top of page
English

She, Who Keeps Hope Alive

August 18, 2021

Sachi Carlyn Lozano

234718089_221772749884501_6727923974307821664_n.jpg

As the dispute over the West Philippine Sea continues to blow up headlines, more and more have grown familiar with the plight of our Filipino fisherfolk. However, today, allow me to take you into the life of one of the many unsung heroes of these affected communities. A woman whose life unwaveringly reflects great promise and hope for her community, despite the darkness recent issues have brought. 

Ate Maria Fe Rosa Ut is the wife of a fisherman, the mother of two children, a community health worker, and in my opinion, a champion of positivity and resilience.

In Puerto Prinsesa, fishing is the leading industry, yet, Ate Maria Fe openly talks about the challenges that come with depending on this uncertain industry especially in today’s day and age. With the weather being especially unpredictable during the “habagat” season, and prices for fish continuing to fluctuate, fishing as a primary source of income hardly provides any financial stability  for their family.

When asked about the difficulties and stressfulness of such an industry, Kuya Ricky, Ate Maria’s husband, briefly told me,

 

“Oo mahirap. Tiis tiis lang kami, kasi syempre hanapbuhay namin nasa dagat, wala kaming magawa; di rin kami sa ano makatrabaho sa iba, dagat lang talaga alam namin."

 

(Yes, it’s hard. We just deal with it because, of course, our livelihood depends on the ocean; we can’t work anywhere else. We only know how to fish).

234803147_930638240862075_1543199060294715755_n.jpg

At the other end of this phone call interview, my heart began to feel the weight of this family’s struggle. All throughout the nation, and all throughout the world, many struggle to navigate the unpredictability of this pandemic. Yet, for this family, the pandemic is merely another layer of uncertainty they have to deal with on top of the fact that their livelihood’s very nature is dictated by unpredictable weather patterns. It seems their every day is met with unlikely obstacles.

 

I then had to ask, “kuya, may natanggap po ba kayong tulong galing sa gobyerno?” “Wala man--wala man kaming natanggap na kahit ano (Nothing. We didn't get anything)” Shocked, I paused. It seemed the longer we stayed on this call, my heart only got heavier as I listened to the realities of one of many families who are truly most vulnerable due to the state of our nation today. The line was quiet until Kuya Ricky said, “pero, nasanay na kami. kahit konti lang kita namin, nasanay na kami. Hindi na kami umaasa ng ganun [na may makukuha sa gobyerno], magsikap lang kami para lang mabuhay (But, we’ve gotten used to it. Even if we only earn a little, we've gotten used to it. We don’t expect anything from the government. We just work harder and make an effort so that we can continue to live.)”

The relentless spirit and determination that still rang so loudly in Kuya Ricky’s voice, disrupted the anger and frustration that began to overwhelm me as I heard how this family just seemed to be forced to accept the negligence and incompetence of our government. 

 

Upon talking about the government, we began to discuss the issue of the West Philippine Sea.
I found out from Ate Maria that, luciky, Kuya Ricky doesn’t go far enough to experience the issue for himself. However, they do have members of their community, those that fish for months at a time, who have slowly begun to experience the effects of the issue. Ate Maria told me that while she is grateful that this is something they don’t have to worry about now, fear still lingers in the back of her head as she just never knows if one day Kuya Ricky will end up in the middle of the heated issue himself. 

“Kasi maam, lalo na ang mga asawa namin mangingisda, syempre 'di talaga namin maiiwasan na maisip, bakit may ganyan? Bakit nagka ganon? May konting galit, bakit nangyari ang ganon? ano ba ang dahilan? Bakit napabayaan? Wala namang direct effect ngayon, kasi malayo din sa amin, kaso lang syempre di namin maiwasan na mag isip na baka lalong gumulo, diba? Edi syempre madadamay na talaga kami. (Because our husbands are fishermen, we can’t help but wonder, why is it like that? Why did something like that happen? There’s a bit of anger, why did that really happen? What was the reason? Why did they overlook it? There’s no direct effect right now, because they’re far away from us. However, of course, we can’t help but think that it might get worse. If it does, of course we will be affected).”

Nevertheless, Kuya Ricky and Ate Maria told me that despite all the financial challenges, frustration, and fear, they just do all they can to keep the positivity alive between the both of them and their small family. 

