top of page
English

Just A Small-Town Boy

July 20, 2021

Martina Go

IMG_6431.JPG

At the age of 19, Tony Baldo finds himself in an unfamiliar place with unfamiliar faces. He finds himself in Ezer School away from his community with hopes of having bigger opportunities opened to him through pursuing his education. The youngest of 6 other siblings, Tony shares how before coming into Ezer School his life was not easy as he had to balance both studying and working in the fields for their food.

“Mahirap ang buhay saamin tapos wala pong trabaho. Mahirap mag-aral dahil wala ring pinag-aralan mga magulang ko (Life is hard back in our community because there is a lack of jobs. My parents also didn’t have an education, making it difficult for them to help the rest of us siblings in our studies).”​

He reiterates how difficult it is back home with the day-to-day backbreaking field work that needs to be done just to sustain his community. When asked about his family, he shares that his parents did not get the chance to study, making it difficult for them to even attempt looking for other job opportunities. Out of the 6 of them, only half including Tony were offered the chance to study while the others decided to get married instead. Tony lights up whenever he talks about school as he always brings the conversation back to how education is their hope for a brighter future.

Compared to his life before school, Tony finds comfort in the things being provided for him today. It was quite a shocking yet endearing experience for this writer to hear that one of the things that stuck out in Tony’s mind with his new life is the fact that he gets to change clothes everyday. Back in his hometown, he expressed how he would usually only be able to do this once a week. His new life has also provided for him daily meals and a chance to really focus on his studies, expressing his favorite subject to actually be math and science.

Life in the Mangyan community is as colorful as described by newspapers, magazines, and travel websites. Tony gives us insight into what it is like being a teenage Mangyan from romantic escapades, where children are paired with one another from their youth, to the culture of worshipping nature and trees to provide for their daily bread. Though he admits that there are many things he does not necessarily agree with, such as their form of worship, Tony does share that being a Mangyan is a big part of who he is.

At the end of the day, it is important to remember that Tony Baldo is a 19-year-old who deserves to enjoy life like a teenager. Not unlike other people his age, he has hobbies and big dreams for his future. When asked about what he enjoys doing outside of school work, Tony expresses his love for singing. A conversation on future plans started off with Tony telling the writer shyly, “I want to work in the Bureau of Fire Protection”. This writer can’t help but giggle at the dream, “Why there out of all places?”. Tony responds with a chuckle, “I don’t know, I like what they do”.

IMG_6430.JPG

Speaking to Tony felt like a breath of fresh air. Here’s a student who loves math and science, enjoys singing in his free time, and hopes to work in the Bureau of Fire Protection out of pure interest. Here’s a boy who is grateful for a change of clothes every day. It's simple dreams coupled with earnest gratitude. With many cultural tensions attempting to treat the Mangyans as “others”, it’s when you find common ground of being teenagers in a crazy world that makes the connection. After a round of teasing over his crush and how he could attempt to harana her someday, this writer asks Tony, “So what is your dream for your community? How can we help?” Tony goes quiet for a moment, obviously contemplating such a heavy question. He says,

 

“Umahon kami sa hirap (Get out of poverty)”.

Tony shares once again that life is difficult for his community because of the lack of a source of income and education. When asked how the people reading his article could help, he expresses the need for knowledge and education to be readily available in his community, so that they can truly rise up and make more of their current situation. He shares how it is through helping the Mangyans incorporate new methods into their farming and sharing with them the possibility for more that they can truly reach their potential as a community.

As the call came to an end, this writer wonders if anyone has ever asked Tony about his experiences and struggles as a member of the Mangyan community. If not, then why has no one given this boy a voice? If yes, then why has nothing changed? Other people and professionals might say that the “problem is much more complicated than that” or “it can’t be solved that easily” and that may be right, but we can’t let complication paralyze action anymore. ​The Mangyan community needs our help, and that should be enough reason to get out of our way to aid them. Through Tony’s story, we all have been given a place to start. He has shared with us his dream for himself and for his community which all begins with a chance at education. All that’s left for us to do is reach out, connect, support their initiatives, and make the window of opportunity much more inclusive to our Mangyan brothers and sisters.

