top of page
English

Love Under Lockdown: 3 Couples Finding Each Other Cities Apart

November 16, 2021

Rigel Portales

How do you not only find love but maintain it during what may be the worst years of our lives?

Different levels of community quarantine across different cities restrict travel; usual date spots at the mall hold limitless possibilities for infection (none for kissing); Not all parents are (genuinely) happy that their children are bringing home strangers. Thus, things can be more than a bit awkward especially the younger you are. 

It doesn’t help that our cultural know-how about “normal” relationships isn’t as effective during a national crisis, leaving a blind spot in our cultural consciousness for these special relationships. Basically, they’re on their own in the dark.

 

Romance, however, is still a need like any other and luckily, Filipinos have made a cultural brand of finding ways (thanks BDO). I spoke to three couples juggling this dilemma to see how love manifests through adversity. The crude but genuine; the makeshift but long-lasting; the vulnerable but strong. I’ve found today’s generation isn’t afraid to navigate the intersecting streets of distance and intimacy, each pair having their own path they traverse together. 

IMG_9372.PNG

Isa* and Astra*

Having started their relationship during the pandemic, Isa* eagerly tells me that she and Astra* will be reaching their first anniversary together this Thursday. It isn’t lost on her that throughout their one year together they haven’t actually met each other yet in person despite both of them having physical touch as their love language. 

“It drives me insane but it’s something to look forward to in the future. It’s something I pray for.”

Even though they used to be childhood friends, it was only recently and in different regions that they were able to rekindle their connection. Isa is currently deep within Batangas where dirt roads surround her for kilometers while her girlfriend lives in the metropolis of Alabang. Both of them are incoming first-year college students at even farther away campuses. Isa tells me it takes approximately two and a half hours to drive from Los Banos (UPLB) to Taft (DLSU) which is why she’s currently taking advantage of her location by practicing how to drive in the emptiness. Though it may be a while before travel restrictions are eased, she discusses their situation in stride.

“Every single aspect of this relationship I want to work out and make it possible.”

Every day for them consists of conversations on Discord about anything and everything: shared niche interests, fanfiction, how their day. For celebrations of milestones, it was a bit easier for them since Isa is a writer and Astra is an artist. Astra would send her drawings of them having fun together on a Discord call while Isa admits to sending her more than a few poems. 

“I’ve never been able to write something happy before her…It’s what we can do and what we want to do.”

I ask if running out of things to say is a problem but she tells me it isn’t a fear. For her, topics didn’t need to be about anything important as long as they were enjoying each other’s company. When the conversation would die out, they would let the Discord call continue by itself while they would do their individual activities together.

Some of these calls would go on for 4 days straight, them passing in and out of frame, falling asleep together, and finding each other when they wake up. For Isa, it’s something she had to get used to. As somebody who would lean on her friends, put her arms on their shoulders, and even fall asleep on them, she was stuck in her room all day with a family that was kind but had their physical boundaries. In her words, “I need[ed] affection.”

Having personal issues, Isa admits there were times she had to distance herself from everyone, including Astra. For the entire period of June-July, she deleted Twitter and Messenger, only responding to her girlfriend twice. Compared to a regular relationship, it was more difficult to maintain a relationship during the pandemic where the lack of proximity made it harder to check up on each other. 

“It’s hard because I need the physical aspect for me to not be in my own head.”

Despite their shared struggles, they’ve managed to grow together in their relationship. Isa talks about how she loves how they’re so open with each other and how Astra doesn’t hold anything back from her. Through knowing their needs and limits during the pandemic, they’ve managed to find a way of life together that works for them. Against a currently insurmountable challenge, they’ve learned to adjust and trust each other even more. In fact, they call each other mahal now.

As young as they are, they have big dreams together. Isa gets all giggly talking about their future: being introduced to Astra’s conservative Fil-Chi mom, growing old and getting married, adopting two kids, and even making robotic pets that would scare Astra.

Before the interview ended, she told me with full conviction,

“I love who she is now…I can see loving her years from now.”