For Ate Maria, this goal is accomplished in her job, as a health worker. Despite their own personal struggles, Ate Maria chooses to continue serving others. “Kahit wala kang makuha, ok lang, as long as masaya kami sa ginagawa namin.” (Even if we don't get anything in return, it's okay, as long as we're happy in what we're doing.) She explained that while they may have financial struggles, she cannot neglect her work and the people that depend on her.

“Mahirap ang buhay, minsan walang kita, minsan lugi lugi pa, lalo na ngayon, kasagsagan ng malakas na hangin, pag malakas ang hain, hindi talaga nakakalaot. Tapos, pagod na pagod ka na gusto mo nang sumurender, kaso nga di mo magawa kasi yung naiisip mo yung ka barangay mo rin.” “Umaasa sila sa inyo” (Life is hard. Sometimes, we don’t earn anything. Sometimes, we even lose money, especially now. When the waves are high and the wind is strong, they can’t go out and fish. And then, you’re so tired, you want to surrender, but you can’t do it because you think about those in your community. They’re depending on you.) 

As a health worker, Ate Maria serves in their health center, and in the COVID-19 checkpoints as a COVID marshall. She is constantly risking her life in service of the people, but in doing so, she truly finds purpose and fulfillment.
 

“Yun nga maam, nakakatuwa, alam mo yung parang pagod ka na pero hindi mo maiisip yung pagod kasi syempre, takot ka sa pandemic, maisip mo na makakatulong ka sa barangay maiwasan ang sakit na ganyan diba. (It’s heartwarming, you’re tired, but you don’t think of your tiredness because, you, too, are scared of the pandemic, and yet you realize that you’re helping your community avoid that type of sickness.)”

234824840_5934875689917500_5021945022135724121_n.jpg

She continued to share that during the first lockdown, she and her fellow community workers would deliver food to the families in their community. What more, when families or members of their community would not have enough to buy basic things like rice or salt, she along with others who worked in the barangay would be the ones to lend money to those who needed it. 

 

“Uutangan nalang namin maam, kahit kami nalang ang magbabayad niyan” “Nakakaawa, kasi pwede kaming lumabas, sila hindi, hangga’t meron kaming maitutulong, tumutulong kami maam." (We’re the ones who lend them; we’re the ones who pay for it first. You feel bad for them because, us, we can go out (cause we’re community workers), they can’t. For as long as we have something to give, for as long as we can help, we will help.” 

While today’s political climate brings so much darkness and despair, hope is kept alive by people like Ate Maria Fe and her fighting husband, Kuya Ricky. Ate Maria doesn’t serve and give from a place of abundance, in fact, her family is not even guaranteed three meals a day. Yet, she continues to give all that she is able to. 

Her selfless approach to service strikingly contrasts the selfish and inconsiderate response of the government on issues like this pandemic, and the West Philippine Sea dispute that have harshly impacted their family.

 

Her story underscores how this pandemic has revealed all of the shortcomings of the government, and highlighted that the goodness of this nation is still only found in its people.

Today, we’ll celebrate Ate Maria Fe. A woman who could so easily play the victim, yet deliberately chooses every day to characterize her life by strength, solidarity, service, and supernatural love. May her story remind you that there is still much promise for our nation.

If this story touched you, we encourage you to subscribe. All subscription proceeds will help Ate Maria Fe, and others in her community. 

To subscribe, click here.

To donate more than 100 php, click here. 

If you would like to donate in-kind, kindly email us at connect@adversityarchive.com

Filipino

She, Who Keeps Hope Alive

August 18, 2021

Sachi Carlyn Lozano

Translated by Yvie Capellan

234718089_221772749884501_6727923974307821664_n.jpg

Habang patuloy na sumasabog ang mga hidwaan sa alitan tungkol sa West Philippine Sea, parami ng parami ang mga naging pamilyar sa kalagayan ng ating mangingisdang Pilipino. Gayunpaman, ngayon, hayaan nyo akong ipakita sa inyo ang buhay ng isa sa mga hindi kilalang bayani ng mga apektadong pamayanan. Isang babae na ang buhay ay sumasalamin sa dakilang pangako na puno ng pag-asa para sa kanyang pamayanan, sa kabila ng kadiliman na dulot ng mga kamakailang isyu. 

 

Si Ate Maria Fe Rosa Ut ay ang asawa ng isang mangingisda, nanay ng dalawang anak, isang barangay health worker, at sa aking palagay, isang kampeon ng katatagan at maganda ang hinaharap.
 

