Bukang Liwayway: Mimi Dungganon
September 10, 2020
Yvette Capellan
A fact about the Filipino people: they are well known and celebrated for their resilience. This resilience is an innate trait born out of necessity and has been well ingrained in the very culture, hearts, and veins of Filipinos. In a country and time where the government cares more about their own well-being than the well-being of their people, this trait is necessary for their survival. However, it can also be said that the Filipino people are more than just their resilience. Mimi Guiron Dungganon—“Ate Mimi” to most, is proof of this. Her story began in the slums of Mandaluyong, in Barangay Addition Hills, with Bukang Liwayway. Bukang Liwayway is an organization dedicated to serving the poor by providing medical and health programs, camps, and education to poor communities.
Ate Mimi’s scholarship from Bukang Liwayway happened by chance. Her mother applied for her out of necessity. Nevertheless, the things that she learned here and with Bukang Liwayway’s support is what has shaped her into the person that she is today. What had initially started as something she had pursued for the sake of education and money transformed into something much bigger for Ate Mimi. It was here that she found her faith and devoted her life to God. Experience in university and the support of Bukang Liwayway enabled her to mold a vision for herself: to become a restaurant manager. Right after graduating from college, she began working in a restaurant called Tokyo Tokyo. Yet despite finally reaching the first step to her goal, she started to grow tired, she told The Adversity Archive,
“I [felt] empty in some way, ‘Am I really for this kind of job?’[...] I started to see young people in the community that seemed stressed din, they seemed hopeless, they seemed empty, which is unusual because I grew up in a community like that. I should be used to it, why is it bothering me to see those young people that look so hopeless?”
Despite spending her college days with the ambition and hopes of becoming a restaurant manager, she was overwhelmed with a burden to do more. Dreams do in fact change in the same way that people change. With complete uncertainty of what was to come, she quit her job at Tokyo Tokyo. Yet shortly after quitting her job, almost as if it was orchestrated by God himself, the founder of Bukang Liwayway, called and asked if she would be willing to oversee the 6 cities Bukang Liwayway operates in. Certainly daunted by the challenge ahead, Ate Mimi took a leap of faith, she trusted in the God she believed in, and pushed forward to be able to pursue her passion in helping children and others within her capability
“[I] want to make a difference by preparing—to walk in a journey with the young people today. From brokenness, they will become whole again and see themselves as valuable so they can see others as valuable too. That’s my story.”
A truth, or rather, a fact in this story is that Ate Mimi could have lived comfortably with her job there and risen the ranks through the years. She even tells us that, “I wanna earn more money so I can help my family because I still have 2 siblings that I need to support too.” If we were to put ourselves into her shoes, fresh out of college, 21 years old, a 15 thousand pesos salary in a stable job amidst times in which jobs were hard to come by, and a family to support, what would we have done? The logical and easy answer is to stay. This then brings the question of why did she leave?
At this point in her life, Ate Mimi was achieving more than others around her had, she had more opportunities than others in her community did so, why did she give it up? Ate Mimi’s story shows us the answer which is, that help shouldn’t end with her. She says,
“I’m still in the same foundation (Bukang Liwayway), not because I want to pay back but because someone believed in my potential, it empowered me. I am here still in this foundation because I want to do the same. Believing in the young people in the slums, that they have potential, that they are valuable, and there’s a lot to maximize in them, it’s just that they need someone to believe in them”.
Ate Mimi thereafter devoted her time and energy to providing and believing in the potential of these kids. She worked with them, and does all she can to emotionally, financially, spiritually, and mentally support them. However, in the time of the pandemic, it is, as always, those in poverty that struggle most. This is a fact, nothing more, nothing less. This pandemic has brought another wave of problems for both Ate Mimi, Bukang Liwayway and the community. Problems continuously appear day by day. How will she proceed to help children when she can not come close to them? How will she supply the students of the scholarship program? What is to happen to the students who are forced to comply with online learning? How about the equipment that the majority of them can not afford? How could she possibly provide all those solutions? Despite all that she has to think about, Ate Mimi did not, and will not, falter in her path. She continues to think about the children who she works hard for, and for the sake of them, she adapts and looks ahead. Her work in the organization is only one of the few things this pandemic has affected.
“With this pandemic, it’s more scary, because it’s an economic crisis, yun yung iisipin namin na will people still support our foundation, especially yung sponsorship program, lalo na ngayon kasi nga economic crisis din talaga” (With this pandemic, it’s more scary, because it’s an economic crisis, that what we keep thinking of, how will we support our foundation, especially the scholarship program, especially now because it really is also an economic crisis).