Santi and Juan

Santi and Juan’s story starts simple enough. A chance encounter on a livestreaming app, following each other on Instagram, forgetting each other existed for a few months, and then finally, a reply to a cat story which led to a happy relationship of 8 months and counting.

Despite being in the same city of Paranaque and planning to meet each other, they haven’t found a viable opportunity to see each other in person. 

“We always planned to reschedule it but COVID kept mutating.” 

IMG_9370.JPG

Their parents’ policies towards going outside didn’t help either. Back when lockdown started, Santi’s parents only allowed her to visit her closest friends’ houses inside the village but now with Enhanced Community Quarantine (ECQ), they don’t allow her to go outside at all. Meanwhile, Juan can’t ask for permission from his parents to go outside so he usually sneaks out. Being restricted led to making plans to see each other difficult, especially since they live 40 minutes apart.

Neither of them knows how to drive nor are they planning to learn how to drive but unfortunately, they have no other alternative since COVID has made commuting dangerous, and they’re not out yet as a couple to their parents.

 

Santi explains, “I have very strict parents so that’s why…My parents find dating okay but you know the online [aspect], they’re like iffy about it. What if he’s a murderer and stuff like that but I know he’s not…so maybe not yet, [in reference to introducing Juan to her parents] but definitely in the future.”

For Juan, It’s about pressure. His older sister never had a boyfriend so all the attention would be placed on him. His parents have a bad habit of stalking any girl he mentions, finding anything about them, even things he himself doesn’t know. Their usual reactions made him uncomfortable.  

IMG_9368.JPG

Until now, they make a conscious effort to hide their relationship from their parents. Santi makes a point to lock her door and Juan attributes his calls to his friends. Despite all this, they make sure to keep in touch with each other every day, stopping discord only when their phones would “explode.” They go through the motions of everyday life: having their morning calls where they would talk about their dreams, playing games together, and watching movies and anime together.

Their relationship may be a deceptively quiet one but they know how to handle problems when emotions flare up. Being sensitive to each other always helped them but they made sure to develop their own process of resolution:

“Problem Arises (Full of Emotion) -> Break Time of an hour (To gather our thoughts) -> then we talk and try to resolve the problem.”

So far it has worked with minor conflicts never escalating to their worst outcomes. With their worries under control, the couple continues doing much of the same which continues to be special in their hearts. Simply enough, they motivate each other.

As Santi says, “I get to spend my life, not just during the pandemic, but hopefully outside of the pandemic. I get to…have fun spending time with him. Someone to make me feel less lonely, and more loved, and more appreciated.”

IMG_9377.JPG

Therese and Bien

Relationships often carry more weight than they present.

In the Philippines, it’s not only your partner that you have to court but their entire family. Wanting to take their relationship to the next step, Therese and Bien did just that, wanting to make their relationship “legal”.

He heartily recounts what Therese did for his extended family during the 10-person (due to safety protocols) wake

of his grandmother, “Nung nagpakita siya ng gilas noong wake ni Lola, kumanta siya.” [She did her best to impress during my grandmother’s wake by singing.] 

For Therese, “Unusual siya para sa funeral, nagjamming sila sa funeral ng lola niya ‘tas pinakanta ako!” [For a funeral, it was unusual because they were jamming out and asked me to sing!]

Family support goes a long way in the success of a relationship during a pandemic. Whenever Bien would go out using his father’s car, he would make sure to ask for permission on days when he knows his dad won’t use it; though their support is limited by the pandemic, which is why Bien only gets to visit Therese once or twice a month. He explains that if there wasn’t a pandemic, he would be at Therese’s house every other day.

 

Still, he explains that the arrangement they have right now is plenty tiring. He’s always the one going there and because they want to maximize their time together, he goes there early and comes home late. 

 

Therese continues his train of thought, “When we do meet, sinusulit ko ang pagka-clingy ko.” [When we do meet, I try not to waste the opportunity to be clingy.”]

