Cassie's Bag of Dreams : Cassie Eng
August 31, 2020
DongWon Kim
“Sometimes, maybe you just have to create your own hope”
Hope is exactly what seventeen-year-old Cassie has been creating for thousands of needy schoolchildren in the Philippines. All the way from San Francisco, Chinese Filipino Cassie Eng is passionate about making an important change.
When she was 6 years old, Cassie visited Tondo for the first time. The area is known to be the most densely populated and poverty-stricken district in Manila. Cassie was taken aback by the towering level of poverty present among most people. She observed people rummaging through mountains of garbage and children eating one meal a day. Compared to her privileged life back in California, the children in Tondo had very little, and they struggled to acquire the resources needed for school. Cassie told the Adversity Archive, “it was a life-changing experience even though I was 6.” The jarring experience helped her realize that it was the lack of proper educational supplies that trapped Filipino students inside the cycle of poverty. This led her to create Cassie’s Bag of Dreams, a project that raises money to provide backpacks and school supplies for children who do not have access to educational resources.
The project is a direct partnership with Project Pearls, an organization based in the Philippines that provides for several impoverished communities.
“I wanted to encourage, particularly kids in the Philippines, to see education as a tool to escape the cycle of poverty,”
Receiving donations mainly from her large family in the Philippines and rotary clubs in the US, Cassie has continuously been inspiring poor children in the form of resources. She explains that the donations will motivate the children, and “just give them the opportunity to pursue that meaningful education.” Cassie also has a passion for dance, which proved to be useful when she visited communities she served. “Dancing is a big part of my life and it is also a way that I actually connect with a lot of kids,” she said. “I can communicate without having to say words.” From an ocean away, Cassie has sparked hope in children whose futures were uncertain. For 6 years, the project has continued to serve poor communities by providing over 2,500 backpacks for the children.
When the pandemic began, Cassie’s mind began filling with concern for her project. She anxiously asked herself, “If no one can access the community right now because of the restrictions in the Barangays and because of social distancing, what’s going to happen to those kids, how are they going to eat?” This was the first time in 15 years Cassie hadn’t been able to visit the Philippines during the summer. “That made me really sad but then it’s also just, like, if I am not able to go and I have these restrictions and it’s unsafe, I can’t imagine how unsafe it is to be living in poverty,” said Cassie. But soon her worries were forgotten as Project Pearls adapted to the restrictions. They could not bring the outside volunteers to the community anymore, but through the years of their livelihood program, they had trained the mothers and the fathers in the communities. “By doing so, by giving back to their community, it brought me hope because it’s showing me that even after all they have had to overcome, they are still staying resilient, they are still fighting,” she commented. “I shouldn’t be giving up so fast because those communities are still surviving.” For Cassie, this became an opportunity for her to further evaluate how she could be of use to them from far away. She rebounded from her unease and did whatever she could to assist the people she loved.
The digital divide among students alarmed Cassie and Project Pearl. “We kind of shifted and adapted The Bag of Dreams,” Cassie explained. “We’re not raising money to buy backpacks but instead, raising money to buy Chromebooks.” Cassie took this opportunity to help children access computers for their virtual learning, again bringing her vision to life and creating a hopeful future for the underprivileged. Her school has also moved into distance learning, and Cassie recognizes that she has a lot of privilege, so the transition to online school was really easy for her. This was the reason why the Chromebook campaign was so important, it would provide Filipino children with the same opportunities.
Staying home has also helped Cassie to deeply reflect on what the pandemic taught her. “I think the biggest thing I constantly reflect on is just the idea of privilege... once COVID hit, the inequalities everywhere became all the more apparent,” she said.
“Once you reflect and recognize that you have that platform and that privilege, it’s about figuring out how you can leverage that to benefit those in need,” she advised.