Despite these uncertainties, she has proceeded forward and looked at the face of the problem, and taken control. She continues to think of solutions and ways she could continue helping the children in this foundation and her community. She holds meetings with her team discussing what the next best steps to take are, never faltering, never wavering. She tells us, “We are not sure of what the future will bring but one thing for sure is we can in some way control what is today, what we can do today. So, instead of focusing on the things we are not sure of, it’s better to focus on what we can do today [...] rather than spending more [of our] energy on the things you are not sure of but I think with little things you can do today, it’s good to think that it will contribute to the future na para it’s not just about yourself, whatever you can do today, it’s also good to think of na this will also contribute to the future”. The truth here is that just because things get better for yourself does not mean that adversity will stop coming, not for you, and definitely not for others. The world will not stop simply because we want it to. Ate Mimi shows us all that we get to choose what we do despite the adversity and hardships that come our way. She shows us that despite this she is not only the resilience in which we are commonly defined by, but she is also more than that.
In uncertainty, in change, in this pandemic, Ate Mimi has never let these hardships and obstacles hold her back. We can not deny the difficulty at this time, in fact, it has never been clearer, but we get to decide whether or not these experiences will make or break us. Ate Mimi tells us that there is more to life than just this hardship, there is something better than this, something more. We just have to continue moving forward to see it. This too will pass.
Here at the Adversity Archive, we celebrate overcoming adversity, highlighting growth and positivity, but more than that, we celebrate the Filipino people and the strength that flows within our veins. We hope to be able to give more Filipinos a voice through our platform and in the same way we hope that Ate Mimi’s strength and perseverance give you the strength to continue pushing forward.
To read more about Bukang Liwayway, click here
Bukang Liwayway: Mimi Dungganon
September 10, 2020
Yvette Capellan
Translated by Mieko Palaran
Isang katotohanan tungkol sa mga Pilipino: kilala at bantog sila para sa kanilang katatagan. Ang kanilang katatagan ay isang likas na ugali na nagsisimula sa kapanganakan pa lamang dahil nakasanayan na sa kultura, puso, at mga ugat ng mga Pilipino. Sa isang bansa at panahon kung kailan mas pinahahalagahan ng gobyerno ang kanilang mga sarili bago ang kapakanan ng kanilang mga mamamayan, ang katatagan ay talagang kinakailangan para sa kanilang kaligtasan. Gayunpaman, masasabi rin na ang mga Pilipino ay higit na matatag. Si Mimi Guirin Dungganon - “Ate Mimi” para sa karamihan, ay isang patunay nito. Ang kanyang kwento ay nagsimula sa pook ng mga mahihirap ng , Mandaluyong, sa Barangay Addition Hills, kasama ang Bukang Liwayway. Ang Bukang Liwayway ay isang samahan na nakatuon sa paglilingkod sa mga mahihirap sa pamamagitan ng pagbibigay ng programang medikal at pangkalusugan, at edukasyon para sa mga dehadong komunidad.
Ang iskolarship ni Ate Mimi galing sa Bukang Liwayway ay kaisa-isang pagkakataon lamang. Dahil sa lubos na pangangailangan, nag-apply ang kanyang ina para sa kanya. Gayunman, ang mga natutunan niya dito kasama ang suporta ng Bukang Liwayway ay ang humubog sa kanyang pagkakatao ngayon. Nagsimula ito bilang isang bagay na hinahabol niya para sa edukasyon at pera ngunit nagbago ito sa isang bagay na mas malaki pa para kay Ate Mimi. Dito niya natagpuan ang kanyang pananampalataya at inialay niya ang kanyang buhay sa Diyos. Ang karanasan sa unibersidad at suporta ng Bukang Liwayway ay nagbigay daan upang makamit ang pangarap niya para sa sarili: maging isang manager ng restawran. Pagkatapos ng pag aaral sa kolehiyo, nagsimula siyang magtrabaho sa Tokyo Tokyo. Ngunit kahit na naabot na niya ang unang hakbang sa kanyang pangarap, nagsimula siyang mapagod, sabi niya sa The Adversity Archive,
“Naramdaman ko na hungkag ako sa loob, ‘Talaga bang para sa akin ang trabaho na ganito?’ [...] Napansin rin niya na sa kanilang pamayanan na tila problemado rin sila, tila nawalan sila ng pagasa, parang walang saysay ang mga buhay nila, na kung saan ay hindi pangkaraniwan para sakin dahil lumaki ako sa ganun din na pamayanan. Dapat sanay na ako, pero bakit ako ay nababagabag makita ang mga kabataan na mukhang wala nang pag-asa?”