For Therese, the need is especially strong considering her main love language is physical touch and that this is her first-ever relationship. Even though they already agreed monthsaries were hard to do because of lockdown restrictions and general expenses, she still expected to have them. In her words, “Okay na iyon.” [it’s okay.]

Their struggles extend to their fights where insecurities about overthinking and jealousy are heightened due to their distance from each other. Overthinking for Therese consisted of asking herself questions like: what would be the reasons for us to break up, is he gonna cheat, is he gonna leave me because of my bad personality? Bien adds that fights during the pandemic are harder because he can’t see her reactions and body language. For him, he needed to see her speak. 

Fights are usually something they have learned from, Therese admits and appreciates. This not being Bien’s first relationship, he elaborates, “When one of us is angry, one one lang. [it should just be one] One of us has to be relaxed.”

IMG_9373.JPG

One of their most treasured memories as a couple comes at the tail end of one of these fights.

IMG_9376.JPG

Therese’s family had invited Bien to an all-expenses-paid hiking trip in Tanay, Rizal. He softly recollects a quiet moment they shared together (which they affectionately call bambam time), away from her family, under the stars. They had recently gotten into a fight before the trip and it was the first time they were able to resolve it face-to-face. The view was as cliched as it gets but it was romantic nonetheless: the gentle breeze of the night accompanied by a twinkling landscape.

It’s moments like these that Therese and Bien don’t want to waste. “Contented na ako sa kanya. Ayoko na sa iba, okay na ako dito…Ayoko sayangin yung time, yung mga nangyari sa amin sa past.” [I’m content to be with him. I don’t want anyone else, I’m okay here...I don’t want to waste our time together and what happened in the past.]

Finding Each Other

Being in a relationship myself that started during a pandemic, I can’t help but relate with their way of living: Adapting, patience, patience, brute forcing intimacy into their everyday lives, patience once again. They get tired, fight and it’s normal to have these conflicts when circumstance prevails over us and our worst can’t help but let itself out. It hurts them but they learn how to take care of each other better, and themselves as well. It’s a repetitive process, made even more repetitive by the pandemic but it’s worth it. Their circumstances may vary yet they always have a good story about each other to gush about, to reflect on, to keep them going.

Still, another day breaks and our Messenger/Discord/Telegram call is on the verge of ending on an overheating phone. It doesn’t explode. We don’t explode. We pass into our screens, groggy and a bit cranky but the sight of our loved ones waking up (even if far away) is a special one. We laugh about how they snore and they tease us about how we look weird when sleeping. The day continues with our beloved updating us on their lives and we, like an old program, try not to forget. This is how love works: this way, that way, our way—I think, we can find out together.

Filipino

Pag-ibig sa ilalim ng Lockdown: Ang 3 mag kasintahang hinahanap ang isa’t isa, ilang siyudad na magkalayo

November 16, 2021

Rigel Portales

Translated by Treziel Mae Mayores

Paano ka hindi lamang makatagpo ng pagmamahal ngunit pati narin palagoin ito sa gitna ng maituturing na pinakamadilim na panahon  ng ating buhay?

Ang pagpapatupad ng iba’t ibang uri ng community quarantine sa maraming  lungsod ay  nagdulot ng paghihigpit sa panlakbay. Sa kasalukuyan, ang mga karaniwang lugar ng tipanan na nagbibigay ng walang hanggang posibilidad ng pagkakaroon ng hawaan (wala sa pakikipaghalikan).  Bukod pa rito, hindi lahat ng mga magulang ay (tunay na) nasisiyahan sa pag-uwi ng kanilang mga anak ng mga estranghero sa kanilang bahay. Sa gayon, maaaring maging mas mahirap ang mga bagay, lalo na sa mga kabataan .

Hindi rin nakatutulong na ang kultural na kaalaman natin sa itinuturing na “normal” na relasyon ay hindi kasing epektibo  sa gitna ng isang pandaigdigang krisis. Kaya naman ay nag-iiwan ito ng blind spot sa ating kultural na kaalaman ukol sa mga natatanging relasyon. Samakatuwid, marami ang nakararanas ng pagkakaisa sa panahong ito. 

