top of page
English

PPEs made Stylish : Richie Ortega

September 21, 2020

Nathan Gumba

IMG_1677.JPG

Richie Ortega-Torres’ livelihood took a turn for the worse when the pandemic hit. She was designing wedding gowns and dresses for other special occasions until the pandemic cancelled every event there was. She was particularly concerned about the business and the staff she had to support. Yet, in the midst of uncertainty and defeat, she stood atop adversity and overcame the harsh reality of the new normal. To adapt to the abrupt disturbance in her business, She sold masks to friends and family. By March, the orders came by the hundreds, it wasn’t until she started to make Personal Protective Equipment (PPEs) however, that the situation really turned around. The protective suits are highly sustainable yet fashionable and are the talk of the town for doctors and regular working people. More importantly, Richie found a way to adapt and make it through the thick of adversity.

Richie Ortega-Torres has been a fashion expert for most of her career. She graduated from UP and moved to New York for Parsons School of Design. By 2000, Richie moved back to the Philippines and  took with her a better understanding of the fashion business. A year later, she started designing gowns for weddings and other special events. The pandemic heavily affected her livelihood as she relied on seasonal events when making dresses. Shell-shocked and paranoid, Richie tried to find ways of bringing in customers despite the lack of events. Masks were in high demand, so she made some and took orders from friends and family. Hundreds of orders poured in after just a few weeks. The business was surviving, but eventually she found herself making dresses of a sort that she never would've expected to make in her career.

 

“So I was doing that for a few weeks in March until someone asked me to do PPEs. One of my senior clients is also like a super paranoid person who wanted her own personal PPEs for going to the doctor or going to see her friends but she didn’t want sleeves,” she said.

 

The client requested for numerous things such as specifying that she didn’t want the suit to be too hot or too bright-colored. Richie listened and came up with a prototype that even her kids liked. Many people heard the word. Doctors and dentists jumped at the idea of fashionable suits and started sending out orders for their own personalized PPEs. Regular working people also wanted their own protective suits as they went for errands and office work. It was a hit and Richie was glad that she started making PPEs at the start of summer as she now gets requests to do different styles of clothing such as uniforms and personalized masks.

image3.jpg
CCB68C09-5861-4314-89A7-C25E95C91C8B.jpg
IMG_6120-2.jpg
IMG_3243-2.jpg

Richie usually spends most of her time working on the PPEs, but she has been managing clients for wedding gowns on the side as well. She transformed  her home into her own personal studio or workshop dedicated for her clients. She spent the rest of her summer making FDA grade protective suits for medical staff and people that wanted more protection.

“I think we made 5000 units in a span of a month and a half.  My whole summer was a blur,” she said.

 

The job was very stressful for her and her family. The pressing need and urgency of the frontliners and those around her in general, pressured her to whip out PPEs as quickly as she could. Thousands of suits were quickly made and packaged in her own home. Despite such a stressful and jam-packed environment for her family, they were still very understanding and supportive of her efforts to contribute to the battle against COVID-19. 

The pandemic certainly brought a handful of challenges for Richie’s family. However, it seems that they also realized the beauty in the bad as they learned to appreciate the small things in life.

 

“We would have fights here and there cause we’ve never been this close. . .we’ve never spent this much time together but going through that made us all so much closer and more attuned with one another so even if we had to do things more on our own… I don’t know, I think it was a growth experience really. . .for some reason there's that bright spot,” she said.

 

Being thrown into the midst of this confusion and chaos, Richie had to adapt and learn new things to survive.

 

“You have to learn to move with this pandemic, grow with it and learn things so that you don’t get left behind,” she said.

 

She worked very hard from the sourcing of the products from different factories just to maintain the quality of the suits, but her real mission was always and had always been to support the frontliners.

 

“I never had to work so hard. I was focused on getting the product done . . . my main goal was to produce it for the frontliners,” she exclaimed.

 

She had adjusted to this new world of confusion and anxiousness but strived in the midst of it.

The story of Richie Ortega-Torres teaches us all to be adaptive to our surroundings. She may have been blessed with a happy family and a stable occupation, but even as these things were challenged, she remained resilient and displayed great strength to remain standing. She had adapted and adjusted despite the massive hit on her business. The Adversity Archive acknowledges her story as a symbol for the many that creativity and determination can spark hope even in the darkest crevices of adversity.

