang mangingisda gayunpaman ay matatag pa ring nagpapatuloy si Kuya Arnold kasama ang kanyang kapwa mangingisda. Hindi sila habang buhay na makapaghihintay sa solusyon ng mga pinuno ng panlipunan. May dalang pagsubok ang bawat araw ng pangingisda ngunit walang magagawa sina Kuya Arnold kundi tunghayan ang mga pagkukulang ng sistema kung saan maliit lamang ang impluwensya ng mga taong kagaya niya.
Bilang pagtatapos, mayroon pa ring tungkulin ang mga Pilipinong kilalanin ang mga paghihinagpis ng kanilang mga kababayan sapagkat mayroon karapatan ang bawat mamamayang magsalita hinggil sa mga taong hindi naging isang mabuting representasyon nila. Nawa ay maalala niyo ang salaysay ni Kuya Arnold tuwing isda ang hinahapag sa kainan. Nararapat lamang magpasalamat, malaki man o maliit, dahil ang mga munting bagay ay biyaya pa rin.