Cassie also expressed hopes that others would learn from the pandemic. “What I hope people will take away is just basic empathy because there’s a lot of people struggling,” she explained. Cassie knows she doesn’t have all the solutions to fix the problems that have surfaced recently, but she hopes that many people will recognize that there is suffering during this time. Her empathy was what made her project so important, helping children break through poverty and build their own future. To the people struggling, Cassie’s empathy is a message of prominent hope.
There are a lot of things Cassie is unsure about in the future but she plans to continue to serve the underprivileged with passion and joy. The Adversity Archive hopes her interests in philanthropy, business, math, and STEM will continue to guide her in making a difference in more Filipino people’s lives. She doesn’t think it seems far fetched if she ends up living in the Philippines for a bit. “I do think of Manila as my second home because I have spent so much time there,” she shared. Although many obstacles like distance and quarantine have halted her trips to the heart of her mission, nothing can stop Cassie from serving the people she loves and cares deeply about.
“There are still ways to spark hope, because what else would you do if you didn’t have hope?”
The Adversity Archive recognizes Cassie’s story as one of immense dedication and resilience. Nowadays, it is difficult to initiate solutions with restrictions in mind. Even with the long-distance and public health emergency limitations, Cassie has continued her service with enthusiasm and diligence. We hope her story resonates with you.
To learn more and donate to Cassie’s Bag of Dreams, click here
Cassie's Bag of Dreams : Cassie Eng
August 31, 2020
DongWon Kim
Translated by Martina Go
"Minsan, kailangan mo ring gumawa ng sarili mong pag-asa."
Sa edad ng labing-pitong taong gulang, ang pag-asa ay ang kaisa-isang bagay na naibibigay ni Cassie sa libo libong mga mahihirap na mag-aaral ng bansang Pilipinas. Galing sa San Franciso, California ng bansang Estados Unidos, ang Fil-Chi na pinangalanang Cassie Eng ay determinadong magsimula ng pagbabago sa bansang pinanggalingan niya.
Nagsimula ang kuwento ni Cassie noong siya ay anim na taong gulang pa lamang at siya’y pumunta sa Tondo, Maynila sa kauna-unahang pagkakataon. Ang Tondo ay kilala bilang sentro ng kahirapan sa lungsod ng Maynila dahil sa dami ng tao, siksik siksik na mga bahay-bahayan, at bundok ng basura. Hindi makapaniwala ang batang Cassie sa nakita niya noong araw na iyon; mga mamayanang nanghuhukay ng magagamit mula sa mga bundok ng basura at sa bawat kanto ay mga batang nagugutom. Kumpara sa mga kasaganahan na nakasanayan ni Cassie sa kanyang buhay sa California, hindi sapat ang naibibigay sa mga bata sa Tondo at tuluyang silang naghihikahos sa mga simpleng bagay kagaya ng pag-aaral dahil sa kakulangan nila ng mga kagamitan. Ipinahayag ni Cassie ito sa Adversity Archive, “Iyon ang karanasan na nagbago ng buhay ko kahit anim na taong gulang pa lamang ako.” Dahil sa pangyayaring ito, natauhan si Cassie na ang isang mabuting edukasyon lamang ang makakatulong upang makatakas sa kahirapan. Sa ideyang ito nagsimula ang “Cassie’s Bag of Dreams”, isang proyekto na ang hangarin ay lumikom ng pera upang mabigyan ng backpacks at kagamitan pang-aral ang mga mahihirap na estudyanteng walang kakayahang bilhin ang mga ito.
Ang proyektong ito ay nagiging posible dahil sa Project Pearls, isang organisasyon sa Pilipinas na tumutulong sa iba’t ibang mga mahihirap na komunidad.
“Gusto kong manghikayat ng mga kabataan sa Pilipinas na makita ang edukasyong bilang isang pamamaraang makatakas sa kahirapan,” ang sabi ni Cassie.