Gayunpaman, ang pag-iibigan ay kasinhalaga pa rin ng iba pang pangangailangan at sa kabutihang palad, ang mga Pilipino ay kilala sa paghahanap ng iba’t ibang paraan (Salamat, BDO). Nakausap ko ang tatlong magkasintahang nakararanas ng mga suliraning ito upang ipakita kung paano nangingibabaw ang pagmamahal sa harap ng mga balakid -- ang kontrobersyal ngunit tapat, ang pansamantala ngunit pangmatagalan at ang  mahina ngunit matibay. 

IMG_9372.PNG

Isa* at Astra*

Nagsimula ang pag-iibigan ng dalawa nang dumating ang  pandemya. Dahil doon, sabik na sabik na ibinahagi sa akin ni Isa* ang kanilang unang anibersaryo ng pagiging magkasintahan nila ni Astra sa darating na Huwebes. Hindi kailanman nawawala sa kanyang isipan na sa loob ng isang taon ay hindi pa nila nakikita ang isa’t isa kahit na ang pagkakaroon ng pisikal na lambingan ay ang pareho nilang uri ng pagpapahayag ng pagmamahal. 

"Nakakabaliw pero isa iyon sa mga inaabangan at ipinagdarasal ko."

Kahit na sila ay dating magkababata, kamakailan lang at sa magkaibang rehiyon lamang nila nagawang buhayin ang kanilang ugnayan. Si Isa ay kasalukuyang naninirahan sa loob looban ng Batangas kung saan malawak na lupa ang pumapalibot sa kanyang tinitirahan, samantala ang kanyang kasintahan ay nakatira sa lungsod ng Alabang. Sila ay parehong papasok sa kanilang unang taon ng kolehiyo sa mas magkalayo pang mga unibersidad.  Sambit ni Isa sa akin na halos  dalawa’t kalahating oras ang aabutin ng biyahe mula sa Los Banos (UPLB) hanggang sa Taft (DLSU) kaya sinusulit niya ang kanyang kasalukuyang kalagayan upang magsanay sa pagmamaneho. Bagaman magiging matagal pa bago humupa ang paghihigpit sa pagbibiyahe, mahinahon niyang ibinahagi ang kanilang sitwasyon. 

“Every single aspect of this relationship I want to work out and make it possible.” (Bawat bahagi ng relasyong ito ay gusto kong matupad at maging posible.)

Ang kanilang pang araw-araw na buhay ay binubuo ng pag-uusap sa Discord tungkol sa anumang bagay: ang kanilang mga hilig, fanfictions, at maski kamustahan lamang ng kanilang araw. Para sa kanila, mas madali ring magdiriwang ng kanilang mga nakamit na bagong yugto dahil si Isa ay isang manunulat at si Astra naman ay isang dalubhasa sa sining. Magpapadala si Astra ng kanyang iginuhit na larawan nilang nagtutuwaan habang nagtatawagan sa Discord samantala, inamin naman ni Isa na pinapadalhan niya ng kanyang mga tula si Astra.

“I’ve never been able to write something happy before her…It’s what we can do and what we want to do.” (Hindi ko pa nagagawang makapagsulat ng masasayang bagay bago siya [dumating]...iyon ang kaya at gusto naming gawin.)

Aking tinanong kung ang maubusan ng sasabihin ay nagiging isang balakid ngunit sagot niya ay hindi raw ito isang bagay na kinatatakutan niya. Para sa kanya, ang mga paksa ng pag-uusap ay hindi kinakailangang tungkol sa mga bagay na importante lang. Ang mahalaga ay masaya sila sa piling ng isa’t isa. Kung mangyaring mang ang usapan ay matapos, hinahayaan na lamang nilang magpatuloy ang tawagan sa Discord habang sabay na ginagawa ang kani kanilang sariling gawain.