Sa Puerto Prinsesa, ang pangingisda ay ang industriyang nangunguna, gayunpaman, lantarang pinag uusapan ni Ate Maria Fe ang mga hamon na hinaharap nila dulot ng walang kasiguraduhan sa pagbabago ng panahon lalong- lalo na sa panahon ng “Habagat” Ito rin ang nagiging sanhi ng pabago-bago ng presyo ng mga isda at ito ang nagtutulak sa kahirapan ng pamilya ng mga mangingisda sapagkat dito lang sila umaasa at kumukuha ng kanilang panggastos sa araw-araw nilang pangangailangan upang mabuhay.

Nang tanungin tungkol sa mga paghihirap at ang pagkabalisa ng industriya, si Kuya Ricky, asawa ni ate, sinabi sa akin na,

 

“Oo mahirap. Tiis tiis lang kami, kasi syempre hanapbuhay namin nasa dagat, wala kaming magawa; di rin kami sa ano makatrabaho sa iba, dagat lang talaga alam namin."

234803147_930638240862075_1543199060294715755_n.jpg

Sa kabilang dulo ng panayam na ito, unti-unti kong naramdaman ang bigat ng pakikibaka ng pamilya ni Ate Marie Fe. Dito, sa ating bansa, at sa buong mundo, maraming naghihirap (find their footing) dahil sa pandemiyang ito. Gayunpaman, para sa pamilyang ito, ang pandemiya ay isa lamang sa madaming di kasiguraduhan (uncertainties) na kailangan nilang harapin maliban pa sa realidad na ang kabuhayan nila ay nakasalalay sa mga pabago-bago ng panahon, at tila araw-araw ay nakararanas sila ng iba’t-ibang mga hadlang.

 

(I then had to ask), kuya, may nattangap po ba kayong tulong mula sa gobyerno?” “Wala man--wala man kaming natanggap na kahit ano (Nothing. We didn't get anything)”. Sa gulat ko, huminto ako. Tila mas tumatagal kami sa tawag na ito, bumibigat lalo ang aking puso habang nakikinig ako sa mga masasakit na katotohanan tungkol sa isa sa maraming mga pamilya na tunay na mas mahina sa estado ng ating bansa ngayon. Tahimik ang kabilang linya hanggang sa sinabi ni Kuya Ricky, “pero, nasanay na kami. kahit konti lang kita namin, nasanay na kami. Hindi na kami umaasa ng ganun [na may makukuha sa gobyerno], magsikap lang kami para lang mabuhay”.

Ang walang tigil na malakas na diwa at determinasyon pa rin ang maririnig sa tinig ni Kuya Ricky.   Umusbong ang galit at pagkabigo at nagsimulang punuin ang puso ko nang marinig ko kung paano ang pamilyang nito ay tila nawawalan ng pag-asa at napipilitang tanggapin ang kapabayaan at kawalan ng kakayahan ng ating gobyerno.

Nang pagusapan ang gobyerno, sinimulan naming talakayin ang isyu ng West Philippine Sea. Sa kabutihang palad, nalaman ko mula kay Ate Fe na si Kuya Ricky ay hindi naman sobrang lumalayo at hindi niya nasasalubong at nararanasan ang mga isyu na ito. Gayunman, mayroon silang mga miyembro ng kanilang pamayanan, ang mga nangangingisda sa loob ng  maraming buwan na umaabot sa naturang lugar. Sa bawat pagkakataon, na dahan-dahang nararamdaman nila ang bunga ng mga isyung ito. Sinabi sa akin ni Ate Fe na habang nagpapasalamat siya na ito ay isang bagay na hindi nila dapat alalahanin ngayon, ang takot ay nanatili pa rin sa likuran ng pag-iisip niya habang hindi niya alam kung balang araw ay mapunta sa gitna ng  mainit na isyu si Kuya Ricky.

“Kasi maam, lalo na ang mga asawa namin mangingisda, syempre 'di talaga namin maiiwasan na maisip, bakit may ganyan? Bakit nagka ganon? May konting galit, bakit nangyari ang ganon? ano ba ang dahilan? Bakit napabayaan? Wala namang direct effect ngayon, kasi malayo din sa amin, kaso lang syempre di namin maiwasan na mag isip na baka lalong gumulo, diba? Edi syempre madadamay na talaga kami."

Gayunpaman, sinabi sa akin nina Kuya Ricky at Ate Maria na sa kabila ng lahat ng mga hamon sa pananalapi, pagkabigo, at takot, ginagawa lamang nila ang lahat upang panatilihing buhay at positibo sa kanilang dalawa at kanilang maliit na pamilya.