IMG_3265 (1).jpg

if you want your own PPE visit

 https://www.instagram.com/richieortegatorres/

Filipino

Mga Makabagong PPE : Richie Ortega

September 21, 2020

Nathan Gumba

Translated by Mykah Marquez

IMG_1677 (1).jpg

Lumala ang kabuhayan ni Richie Ortega-Torres nang lumaganap at sumapit ang mabangis na pandemiya. Siya’y nagdidisenyo ng mga damit pangkasal at mga pananamit para sa mga espesyal na okasyon hanggang sa makansela lahat ng kanyang mga plano dahil sa kalubhaan ng pandemiya. Gayunman, sa gitna ng pag-aalinlangan at pagkatalo,  hinarap niya ang kahirapan at nalampasan ang malupit na katotohanan na dala ng bagong normal. Sinimulan niyang magbenta ng masks sa kanyang mga kaibigan at kapamilya upang mabuhay. Pagsapit ng Marso, daan-daang orders ang dumating, ngunit gumaan lamang ang sitwasyon nung nagsimula siyang gumawa ng mga Personal Protective Equipment o PPEs. Ang mga protektib suits na ito ay sustainable at makabago. Patok din ito sa mga doktor at sa mga ordinaryong manggagawa. Higit sa lahat, nakahanap si Richie ng paraan upang mapagtagumpayan ang kahirapan sa kabila ng pandemiya.

Si Richie Ortega-Torres ay isang dalubhasa sa fashion sa kabuuan ng kanyang propesyon. Nagtapos siya sa Unibersidad ng Pilipinas at lumipat sa Parsons School of Design sa New York. Nang dumating ang 2000, bumalik sa Pilipinas si Richie dala-dala ang kanyang mga natutunan at naunawaan tungkol sa industriya ng fashion. Pagkalipas ng isang taon, sinimulan niyang magdisenyo ng mga damit pangkasal at pang espesyal na okasyon. Ang pandemiya ay lubhang nakaapekto sa kanyang kabuhayan dahil umaasa siya sa pana-panahong okasyon kapag gumagawa ng mga damit. Nabigla at naguguluhan, sinubukan niyang makahanap ng bagong paraan para makakuha ng mga bagong kliyente sa kabila ng kawalan ng mga okasyon. Dahil sa mataas na pangangailangan ng masks, siya’y gumawa at nagbenta sa kanyang mga kaibigan at pamilya. Nagdagsaan ang daan-daang orders pagkatapos lamang ng ilang linggo. Ang kanyang negosyo ay nananatili, at natagpuan niya ang kanyang sarili na gumagawa ng iba’t ibang uri ng pananamit na hindi niya inaakalang magagawa sa kanyang propesyon.

 

“Kaya ginagawa ko iyon ng ilang linggo noong Marso hanggang sa may nagtanong sa akin kung puede ba akong gumawa ng mga PPE. Isa sa mga matatagal ko ng kliyente  na sobrang paranoyd  ang nagmungkahi nito sa akin, dahil gusto niya ng may sarili siyang PPEs para sa pagpunta sa doktor o pagbisita  sa mga kaibigan pero ayaw nga lang niya ng may manggas ,” aniya ni Richie.

Madaming bagay ang hiniling ng kliyente tulad ng ayaw niya ng masyadong mainit na suit o masyadong matingkad ang kulay nito. Pinakinggan ni Richie ang mga ito at nakagawa siya ng isang prototype na nagustuhan rin ng kanyang mga anak. Maraming tao ang nakarinig tungkol dito.  Maraming mga doktor at mga dentista  ang natuwa sa ideya ng mga suits na ayon sa moda at nagsimulang magpadala ng orders para sa sarili nilang   pansariling PPEs. Ang mga ordinaryong manggagawa ay nais ding magkaroon  ng sarili nilang PPE para sa kani-kanilang mga gawain at trabaho. Pumatok ito at natuwa si Richie na nasimulan niya ang paggawa ng mga PPE noong tag-init, dahil ngayon nakakatanggap siya ng iba’t-ibang kahilingan na gumawa ng mga kakaibang istilo ng damit at pansariling mga  masks. Ang uri ng trabahong ito ay hindi lamang nakatulong sa kanya at sa kanyang pamilya, natulungan rin niya ang kaniyang mga tauhan sa pamamagitan ng pagsusuporta sa kanila at pagbibigay ng mga trabaho sa pagproseso ng mga orders.