Ilan sa mga tawagan na ito ay umaabot ng apat na araw na walang tigil, habang sila ay labas pasok sa kuwadro ng kamera. Magkasabay sila sa  pagtulog  at sabay  din sila sa

pagbangon sa harap ng isa’t isa. Para kay Isa, ito ay ang mga bagay na kailangan niyang kasanayan. Bilang tipo ng tao na madalas sumandal sa kanyang mga kaibigan, ipalibot ang kanyang braso sa kanilang balikat, o di kaya  mahiga sa kanila; siya ay nakapirmi lamang sa kanyang kwarto buong araw, kasama ang mababait ngunit hindi gaanong malambing na pamilya. Sa kanyang sariling salita, “I need[ed] affection” (Kailangan ko ng apeksyon.).

 

Sa pagkakaroon ng personal na mga isyu, inamin ni Isa na mayroong mga panahon kung saan kinailangan niyang dumistansya mula sa lahat, kabilang na kay  Astra. Sa loob ng dalawang buwan ng Hunyo hanggang Hulyo, tinanggal niya ang kanyang Twitter at Messenger, at dalawang beses lamang tumugon sa mga mensahe ng kanyang kasintahan. Kumpara sa mga regular na pag-iibigan, mas naging mahirap  panatilihin ang isang relasyon sa panahon ng pandemya, kung saan dahil sa layo ay mas naging mahirap alagaan ang isa’t isa.

 

“It’s hard because I need the physical aspect for me to not be in my own head.” (Ito’y mahirap dahil kailangan ko ng pisikal na presensya at lambing para hindi mag-isip ng iba't ibang bagay ang aking utak.)

Sa kabila ng kanilang mga pagsubok, nagawa nilang sumulong ng magkasama sa kanilang relasyon. Ibinahagi ni Isa kung gaano siya kasiya na sila ay bukas sa isa’t isa at hindi nagdadalawang isip si Astra pagdating sa kanya. Sa pagiging pamilyar nila sa kani-kanilang pangangailangan at limitasyon habang nasa pandemya ay nakagawa sila ng paraan ng pamumuhay na akma sa kanilang dalawa. Laban sa kasalukuyang mga pagsubok, mas lalo nilang natutuhang pagkatiwalaan ang isa’t isa. Sa katunayan, ngayon ay tinatawag na nila ang isa’t isa ng “mahal”.

Sa kanilang edad, mayroon silang malalaking pangarap para sa kanilang kinabukasan. Kinikilig si Isa habang pinag-uusapan ang kanilang hinaharap: ang pagpapakilala sa konserbatibong ina ni Astra na isang Filipino-Chinese, tumanda at magpakasal, magampon ng dalawang anak, at maging ang paggawa ng mga alagang robot na kinakatakutanni Astra.

Bago matapos ang interbyu, sambit ni Isa sa akin ng may buong paninindigan,“Mahal ko kung sino siya ngayon...at nakikita kong mamahalin ko parin siya ng maraming taon mula ngayon.”

Santi at Juan

Simple lang ang naging simula ng istorya nina Santi at Juan--isang di inaasahang pagkikita sa isang live streaming app, sunod ng pag-follow sa isa’t isa sa Instagram, tapos nagkalimutan ng ilang buwan, at sa huli, ang isang tugon sa Instagram story ukol sa isang tampok na pusa. Dito nag-umpisa at hindi magtatapos ang masayang walong buwan(sa ngayon) na relasyon.

 

Kahit na sila ay nasa parehong syudad ng Paranaque at nagpaplanong makita ang isa’t isa, hindi sila makakuha ng magandang oportunidad upang magkita ng personal.

“Palagi naming ipinagpapaliban ang plano namin pero ang COVID ay lagi ring nagbabago."