Kahit na pinuhunan niya ang mga araw sa kolehiyo puno ng ambisyon at pag-asa na maging isang tagapamahala ng restawran, nabagabag ang kanyang kalooban at tila kailangan niyang kumilos, baguhin ang kanyang landas. Sa katunayan, ang mga pangarap ay nagbabago, kagaya ng mga tao. Kahit hindi niya alam kung ano ang magiging kinabukasan niya, umalis siya sa kanyang trabaho sa Tokyo Tokyo. Ngunit ilang sandali lang pagkatapos iwanan ang kanyang trabaho, ay tila inayos mismo ng Diyos ang kanyang landas. Tumawag ang mismong nagtatag ng Bukang Liwayway at tinanong kung nais niyang pangasiwaan ang anim na lungsod na pinapatakbo ng Bukang Liwayway. Kahit nababagabag ang kalooban niya sa hamon na hinaharap, nakipagsapalaran si Ate Mimi, nagtiwala siya sa Diyos na pinaniniwalaan niya, at nagsumikap para ipagpatuloy ang kaniyang adhikain na tumulong sa mga kabataan at iba pa sa loob ng kanyang kakayahan.
“Nais kong gumawa ng kaibhan sa pamamagitan ng - isang paglalakbay kasama ang mga kabataan ngayon. Mula sa pagkasira, magiging buo ulit sila at makikita nila na sila ay mahalaga upang makita rin nila na mahalaga rin ang iba. Iyon ang kwento ko.”
Isang katotohanan, o sa ibang salita, isang katunayan sa kuwentong ito ay maaaring mamuhay si Ate Mimi ng komportable sa kaniyang trabaho at tumaas ang posisyon sa paglipas ng panahon. Sinabi rin niya sa amin na “Gusto kong kumita ng mas maraming pera para matutulungan ko ang aking pamilya kasi meron pa akong dalawang kapatid na kailangan kong suportahan.” Kung ilalagay natin ang sarili natin sa kanyang kalagayan, kakagraduate lamang ng kolehiyo, 21 taong gulang, 15 libong pisong suweldo sa isang marangal na trabaho sa panahon na mahirap makahanap ng trabaho, at isang pamilyang kailangang suportahan, ano kaya ung gagawin natin? Ang makatuwiran at madaling sagot ay manatili sa pinagtatrabahuhan. Ang tanong ngayon ay bakit siya umalis?
Sa puntong ito ng kanyang buhay, mas madami nang nakamit si Ate Mimi kumpara sa mga nasa paligid niya, mas marami rin siyang mga oportunidad kaysa sa mga ibang tao na nasa kanyang pamayanan, ngunit bakit niya ito sinukuan? Pinapakita ng kwento ni Ate Mimi ang sagot na kung saan, ang tulong na iyon ay hindi dapat magtapos sa kanya. Sinabi niya,
“Nasa parehong samahan parin ako (Bukang Liwayway), hindi dahil nais kong bayaran ang naitulong nila sa akin, ngunit dahil may taong naniwala sa aking potensyal, pinalakas ako nito. Nandito pa rin ako sa samahan na ito dahil nais ko rin gawin iyon. Ang maniwala sa mga batang nasa mahirap na kalagayan, sila ay may mga potensyal, na sila ay mahalaga, at marami pang mga kakayahan sa kanila, kailangan lang nila ng tao na magtitiwala sa kanila.”
Inilaan ni Ate Mimi ang kanyang oras at lakas sa pagbibigayat pati na rin sa paniniwala sa potensyal ng mga batang ito. Nakipagtulungan siya sa kanila, at ginagawa ang lahat para suportahan ang emosyonal, pampinansyal, espiritwal na mga pangangailangan ng mga ito. Gayunpaman, sa oras ng pandemya, tulad ng nakaraan, ang mga mahihirap ang siyang nakakaranas ng matinding pagdurusa. Ito ang katotohanan, walang labis, walang kulang. Ang pandemyang ito ay nagdala ng isa pang alon ng mga problema para kila Ate Mimi, sa Bukang Liwayway at sa buong pamayanan. Patuloy na lumilitaw ang mga problema araw-araw. Paano siya makakatulong upang matulungan ang mga bata kung hindi siya makalapit sa kanila? Paano niya matutugunan ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral ng programang pang-iskolar? Ano ang mangyayari sa mga mag-aaral na kailangan sumunod sa online na pag-aaral? Paano na ang mga kagamitan na hindi kayang bayaran ng nakararami sa kanila? Paano niya maibibigay ang lahat ng mga solusyon? Sa kabila ng lahat ng kailangan niyang pag-isipan, si Ate Mimi ay hindi umaatras, at hindi pinanghihinaan ng loob. Tuloy pa rin siya sa landas na kanyang tinatahak. Patuloy niyang iniisip ang tungkol sa mga bata na tinutulungan niya, at alang-alang sa kanila, siya ay naghahanap ng mga paraan para umangkop at harapin ang mga hamon na dala ng pandemyang ito. Ang kanyang trabaho sa samahan ay isa lamang sa ilang mga bagay na naapektuhan ng pandemyang ito.