Para kay Ate Maria, ang layuning ito ay natutupad sa kanyang trabaho, bilang isang manggagawa sa kalusugan sa barangay. Sa kabila ng kanilang sariling mga personal na pakikibaka, pipiliin ni Ate Maria na ipagpatuloy ang paglilingkod sa iba.

“Kahit wala kang makuha, ok lang, as long as masaya kami sa ginagawa namin.” 

Ipinaliwanag niya na kahit na mayroon silang mga pakikibakang pampinansyal, hindi niya maaaring pabayaan ang kanyang trabaho at ang mga taong umaasa sa kanya.

“Mahirap ang buhay, minsan walang kita, minsan lugi lugi pa, lalo na ngayon, kasagsagan ng malakas na hangin, pag malakas ang hain, hindi talaga nakakalaot. Tapos, pagod na pagod ka na gusto mo nang sumurender, kaso nga di mo magawa kasi yung naiisip mo yung ka barangay mo rin.” “Umaasa sila sa inyo” 

Bilang isang health worker ng gobyerno, si Ate Maria ay naglilingkod sa health center, at sa mga COVID-19 checkpoint bilang isang COVID marshall. Patuloy siyang nagbubuwis ng kanyang buhay sa paglilingkod sa mga tao, ngunit sa paggawa nito, tunay na nahahanap niya ang kaniyang layunin at katuparan. “Yun nga maam, nakakatuwa, alam mo yung parang pagod ka na pero hindi mo maiisip yung pagod kasi syempre, takot ka sa pandemic, maisip mo na makakatulong ka sa barangay maiwasan ang sakit na ganyan diba”. 

Patuloy niyang ibinahagi sa akin na sa unang lockdown, siya at ang kanyang mga kapwa manggagawa sa barangay ay naghahatid ng pagkain sa mga pamilya sa kanilang komunidad. Ano pa, kung ang mga pamilya o miyembro ng kanilang komunidad hindi kayang bilhin ang mga pangunahing bagay tulad ng bigas o asin, siya kasama ang iba pa na nagtatrabaho sa baranggay ay ang nagpapahiram ng pera sa mga nangangailangan nito.

“Uutangan nalang namin maam, kahit kami nalang ang magbabayad niyan” “Nakakaawa, kasi pwede kaming lumabas, sila hindi, hangga’t meron kaming maitutulong, tumutulong kami maam."

234824840_5934875689917500_5021945022135724121_n.jpg

Para sa akin, ang pahayag na ito ay patunay na habang ang klima sa pulitika ngayon ay nagdudulot ng labis na kadiliman at kawalan ng pag-asa, ang pag-asa ay nananatiling buhay dahil sa mga taong tulad ni Ate Maria Fe at kanyang asawa na patuloy na lumalaban, si Kuya Ricky. Si Ate Maria ay hindi naglilingkod at nagbibigay mula sa isang lugar ng kasaganaan, sa katunayan, ang kanyang pamilya ay hindi man ginagarantiyahan na makakakain ng tatlong beses sa isang araw. Gayunpaman, patuloy niyang ibinibigay ang lahat na kaya niya. 

Kapansin-pansin ang kaibahan sa pagitan ng kanyang hindi makasariling diskarte sa serbisyo, at ang mga kwento ng kanilang pamilya tungkol sa makasarili at walang konsiderasyong pagtugon ng gobyerno sa mga pinaka-mahina.

 

Binibigyang diin nito ang katotohanan na talaga, ang pandemiyang ito ay nagsiwalat ng lahat ng mga pagkukulang ng pamahalaan, at inihayag na ang kabutihan ng bansang ito ay natatagpuan pa rin lamang sa mga mamamayan nito.

Ngayon, ipagdiriwang natin si Ate Maria Fe. Isang babae na napakadaling gumanap bilang isang biktima, ngunit sadyang pinipili na mabuhay ng araw-araw, upang makilala ang kanyang buhay sa pamamagitan ng lakas, pagkakaisa, serbisyo, at pag-ibig na higit sa karaniwan. Maaaring ipaalala sa iyo ng kanyang kwento na may pag-asa pa rin para sa ating bansa. 

Upang mag-subscribe, click here.

Upang magbigay ng mahigit pa sa 100 php, click here.

Para sa mga in-kind donasyon, mag email po sa connect@adversityarchive.com 

bottom of page