IMG_9370.JPG

Hindi rin nakatulong ang mga itinakda ng kanilang mga magulang na polisiya sa paglabas. Bago magsimula ang lockdown, ang mga magulang ni Santi ay pinapayagan siyang bumista sa mga malalapit lamang na bahay ng kanyang mga kaibigan sa kanilang lugar, ngunit dahil sa kasalukuyang Enhanced Community Quarantine (ECQ), hindi na siya pinapayagang lumabas nang tuluyan. Samantala, si Juan naman ay hindi makahingi ng pahintulot mula sa kanyang mga magulang kaya’t minsan, siya ay lumalabas ng walang pahintulot. Dahil sa mga paghihigpit, mas naging mahirap ang pagkikita para sa dalawa, lalo na’t 40 minuto ang kanilang layo sa isa’t isa.

Maging isa sa kanilang dalawa ay hindi marunong magmaneho at wala ring planong matuto. Sa kasamaang palad ay wala silang makitang alternatibong paraan dahil sa ginawang delikado ng COVID ang pagkomyut.Isa ring dahilan ng magkasintahan ay ang di pagkakaalam ng kanilang mga magulang tungkol sa kanilang relasyon.

Paliwanag ni Santi, “I have very strict parents so that’s why…My parents find dating okay but you know the online [aspect], they’re like iffy about it. What if he’s a murderer and stuff like that but I know he’s not…so maybe not yet, [in reference to introducing Juan to her parents] but definitely in the future.” 

 

(Mahigpit ang aking mga magulang kaya ganoon...Ayos lang sa kanila ang pakikipagrelasyon pero pagdating sa aspetong online, nag-aalinlangan pa sila. Paano kung mamamatay tao siya, mga ganoong bagay, pero alam kong hindi siya ganon...kaya siguro hindi muna, [tinutukoy ang pagpapakilala kay Juan sa kanyang mga magulang] pero siguro sa darating ng mga panahon.)

Ang kay Juan naman ay tungkol sa pressure. Ang kanyang nakatatandang kapatid na babae ay hindi pa nagkaroon ng relasyon kaya’t ang lahat ng atensyon ay maaaring mapunta sa kanya. Kadalasang ini-istalk ng kanyang mga magulang ang kahit sinong babaeng kanyang banggitin, hahanapin ang kahit ano sa kanila, kahit na ang mga bagay na ni siya ay hindi alam. Si Juan ay hindi komportable sa kanilang reaksyon tungkol sa mga ganitong bagay.

IMG_9368.JPG

Hanggang ngayon, sinisikap nilang itago ang kanilang relasyon sa kanilang mga magulang. Sinasarado o nilo-lock ni Santi ang pintuan ng kwarto at inuukol naman ni Juan ang mga tawag sa kanyang mga kaibigan. Sa kabila ng lahat ng ito, sinisigurado nilang makapag-usap sila sa isa’t isa araw-araw. Humihinto lamang ang mga tawagan sa Discord kapag tila sasabog na ang kanilang cellphone. Sumasabay sila sa galaw ng araw-araw na buhay: nagkakaroon ng tawagan sa umaga kung saan pinag-uusapan nila ang kanilang mga pangarap, sabay na naglalaro ng mga video games, at nanonood ng mga pelikula at anime nang magkasama. 

Maituturing na tahimik ang kanilang relasyon ngunit alam nila kung paano pangasiwaan ang mga problema kapag sumosobra na ang kinikimkim na emosyon. Nakatutulong ang pagiging sensitibo nila sa isa’t isa ngunit sinisiguro nila na sila ay bubuo ng sariling resolusyon.

(Susulpot  ang problema (Puno ng Emosyon) -> Isang oras na pagtigil (upang mag isip-isip) -> pagkatapos ay mag-uusap kami at sisikaping ayusin ang problema.)

 

Sa kasalukuyan, ito’y mabisa naman sa mga maliliit na hidwaan at hindi naman nagreresulta sa mas malaking pag-aaway. Habang ang kanilang pag-aalinlangan ay kontrolado, ang magkasintahan ay nagpapatuloy sa kanilang karaniwang mga aktibidad na patuloy pa rin namang espesyal sa kanilang mga puso. Simple lamang, pinapalakas nila ang loob ng isa’t isa.