“Sa pandemyan ito, mas nakakatakot, dahil ito ay isang krisis sa ekonomiya, dito ka mapapaisip kung susuportahan pa ba ng mga tao ang aming samahan, lalo na ang programang sponsorship, lalo na ngayon dahil ito rin ay krisis sa ekonomiya din talaga”
Sa kabila ng mga hindi inaasahan na dala ng pandemyang ito, nagpatuloy siya at hinarap at kinontrol ang problema. Patuloy siyang nag-iisip ng mga solusyon at mga paraan na maaari niyang gawain upang maipagpatuloy ang pagtulong sa mga bata sa samahang ito at mga bata sa kanyang pamayanan. Hindi hinahayaan ni Ate Mimi na manghina ang kanilang mga kalooban at ni minsan ay di-nag-alinlangan. Pinupulong niya ang kanyang koponan para talakayin ang susunod na mga hakbang na maaari nilang gawain. Sinabi niya sa amin, "Hindi natin masisiguro kung ano ang hirap at mga hamon na darating. Pero isang bagay ang sigurado, maaari nating makontrol ang ating hinaharap sa kasalukuyan, at kung ano ang kaya nating gawin ngayon. Kaya, sa halip na ituon ang pansin at lakas sa mga bagay na hindi natin masisiguro, mas maigi na mag-focus sa kung ano ang maaari nating gawin ngayon [...] kaysa sa paglaan ng higit sa [ating] lakas sa mga bagay na hindi ka sigurado ngunit sa palagay ko sa maliliit na bagay na magagawa mo ngayon, magandang isipin na naiambag ito para sa kinabukasan, para hindi lamang tungkol sa iyong sarili, at kung ano ang maaari mong gawin ngayon, masarap ding isipin na ito ay makakatulong rin sa kinabukasan." Ang katotohanan ay di ibig sabihin na kapag bumuti ang kalagayan mo, ay titigil na ang pagdating ng kahirapan at mga pagsubok, hindi ito titigil para sa iyo, at tiyak na hindi ito titigil para sa iba. Ang mundo ay hindi titigil nang dahil nais lamang natin itong patigilin. Pinapakita sa atin ni Ate Mimi na sa lahat ng bagay, maaari tayong pumili, kahit na ano mang kahirapan ang harapin natin. Ipinapakita niya sa atin na sa kabila ng lahat ng ito, hindi lamang siya ang maabilidad at maparaan, ngunit higit pa siya rito.
Sa harap ng kawalan ng katiyakan, matitinding pagbabago, sa harap ng pandemyang ito. Hindi kailanman hinayaan ni Ate Mimi na pigilan siya ng mga paghihirap at balakid. Hindi natin maitatanggi na lalong tumindi ang kahirapan ngayon, sa katunayan, ito ay naging mas malinaw ngunit tayo ang magpapasiya kung ang mga karanasang ito ay ikakatagumpay o magiging sanhi ng kabiguan natin. Sinasabi ni Ate Mimi na higit na may higit pa sa buhay kaysa sa mga kahirapan na hinaharap natin, may mas mabuti pa kaysa dito, may higit pa. Kailangan lamang nating magpatuloy para makita ito. Lahat ay lumilipas, lilipas din ito.
Dito sa Adversity Archive, ipinagdiriwang namin ang pagtatagumpay sa harap ng kahirapan, bigyan diin ang paglago at ang pagiging positibo, ngunit higit sa lahat, ipinagdiriwang namin ang mga Pilipino at ang tatag na dumadaloy sa ating mga ugat. Inaasahan namin na mas mabigyan ng boses ang mga Pilipino sa pamamagitan ng aming plataporma at sa ganitong paraan inaasahan namin na ang lakas at pagtitiyaga ni Ate Mimi ay magbibigay sa iyo ng lakas at inspirasyon na magpatuloy at magsumikap.
Upang mabasa ng higit pa tungkol sa Bukang Liwayway, pumunta dito