Siya ay kumukuha ng ayuda at tulong galing sa kanyang malaking pamilya sa Pilipinas at iba’t ibang mga grupo sa America. . Si Cassie ay patuloy na nagbibigay ng inspirasyon sa mahihirap na mag-aaral sa pamamaraan ng kagamitang pang-aral. Umaasa si Cassie na sa pamamagitan ng tulong na ito ay mahihikayat ang mga mag-aaral at “magbibigay ng mas malaking pagkakataon upang hangarin ang mas magandang edukasyon.” Si Cassie rin ay may pagmamahal sa pag-sayaw at ito ay ginagamit niya tuwing siya’y bumibisita sa mga komunidad na kanyang tinutulungan. “Ang pagsasayaw ay isang malaking parte ng aking buhay at ito rin ay isang pamamaraan na ako’y maintindihan ng mga bata kahit hindi ako nagsasalita,” sabi ni Cassie. Mula sa kabilang dulo ng mundo, si Cassie ay nag-usbongng pag-asa sa mga buhay ng mga kabataang nawalan ng katiyakan sa kanilang kinabukasan dahil lamang sa kanilang kahirapan. Sa anim na taon ng “Cassie’s Bag of Dreams”, sila ay nakapagbigay ng 2,500 na backpacks para sa mga batang mag-aaral sa Pilipinas.
Noong nagsimula ang pandemya, agad agad na nag-alala si Cassie para sa proyekto niya. Siya ay nabalisa at napaisip, , “Kung walang nang makapapasok sa mga komunidad dahil sa paghihigpit ng mga Barangay at social distancing, ano ang maaring mangyari sa mga kabataang kanyang tinutulungan? Paano sila makakakain?” Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa labing limang taon na hindi makakauwi si Cassie sa bansang Pilipinas. “Ako’y nalungkot sa sitwasyong ito pero naisip ko kung hindi ako maka-bi dahil sa iba’t ibang hadlang kagaya ng paghihigpit sa komunidad at sa hindi pagiging ligtas nito sa aking kalusugan, mas mapanganib pa siguro para sa mga taong nasa ilalim ng kahirapan,” ito ang pag-aalala na ipinahayag ni Cassie. Mabilis na naglaho ang kanyang pangangamba dahil mabilis na naka-angkop ang Project Pearls sa mga ipinatupad na mga paghihigpit. Kahit hindi na makakapasok o makakatulong ang mga boluntaryong galing sa labas ng komunidad, maraming nang mga magulang ang naturuan sa pamamagitan ng iba’t ibang mga programang pagkabuhayan at maitutuloy pa rin ang kanilang operasyon sa mga lugar na ito. “Dahil nakita ko kung paano nila nagawan ng paraan, gamitang kanilang natutunan upang matulungan ang kanilang komunidad, napuno ako ng pag-asa na sa gitna ng pagsubok sila’y nananatiling matatag,” ang sabi ni Cassie. “Kung kaya nilang labanan ang problemang ito, mahahanap ko rin sa sarili ko ang pagpapasiyang magpatuloy.” Para kay Cassie, ang lahat ng ito ay naging isang pagkakataon upang suriin ng mabuti kung paano siya makakatulong mula sa kabilang dulo ng mundo.
Ang malaking agwat sa mga kagamitang kailangan sa “digital” na pag-aaral na nakikita sa mga mag-aaral sa Pilipinas ay ang nakabahala kay Cassie at sa Project Pearls. “Iniba namin ang aming adhikain at sa halip na mga backpacks ang naibibigay namin, kami’y nagpupuhon ng pera upang makabili ng mga Chromebooks.” Ginamit ni Cassie ang oportunidad upang mabigyan ng pagkakataong ipagpatuloy ng mga bata ang kanilang pag-aaral sa darating na “virtual learning”. Muling naipatupad niya ang kanyang misyon at tuluyang nagpasibol ng pag-asa sa mga batang mag-aaral. Madali lamang na naka-adapt si Cassie sa “distance learning” na ipinatupad ng paaralan niya dahil tanggap niya naman na dahil ito sa pribilehiyo niya, at ito ang dahilan kung bakit napaka-importante ng “Chromebook campaign” para sa kanya. Tinitiyak ng kampanyang ito naibibigay sa mga kabataang Pilipino ang pantay na pagkakataon na makapag-aral.