Kagaya ng sinabi ni Santi, “I get to spend my life, not just during the pandemic, but hopefully outside of the pandemic. I get to…have fun spending time with him. Someone to make me feel less lonely, and more loved, and more appreciated.

(Nagagawa kong mabuhay, hindi lang habang nasa pandemya, pero sana, kapag wala nang pandemya. Nagagawa kong...magsaya kapag kasama siya. Ang taong, pinaparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa, pinaparamdam na ako ay minamahal at pinahahalagahan.)

IMG_9377.JPG

Therese at Bien

Kadalasan, ang mga relasyon ay mayroon pang mas mabigat na halaga kaysa sa ipinapakita nito.

 Sa Pilipinas, hindi lamang ang iyong kasintahan ang dapat mong ligawan at suyuin, kundi pati na rin ang kanilang buong pamilya. Sa kagustuhang matamo ang susunod na hakbang sa kanilang pag-iibigan, ginawa ito nina Therese at Bien para lamang maging “legal” ang kanilang relasyon.

Masigasig na isinalaysay ni Bien ang ginawa ni Therese para sa kanyang pamilya noong lamay  ng kanyang lola. (noong panahong iyon, hanggang sampung katao ang nilimitahang bilang ng pagdalaw dahil sa pangkaligtasang panukala) “Nung nagpakita siya ng gilas noong wake ni Lola, kumanta siya.” 

Ayon kay Therese, “Unusual siya para sa funeral, nagjamming sila sa funeral ng lola niya ‘tas pinakanta ako!” (Di siya pangkaraniwang lamay. Sila ay nagkakantahan ‘tas pinakanta ako! )

Malaking bagay ang suporta ng pamilya para sa masaya at masaganang relasyong habang nasa pandemya. Kapag aalis si Bien gamit ang sasakyan ng kanyang ama, palagi siya ritong nagpapaalam tuwing  hindi ito gagamitin ng kanyang ama subalit  ang kanilang suporta ay limitado dahil sa pandemya. Ito rin ang dahilan kung bakit bibisita lamang si Bien kay Therese ng isa o dalawang beses sa isang buwan. Ika nga ni Bien na kung walang pandemya, palagi siyang nasa bahay ng kanyang kasintahan araw-araw.

 

Gayunpaman ay  ipinahayag din ng binata na ang napagkasunduan nilang proseso ng pagkikita sa ngayon ay talagang nakakapagod. Siya ang palaging pumupunta kay Therese at dahil gusto nilang sulitin ang oras nilang magkasama, pupunta siya roon nang maaga at uuwi na nang gabi. 

Itinuloy ni Therese ang nais niyang sabihin, “When we do meet, sinusulit ko ang pagka-clingy ko.” (Tuwing  kami ay nagkikita, sinusulit ko talaga ang aking pagiging malambing.) 

Para kay Therese, malakas ang pangangailangang maging magkasama sa personal dahil ang kanyang pagpapahayag ng pagmamahal ay sa gawing pisikal, at dahil rin sa ito ang kauna-unahan niyang relasyon. Kahit pareho nilang alam na magiging mahirap ang pagdiriwang ng buwanang anibersaryo ng kanilang relasyon dahil sa mga paghihigpit at mga gastusin, inaasahan pa rin ito ng dalaga. Sa kanyang sariling mga salita, “Okay na iyon.” 

Ang kanilang alitan ay binubuo ng kawalan ng katiyakan dulo’t ng sobrang pag-iisip at selosan na pinalalala ng kanilang layo sa isa’t isa. Kadalasan na pumapaloob sa sobrang pag-iisip ni Therese ang mga tanong na: ano kaya ang magiging dahilan ng aming paghihiwalay, lolokohin niya kaya ako, iiwan niya kaya ako dahil sa pangit kong ugali? Dagdag naman ni Bien na mas mahirap ang hindi pagkakaunawaan sa gitna ng pandemya dahil hindi niya makita ang mga reaksyon at kilos ng kanyang kasintahan. Ayon sa kanya, kailangan niyang makita ang dalagang magsalita.