image3.jpg
F64A8642-AA37-4B0F-A09D-A290CB6C49A4.jpg
IMG_6120-2.jpg
IMG_3243-2.jpg
IMG_3265 (1).jpg

kung gusto niyo ng sariling PPE bisitahin ang,  https://www.instagram.com/richieortegatorres/

Si Richie ay kadalasang gumagawa ng mga PPE, ngunit  meron pa rin siyang mga kliyente na nagpapagawa ng mga gown na pang kasal. Binago niya ang kanyang tahahan at ito ang  naging studio at workshop niya na nakatuon sa kanyang mga kliyente. Sa natitirang bahagi ng tag-init, ginugol niya ang halos lahat ng kanyang oras sa paggawa ng mga FDA grade protective suits para sa mga kawaning medikal at sa mga taong nais na dagdagan ang kanilang sariling proteksiyon. 

“Sa palagay ko gumawa kami ng limang-libong mga PPEs  sa loob ng isa’t kalahating buwan.  Halos hindi ko naramdaman ang aking summer,” sabi niya.

 

Ang kanyang trabaho ay napakahirap para sa kanya at sa kanyang pamilya. Ang lubos na pangangailangan ng mga frontliners at mga nasa paligid niya, sa pangkalahatan, ay pinilit siyang gumawa ng maraming mga PPE na makakaya niya sa lalong madaling panahon. Libo-libong mga suits ang nagawa at  naibalot sa sarili niyang tahanan. Sa kabila ng matinding stress  at  mga araw na punong-puno ng gawain na hinarap ng  kanyang pamilya, naunawaan pa rin nila at sinuportahan nila ang kanyang pagsisikap na makatulong at maitaguyod ang kanyang pamilya.

Tunay na malaki ang kapinsalaan na dulot ng pandemiyang ito sa kabuhayan ng pamilya ni Richie. Gayunpaman, tila napagtanto din nila ang  biyaya  na dulot ng paghihirap dahil natutunan nila ang kahalagahan ng maliliit na bagay sa buhay.

 

“Minsan-minsan din kami’y nag-aaway dahil hindi kami ganoon ka lapit sa isa’t isa… hindi kami’y gaanong magkasama ngunit ang karanasang ito ay nagpalapit sa aming lahat kaya kahit may sari-sarili kaming mga ginagawa… Sa palagay ko ito ay isang pagkakataon na mapabuti ang aming sarili...sa  bawat kadiliman, mayroon talagang liwanag,” sagot niya.

 

Sa kabila ng isang sitwasyong puno ng pagkalito at gulo, kinailangan ni Richi na umangkop at matuto ng mga bagong pamamaraan upang mabuhay.

“Kailangan mo talagang matutong gumalaw, lumago at alamin ang ilang mga bagay upang hindi ka maiwanan sa pandemiyang ito,” tugon niya.

 

Masipag siyang nagtatrabaho mula sa pagkukuha ng mga materyales  galing sa iba’t-ibang mga pabrika upang mapanatili ang mga kalidad ng mga suits, ngunit ang totoong tungkulin ay ang matugunan ang ating mga frontliners.

 

“Hindi ko kinailangang magtrabaho nang napakahirap. Nakatutok lang ako sa pagtatapos ng aking produkto… ang pangunahing layunin ko ay ang matapos ito para sa mga frontliners,” sagot niya.

Natutunan niyang makayanan ang lahat sa bagong mundo ng pagkalito at pagkabalisa, ngunit siya’y nagsumikap sa gitna ng lahat. Ang kwento ni Richie Ortega-Torres ay nagsisilbing halimbawa sa ating lahat na matuto tayong umangkop sa ating kapaligiran. Biniyayaan siya ng isang masayahing pamilya at maayos na trabaho, pero nang hinamon ang mga ito, ipinakita pa rin niya na  marami man ang nagbago, nananatili siyang matatag at matibay at hinarap niya ang mga pagsubok. Kahit humina man  ang kanyang negosyo, natutunan niyang umangkop at isaayos ang kanyang sarili.

Kinikilala ng Adversity Archive ang kanyang makabuluhang  kwento bilang isang simbolo sa lahat na ang pagka malikhain at pagpupunyagi ay maaaring magdulot ng liwanag   at pag-asa kahit na sa pinakamadilim na sulok ng kahirapan.

bottom of page