top of page
English

The Kula Press : The Cantong Sisters

July 19 2020
Sachi Carlyn Lozano

The Cantong sisters, Ashley (18), Alexi (15), and Tasha (13), like so many of us, never expected the Coronavirus to have this big of an impact and make such a lasting effect on their everyday lives. Completely unaware of what was about to happen, Ashley planned out her entire summer, “basically the best summer yet.” She looked forward to graduating, attending a thanksgiving gala, taking a trip with her friends, and going on a decent amount of car rides. However, the virus broke out, and life slowed down for her and her sisters. School had ended all of a sudden, and their family had decided to stay home even before the lockdown order was announced. Tasha conquered each stay-at-home day by referring to her list of things to do when she was bored, and Alexi told The Adversity Archive that she and her sisters would always try to find something to do to pass the time. “Sometimes we would bake some goodies for our friends and family or do some exercises. We even gave yoga a try (which I never imagined any of us doing haha). It became a routine for us to find something new to do.”

As the quarantine progressed, the sisters began to notice their friends and family selling a variety of products online. They observed that the majority of small businesses sold baked goods, and because they wanted to come up with a unique product of their own, their dad proposed they make brew-to-bottle drinks. Their initially slow days quickly sped up as they met with mixologists, looked for suppliers, and brainstormed concepts they could bring to life. After a tedious and fast-paced preparation, The Kula Press was born. The Kula Press is their own virtual cafe. They offer cold-press coffee and tea, freshly brewed using all natural ingredients. 

EDIT 4.jpg

Fun fact: the word “Kula” is sanskrit for Family/Community,
which is what they’d like this business to be centered on.

EDIT 3.jpg

However, Ashley has always wanted the definition of the word “Kula” to go far beyond a fancy name. Since the beginning she envisioned The Kula Press as a way to contribute to her community-- “one that could give back and lend a helping hand to those who have their own personal difficulties in quarantine.” Ashley told The Adversity Archive, “I’m pleased at how young individuals are able to innovate and shed light at what you could call a dark time.” However in her opinion, “one does not have to experience an entire pandemic to be able to come up with great ways to grow WITH the community.” She hopes that future generations, with or without a pandemic, can learn to “use their privilege to help others."

EDIT.jpg

To learn more about the Kula Press and try their delicious cold press coffees and teas visit @thekulapress on Instagram or The Kula Press on Facebook. 

As for Alexi, the most important lesson she learned this year was to never take anything for granted. The unexpected spread of the virus made her realize all the little things she overlooked before. “We truly never know what they have gone through and I want the future generations to know that so many people like doctors, nurses, delivery men [and the like], have sacrificed so much to keep our country safe. We should appreciate every person who serves us.”

Similarly, the closing of some of Tasha’s favorite stores and restaurants have made her realize how important it is to appreciate the little things in life. Tasha also shared how grateful she is for the opportunity to start a small business with her sisters in this difficult time. Understandably, the pandemic scared her. However, it was clear to The Adversity Archive that she did not let fear stop her from making the most of a bad situation. According to Tasha, “It’s normal to feel afraid and worried, especially during a pandemic. What’s important is [that you still] try to get the best possible outcome”


The Adversity Archive is inspired by the initiative of these three sisters to make the most of their time in quarantine. When asked whether they thought The Kula Press would’ve started without the ECQ, they said they didn’t think it would’ve because their summer would’ve been filled with college prep, trips, and training.

This pandemic was certainly a difficult and challenging time, however being quarantined did give birth to this promising business and we at The Adversity Archive believe this is worth celebrating.