To subscribe, click here.

To donate more than 100 php, click here. 

If you would like to donate in-kind, kindly email us at connect@adversityarchive.com

To sponsor the college education of a Mangyan student for 30,000php/year, click here.

Filipino

Just A Small-Town Boy

July 20, 2021

Martina Go

IMG_6431.JPG

Sa murang edad na 19-anyos, namulat na si Tony Baldo sa kahirapan ng buhay. Pumasok siya sa Ezer School, isang hindi pamilyar na lugar, malayo sa kanyang komunidad napapaligiran ng mga taong hindi pa niya nakikilala dala ang pag-asang makakapagtapos ng pag-aaral at makakahanap ng mga oportunidad upang maabot ang kanyang mga pangarap. Bilang bunso sa 6 na magkakapatid, ipinahayag ni Tony kung gaano kahirap ang buhay niya bago siya’y nakarating sa Ezer School pagkat kinailangan niyang ipagsabay ang pag-aaral sa pagtatanim upang makakain ang kanyang pamilya.

“Mahirap ang buhay sa amin tapos wala pong trabaho. Mahirap mag-aral dahil wala ring pinag-aralan ang mga magulang ko”, ang sabi ni Tony.

Muling idiniin ni Tony kung gaano kahirap ang buhay sa kanila dahil sa hirap ng pagtatanim sa bukid upang suportahan ang kanyang komunidad. Tungkol sa pamilya ni Tony, ibinahagi niya na dahil hindi nakapag-aral ang kanyang mga magulang, mahirap maghanap ng ibang pang hanap-buhay maliban sa pag-aani. Sa kanilang 6 na magkakapatid, si Tony at ang kanyang dalawang kapatid niya lamang ang nakapagpatuloy ng kanilang pag-aaral; ang natirang tatlong kapatid ay nagpasya na mag-asawa na lamang. Habang kami ay nag-uusap at natanong ko patungkol sa kanyang pag-aaral naramdaman ko ang kaligayahan sa boses niya. Lubos siyang naniniwala na ang edukasyon ay ang tanging daan sa mas mabuting kinabukasan.

Mula ng nakapasok si Tony sa Ezer School, mas komportable na si Tony pagkat naibibigay ng paaralan ang kanyang mga pangangailangan. Ako ay labis na nagulat nang malaman na ang bagay na lubos na nagpapasalamat si Tony sa kanyang bagong buhay ay ang pagkakataong magpalit ng damit araw araw. Sa kanila raw, isang beses sa isang linggo lamang ito nagagawa ni Tony. Sa Ezer School, nakakain si Tony kada-araw at nakakapag-pokus na rin siya sa kanyang pag-aaral kung saan ang kanyang paboritong asignatura ay ang matematika   at agham.

Ang kultura ng mga Mangyan ay mayaman at makulay higit pa sa mga nababasa sa mga magasin at mga travel websites. Pinahayag ni Tony ang kanyang mga pananaw bilang isang kabataang katutubo,  mula sa mga romatikong pagtakas, paghaharana ng magkasintahan, at ang gawi, kung saan ang mga bata ay ipinagpapares na mula sa pagkabata pa lamang. Kinuwento rin niya ang kanilang kaugalian ng pagsamba sa kalikasan at punong-kahoy para sa kanilang pang-araw araw na makakain. . Ibinahagi rin ni Tony na kahit hindi na siya sumasang-ayon sa mga gawaing ito, ang pagiging Mangyan ay ang humubog sa kanyang pagkatao.

Sa lahat ng mga kuwento ni Tony, importanteng alalahanin na si Tony Baldo ay isang 19 anyos pa lamang at may karapatang mabuhay bilang isang kabataang hindi nag-aalala kung may makakain ba ang kanyang pamilya sa araw na iyon. Kagaya ng mga ibang kasing-edad niya, siya rin ay may mga ginagawang libangan at may mga malalaking pangarap para sa kanyang kinabukasan. Sa kabila ng pag-aaral, isa sa mga hilig ni Tony ay ang pagkanta.