IMG_9373.JPG

Marami silang natutuhan sa kanilang mga alitan at hindi pagkakaunawaan at ito ay isang bagay na inamin at pinahahalagahan ni Therese. Dahil ito ay hindi bago para kay Bien, dagdag niya, “When one of us is angry, one one lang. One of us has to be relaxed.” (Kung ang isa sa amin ay galit, dapat isa lang, at ang isa naman ay dapat kalmado.)

Isa sa kanilang pinakamahalagang alaala ay nagmula sa dulo ng isa sa kanilang mga alitan.

IMG_9376.JPG

Inimbitahan ng pamilya ni Therese si Bien sa isang all-expenses-paid  na paglalakbay sa Tanay-Rizal. Dahan-dahan niyang inaalala ang mga tahimik na sandaling sila ay magkasama (na tinatawag nilang bambam time), malayo sa kanilang mga pamilya, sa ilalim ng mga bituin. Nagkaroon sila ng alitan bago ang biyaheng iyon at ito rin ang kanilang unang pagkakataong maayos nila ng harapan at personal. Ang tanawin noon ay karaniwan ngunit naging romantiko pa rin: ang malamig na simoy ng hangin kaakibat ng kumukutikutitap na mga bituin sa tanawin.

Ang mga sandaling kagaya nito ang hindi gustong sayangin nina Therese at Bien. “Contented na ako sa kanya. Ayoko na sa iba, okay na ako dito…Ayoko sayangin yung time, yung mga nangyari sa amin sa past.”

(Kuntento na ako sa kanya, ayaw ko na sa iba, okay na ako dito...ayoko sayangin ang oras, yung mga nangyari sa amin sa nakaraan.)

Paghahanap sa isa’t isa

Bilang isa rin na nakatagpo ng pag-ibig sa gitna ng pandemya, hindi ko maiwasang maihalintulad ang aking uri ng pamumuhay sa kanila: ang pagiging sanay sa panahon, pagtitiis, pagtitiis, pagpipilit na isama ang suyuan sa araw-araw, at pagtitiis muli. Minsan sila ay napapagod at nag-aaway ngunit normal na magkaroon ng ganitong alitan sa tuwing pumapagitna ang mga pangyayari, at ang ating mga ugaling tinatago ay nangingibabaw. Masakit ito para sa kanila ngunit kanilang matututuhan kung paano pahalagahan ang isa’t isa at pati na rin ang kanilang sarili. Ito ay isang paulit-ulit na proseso, na mas pinaikot- ikot pa ng pandemya subalit sa kahulian, ang lahat ng ito ay magiging sulit. Ang kanilang mga kalagayan man ay nagkakaiba-iba ngunit mayroon silang mga kuwento at alaala na nakakakilig,  mababalikan, at magagamit bilang instrumento na tutulong sa kanila upang magpatuloy. 

 

Matatapos na naman ang isang araw at ang ating mga tawagan sa Messenger/ Discord/ Telegram ay magiging sanhi ng labis na pagkainit ng ating telepono ngunit hindi ito sasabog. Hindi tayo sasabog. Magpapakita tayo sa ating mga kamera ng pagod at kaunting may sumpong subalit ang pagsulyap lang man sa ating mga minamahal sa paggising (kahit sila ay malayo) ay isang napaka espesyal na biyaya -- nagtatawanan tungkol sa paghilik at nag aasaran tungkol sa ating itsura sa tuwing natutulog. Magpapatuloy ang araw sa pagbabahagi ng mga pangyayari sa araw-araw na buhay at sisikapan nating , katulad ng mga lumang bagay, hindi ito makalimutan.  Ganito ang proseso ng pag-ibig: sa ganitong paraan, sa ganoong paraan, at sa sariling paraan -- sa aking palagay, kaya nating alamin ito nang magkasama. 

bottom of page