Tagalog

The Kula Press : The Cantong Sisters

July 19, 2020
Sachi Lozano

Tulad ng marami sa atin, hindi inakala ng magkakapatid na sina Ashley, Alexi at Tasha Cantong na ang Corona Virus ay magkaroon ng malaki at pangmatagalang epekto sa kanilang pang-araw-araw na buhay.  Hindi nila naisip na biglang mangyayari and pandemia na dulot ng Corona Virus.   Pinlano na ni Ashley, na siyang panganay sa tatlong magkakapatid,  ang kanyang bakasyon, "Ito ang tinagurian niyang “best summer ever.”  Inaasahan niyang makapagtapos ng kanyang ika-13 taon sa ICA, dumalo sa isang pagdiriwang ng pagpapasalamat, bumiyahe kasama ng kanyang mga kaibigan, at magamit ng madalas ang kanyang bagong driver’s license.  Gayunpaman, sumabog ang virus, at bumagal ang buhay para sa tatlong magkakapatid. Nang patuloy na lumala ang paglaganap ng Corona Virus, biglang nagdeklara ang mga paaralan ng maagang pagtatapos ng pasukan.  Nagpasya ang kanilang buong pamilya na manatili na lamang sa bahay, bago pa man nagdeklara ang pamahalaan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).  Nilupig ni Tasha, ang bunso sa tatlong magkakapatid,  ang pagkainip niya sa bawat araw na nanatili siya sa bahay,  sa pamamagitan ng pagtugon sa listahan ng mga bagay-bagay na dapat niyang gawain. 

EDIT 4.jpg

Sinabi naman ni Alexi sa Adversity Archive na araw-araw, naghahanap silang magkakapatid ng iba’t-ibang mga gawain para mapadali ang oras.” Minsan nag be-bake kami ng ilang mga goodies para sa aming mga kaibigan at kapamilya.  Minsan naman ay nag-eehersisyo kami at sinubukan din namin mag yoga (na hindi ko minsan naisip na subukan noon ). Naging routine  namin na maghanap ng isang bagong gawain araw-araw para hindi lang kami mabato. 

 

Habang nagpatuloy ang  ECQ, napansin ng magkakapatid na marami sa kanilang mga kaibigan at kapamilya ang nagtitinda ng iba't ibang mga produkto online. Napansin din nila na ang karamihan sa mga umusbong na mga negosyo ay nagtitinda ng mga “baked goods”.  Nais din naman nilang magkaroon ng sariling negosyo, kaya nag-isip sila kung ano naman kaya ang produkto na maaari nilang ialok sa merkado.  

Minungkahi ng kanilang ama na pag-isipan nila ang posibilidad na gumawa ng mga iba’t-ibang uri ng inuming nasa bote (specifically brew-to-bottle drinks). Ang nakaraan na mababagal nilang mga araw ay biglang na lang bumilis. 

Nakipagpulong sila sa mga mixologists, naghanap sila ng mga suppliers para sa iba’t-ibang mga kagamitan na kakailanganin nila, at maraming mga oras ang ginugol nila sa pag brainstorm ng iba’t-ibang mga konspeto para sa mga produktong iaalok nila. Matapos ang isang napakaikli at nakakapagod na panahon ng  paghahanda, ipinanganak ang The Kula Press. Ito ay isang “virtual cafe”  na nag-aalok ng “freshly brewed cold-press” na kape at tsaa, gawa sa mga natural na sangkap.  

Ang salitang  "Kula" ay salitang sanskrit  na nangangahulugang  'Pamilya / Pamayanan.  Makabuluhan sa kanila ang pangalan na ito dahil nais nila na ang negosyong ito ay naka-sentro sa pamilya at pamayanan.

EDIT 2.jpg

Para kay Ashley,  maliban sa isang matunog na pangalan, ang hangad niya para sa The Kula Press ay makatulong sa pamayanan,   "isang negosyo na hindi lang tungkol sa pagtitinda at  pagkakakitaan ng pera, pero ito rin ay puedeng makapagpasaya at makatulong sa maraming mga tao na may mabibigat na problemang dinadala." 

 

Maraming natutunan ang magkakapatid na Cantong sa panahon na ito.  Sinabi ni Ashley sa The Adversity Archive na natutuwa siya sa nakikita niya,  "na kung paano ang mga kabataan, na katulad ko ay nakakahanap ng panibagong pamamaraan ng pagtulong sa pamayanan at maari rin pala kaming pagmulan ng kahit na kaunting liwanag sa maaari mong tawaging madilim na panahon ng ating kasaysayan.” Gayunpaman sa kanyang pananaw, "hindi kailangang makaranas ng isang pandemya upang kumilos, tumulong at makikagkapwa sa inyong pamayanan."  Umaasa si Ashley na gagamitin ng mga susunod na henerasyon, ang kanilang posisyon at pribilehiyo para makatulong at makapagdulot ng kabutihan sa iba, may krisis man o wala.