IMG_6430.JPG

Nang pinag-usapan namin ang kanyang mga plano pag siya ay nakatapos na ng pag-aaral, mahinhin na sinabi ni Tony sa akin, “Gusto ko sa Bureau of Fire Protection”. Natuwa ako at tinanong, “Bakit naman dun?”. Sagot ni Tony sabay tawa, “Hindi ko alam, gusto ko lang yung ginagawa nila”.

Sa panayam ko kay Tony namulat ako sa katotohanan at tila nagkaroon ng bagong pananaw na nagbibigay ng pag-asa. Si Tony ay isang estudyante na ang paboritong asignatura ay ang matematika at agham, mahilig siyang kumanta at umaasang makapagtrabaho sa Bureau of Fire Protection sa walang partikular na dahilan kundi kagustuhan lamang. Siya ay isang batang nagpapasalamat na nakakapagpalit siya ng damit kada-araw. Lahat ng mga ito ay simpleng mga pangarap lamang pero naipapahayag ang maalab na pasasalamat. Sa gitna ng tuluyang pagbubukod sa atin mula sa mga Mangyan dahil lamang sa kanilang kaibahan ng kultura at paniniwala, nagkaintindihan kami ni Tony marahil dahil parehas kaming “teenagers” na may mga pangarap sa buhay. Nang tapusin asarin tungkol sa kanyang crush at kung paano niya haharanahin ito balang araw, tinanong ko siya, “Ano ang pangarap mo para sa iyong komunidad? Paano makakatulong ang mga nagbabasa ng artikulo na ito?”

Tumahimik si Tony, iniisip ng malalim ang kanyang sagot. Sa wakas, ang ibinahagi ni Tony na ang pangarap niya para sa kanyang komunidad ay ang

“Umahon kami sa hirap”.

Ang buhay sa pamayanan ni Tony ay mahirap dahil kulang sila sa pang-hanapbuhay at edukasyon. Sa kung paano makakatulong ang mga taong nagbabasa ng artikulo niya sa kanyang komunidad, sinabi ni Tony na importante na dapat mas madaling maabot ang kaalaman at edukasyon upang sila ay umahon mula sa kahirapan. Kaalaman tungkol sa mga bagong paraan ng pagsasaka at pag-aani at pagbabahagi sa kanila ng iba’t ibang pamamaraan upang umusbong ang potensyal nila bilang komunidad.

Sa pagtatapos ng paguusap namin, napa-isip ako kung may nakausap na ba dati si Tony tungkol sa kanyang mga karanasan bilang isang Mangyan. Kung naibahagi na ba niya ito sa malawakang katauhan. Kung hindi pa, bakit hindi nabibigyan tugon ang boses ng batang ito? Kung oo, bakit walang pagbabago sa kanilang sitwasyon? Maraming nagsasabi na, “masyadong komplikado ang problemang ito” o “hindi madaling solusyonan ang problema” at kahit may punto ang paniniwala na  iyon, hindi natin maaaring hayaang itigil ng komplikasyon ang pagkilos. Hindi ba sapat na dahilan na ito para tumulong tayo sa komunidad ng Mangyan? 

 

Sa kwentong ibinahagi sa atin ni Tony, nabibigyan tayong lahat ng panimulang-punto. Ikinuwento niya ang kanyang pangarap para sa kinabukasan niya tsaka ng kanyang komunidad na nagsisimula sa isang pagkakataong makapag-aral. Natitira nalang ay tayo mismo ang mag-abot ng tulong, bumuo ng koneksyon, suportahan ang mga proyektong magdadala ng pagbabago, at maibahagi ang mga karapatang nararapat lamang sa kanila bilang isang mamamayan.

Upang mag-subscribe, click here.

Upang magbigay ng mahigit pa sa 100 php, click here.

Para sa mga in-kind donasyon, mag email po sa connect@adversityarchive.com 

Upang i-sponsor ang kolehiyo ng isang mag-aaral na Mangyan  sa halagang 30,000php, click here.

bottom of page