Ang pananatili sa bahay ay nakatulong rin upang mapag-isipan ni Cassie ang mga natutunan niya sa pandemyang ito. “Siguro ang pinalamalaking bagay na palagi kong pinag-iisipan ay ang ideya ng pribiliheyo… noong nagsimula ang COVID lalong naging malinaw ang hindi pagkapantay-pantay sa mundo,” sabi niya.
“Nang matauhan ka sa sarili mong pribilehiyo at sa sarili mong kakayahan na makatulong, kulang nalang ay ang pamamaraan na magagamit mo ang mga ito para sa kabutihan ng iba,” ito ang payo na naibigay ni Cassie.
Ipinahayag niya rin na sana maraming tao ang matuto sa mga pangyayaring dala ng pandemyang ito. Sabi ni Cassie, “Umaasa ako na ang matutunan ng mga tao sa pangyayaring ito ay ang pagmamalasakit sa mga taong nahihirapan dahil lamang sa hindi patas na sistema.”. Alam niya na wala sa kanyang sarili ang lahat ng solusyon sa mga problemang lumabas sa pandemyang ito, pero umaasa siyang mapagtanto ng mga tao ang paghihirap sa kasalukuyang panahon. Ang kanyang pakikiramay sa kahirapan ng iba ay ang naging puso ng kanyang proyekto upang matulungan ang mga batang makawala sa hawla ng kahirapan at mabigyan ng pagkakataong bumuo ng kinabukasang pipiliin nila. Sa mga maralita, ang pagmamalasakit ni Cassie ay mensahe ng pag-asa para sa kinabukasan.
Marami mang bagay ang hindi nasisiguro ni Cassie sa kanyang kinabukasan, siya’y naniniwalang ipagpapatuloy niyang paglingkuran nang may puso at ligaya ang mga mahihirap. Umaasa ang The Adversity Archive na ang kanyang mga kakayahan at hilig sa pagkakawang- gawa pangnenegosyo, at STEM ay magiging gabay niya upang simulang baguhin ang buhay ng mga mamayanang Pilipino. Minsan niya rin naiisip ang manatili muna dito sa Pilipinas dahil ang Maynila ay ang kanyang tinuturing “pangunahin tahanan” dahil nga sa madalas niyang pagdalaw dito. Bagamat maraming mga hadlang kagaya ng distansya at ang quarantine na ito na huminto sa kanyang mga planong bumalik muli dito kung saan nagaganap ang kanyang adhikain, walang ano mang bagay ang magpapatigil sa kagustuhan niyang makatulong at mapaglingkuran ang mga taong lubos niyang minamahal at binibigyan pansin.
“May mga pagkakataon pa ring magpasiklab ng pag-asa sa gitna ng pagsubok, dahil ano pa ba ang magagawa natin kapag nawalan na tayo ng pag-asa?”
Alam ng The Adversity Archive na ang kwento ni Cassie ay isang kuwento na nagpapahayag ng matinding dedikasyon at pananatiling hindi natitinag. Sa kasalukuyang pagkakataon, mahirap nang magpasimuno ng mga solusyon kung puro hadlang lamang ang pinag-iisipan. Kahit sa kalayuan ng sarili at mga limitasyon dahil sa emergency pangkalusugan ng nakararami, tuluyang pinagtatanggol ni Cassie ang kanyang mga tinutulungan kasama ang kasigasigan, kasipagan, at pag-asa para sa mas magandang kinabukasan. Umaasa kaming maantig ang puso niyo sa kanyang kwento.
Upang makatulong sa Cassie’s Bag of Dream, pumunta dito