Para naman kay Alexi, ang pinaka mahalagang aral na napulot niya sa panahon na ito ay ang halaga ng lahat ng bagay at hindi dapat bale walain ang anumang bagay.  Sa biglang paglaganap ng pandemya, natanto ni Alexi na maraming bagay ang hindi niya pinahalagahan. Maraming mga biyaya na marahil ay napakaordinaryo lamang sa kanya ay hindi niya na pagtuunan ng pansin. Nakita rin niya kung paano naapektuhan ng Corona Virus ang kita at kabuhayan ng napakaraming mga nakapaligid sa kanya.  Dahil dito, mas lalong pinahalagahan ni Alexi ang kanyang maraming mga biyaya at magandang buhay.  Nais ni Alexi na iparating sa mga susunod na henerasyon na maraming tao ang nagsakripisyo, ang iba nagbuwis ng buhay para mapanatili tayong ligtas sa panahon na ito, kaya dapat igalang at pasalamatan ang lahat ng nagsisilbi sa iyo, maging ano pa man ang estado nila sa buhay.  

 

Katulad ni Alexi, natanto ni Tasha na maraming bagay ang hindi niya masyadong pinahalagahan noon bago ang pandemya.  Hindi niya inakala na ang kanyang mga paboritong tindahan at kainan ay maaaring mawala.  Ni minsan,  hindi niya naisip na maaaring hindi na siya makakabalik sa mga paborito niyang lugar na madalas niyang puntahan bago mangyari ang pandemya. Ayon sa kanya, kailangan pahalagahan ang lahat ng mayroon tayo sa buhay, maliit man o malaki. Maraming bagay ang noon ay hindi niya masyadong pinapansin o pinahahalagahan, at sa isang idlap ay maaari itong mawala. Inilahad rin ni Tasha na lubos siyang nagpapasalamat sa pagkakataon na makapagsimula ng isang negosyo kasama ang kanyang dalawang kapatid kahit na mahirap ang panahon ngayon. Kahit na nagdulot ng takot ang pandemya, malinaw sa The Adversity Archive na hindi hinayaan ni Tasha na magpalupig sa kanyang takot.  Sa kabila ng lahat, nakahanap siya ng paraan na pagbutihin ang isang di- kanais-nais na pangyayari. “Normal naman na matakot at mag-alala lalo na sa panahon ng pandemya, pero ang mahalaga ay gawain mo pa rin lahat ng iyong makakaya para makuha ang pinakamabuting resulta mula sa isang mahirap na sitwasyon.”


Bagama’t marami sa mga hinangad ng tatlong magkakapatid na Cantong ay hindi nangyari, sinikap pa rin nilang gawaing makabuluhan ang kanilang karanasan sa panahon ng Covid 19.  
Ang inisyatibo ng tatlong magkakapatid na ito, upang masulit ang isang masamang sitwasyon ay maaaring maging inspirasyon sa marami.  Nang tanungin kung mabubuo ba kaya ang  Kula Press kung hindi nangyari ang pag-lock down, sinabi nila na malamang ay hindi nila magagawa ito dahil punong-puno ang mga araw nila ng paghahanda para sa kolehiyo, pagsasanay,  at marahil ay bumabiyahe sila kasama ng pamilya at kaibigan.  Ang pandemya na ito ay nagdulot ng hirap at maraming pagsubok, pero sa panahon ng quarantine ay ipinanganak naman ang isang negosyo na maaaring may magbunga at lumago at para  sa amin dito sa The Adversity Archive ang mga ganitong kuwento ay dapat ipagdiwang. 

EDIT.jpg
EDIT 3.jpg

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa The Kula Press at subukan ang kanilang masasarap na “cold press coffees” at teas bisitahin ang @thekulapress sa Instagram o bisitahin ang The Kula Press sa Facebook. 
 

bottom of page