top of page
English

Something Borrowed,
Something Blue

August 27, 2021

Chelsea Fernandez

Warm skies, blue seas, and the long day’s winds that rush across your face. That is the life which Kuya Marvin wakes up to every afternoon. We set our scene off the coast of Puerto Princesa, Palawan, where a 61-year-old fisherman struggles to survive in a business where unpredictability is the sole guarantee.

 

For about ten years now, Kuya Marvin has gone out into the ocean in the hopes of catching his week’s wages. However, that was not always the case. Once upon a time, he was a bus driver along San Vicente and Iligan before that. When asked why he switched careers, he said that driving nowadays has an age limit.

Alas, tragedy struck when his wife fell down the stairs, breaking her leg. Like ripples atop a quiet pond, the consequences of this event would slowly cascade into the man we know today.

 

“Nahulog man siya, nabali. Sunod dako-dako mig gasto. Tulo ka tuig nya nag saklay mam. Tapos wa siya kalakaw, nag saklay. Ipa cemento unta namo iyang batiis. Problema naman kay 55,000 man ang cemento. Wala nalang namo. Nag usap mi ni misis nga kamot-kamot nalang. Tulo ka tuig jud mam ang antos jud namo. Tung sa punduhan to, wala jud hurot.

IMG_6528.JPG

(She fell, so she was injured. Then we had to spend quite a bit. She wore a wrap for three years. She wasn’t able to walk, she had a wrap. We were going to get a cast for her leg. The problem was that it cost 55,000 pesos. We didn’t go through with it. I talked with my wife and we agreed that we’d just massage it. We endured it for three years. As for our savings, they were gone.)”

With no hope in sight, the couple turned to Barangay Isaub of Aborlan, where they knew a masseuse did business. He described these next eight years as the most harrowing experience of his life.

Lack of opportunity led Kuya Marvin to work at a rubber plantation for 200 pesos a day. From 5 am below the morning light, he and his fellow workers would hike 7 kilometers uphill. If they failed to work, the hours would come out of their salary.

 

When asked how they coped with such conditions, he said,

 

“Kanang, kuan ra mam, agwanta rajud na. Kay ang 200 araw nimo, gibudget jud namo na nga sa sulod ng isang simana, kay bali raman ug unom ka adlaw ang trabaho edi 1,200. Pang bili namog bugas nga mga 10 kilo. Ang uban kailangan sa mga gamit sa kusina. Among gi budget na. May lagi pug dili mo bali ang lawas. Ug naay may panahon nga mabali, wala ma pilde ka, di ka katrabaho. 

 

(Well, how it is, is that you just persevere. Because the 200 per day, we budgeted that per week, because when you take the six days of work, that’s 1,200 pesos per week. We used that to buy 10 kilos worth of rice. The rest we needed to buy things for the kitchen. We budgeted that. You were lucky if your body didn’t give up on you. If there was a time wherein you were injured, you lost, you couldn’t work.)”

Eventually, his bayaw, or brother-in-law, held out a hand and bought him a boat. However, it is far from easy to deal with the mercurial moods of the weather and the mystery that envelops aquatic life. Even the news and international politics affect whether or not there is food on the table.

IMG_6527.JPG

When winds are strong, the boat is unable to handle the rough waves that follow. Sometimes, the fish are simply of a temper that day. Whatever the case, “kaning panahon lagi kay ang isda kanunay na. Ang isda usahay… walay makuha. Kanang mabaligya ra nimo ang pila ka kilo. (these days, the fish are scarce. Sometimes you don’t get any. You are limited to selling a few kilos.)”

 

Even with a decent catch, the price of fish rises and falls every day, a controlled chaos manipulated by a few big businessmen behind the scene. In charge of a smaller boat, Kuya Marvin also has to compete with larger vessels that can afford to sell their fish at a lower price.

 

Aside from the common problems in the fishing business, the fishermen at Palawan also have to deal with the increasing tensions between two sovereign nations over the West Philippine Sea.

 

Being close to the conflict, Kuya Marvin is scared of what will happen when the bullets start flying. Already, some of their contemporaries at Mindoro and Batangas are being chased out of the area. The fishermen at Puerto Princesa are being warned by Chinese vessels to stay away.

Although the government has implemented regular guard rotations in the area, the sheer size and number of the Chinese fleet have startled some of their community.

 

“Ang atoa gung gamit gud diha gamay ra. Atong barko pila ra. Ila sa pikas unsa pa pirteng daghana nga naa pay mga giimo diha nga landinganan nila. Ambot unsa puy pang kuan ana, pang gira guro.

 

(Our supplies there run low. Our vessels are few. The other side has a great amount [of boats] that were made with landing areas. I don’t know what they’re for, I assume they’re for war.)”

 

Even despite it all, Kuya Marvin manages to smile. He says that the best response in the face of poverty is to find the light in it all. Problems are a fact of life, and yet if you let yourself be shackled by them, you’ve already lost.

 

As for anyone who would like to help their community, he says that any form of contribution would be accepted. If given the choice, however, he would have liked to have owned land as an alternative to seafaring.

 

“Ay kuan unta akong kuan diri, gusto unta ko nga magkaroon ba kanang lupa ba nga among tamnan. Gusto man jud nako mag lupa jud kay sa dagat naa man guy mga panahon ba nga magkuan.. gusto ko lupa. Pero wala man pud koy ma kuan anang yuta. Di nako kaya.

 

(Well, I would have liked to own land that I could farm on. I wanted to own land because when you deal with the sea, there are times where… Land is better. But I can’t afford it.)”

 

Warm skies, blue seas, and the long day’s winds that rush across your face. Tomorrow, Kuya Marvin rises from his bed and looks out into the waves to do it all again.

To subscribe, click here.

To donate more than 100 php, click here. 

If you would like to donate in-kind, kindly email us at connect@adversityarchive.com

Filipino

Isang Bagay na Hiram,
Isang Bagay na Asul

August 27, 2021

Chelsea Fernandez

Translated by Mae Mayores

Mainit na kalangitan, asul na karagatan, at ang hangin ng mahabang araw na dumadampi sa iyong mukha. Ito ang buhay na kinamulatan ni Kuya Marvin tuwing tanghali. Kami ay pumunta sa baybayin ng Puerto Princesa, Palawan, kung saan ang isang 61 anyos na mangingisda ay nagsusumikap mabuhay sa isang trabaho na ang  kawalan ng katiyakan ang nag-iisang garantiya.

 

Makalipas ang humigit kumulang sampung tao, si Kuya Marvin ay lumilisan papunta sa karagatan sa pag-asang makuha ang linggong sahod. Subalit, hindi ganito ang buhay niya dati.  Noon, siya ay isang drayber ng bus sa may San Vicente at Iligan. Nang tanungin kung bakit siya nagpalit ng trabaho, aniya, ang pagmamaneho sa ngayon ay mayroon ng limitasyon sa edad.

 

At ayon na nga, trahedya ay naganap nang  nahulog sa hagdan ang asawa niya, na nagresulta sa pagkabali ng binti nito. Katulad ng alon ng tubig sa ibabaw ng tahimik na lawa, ang kinahinatnan ng sakunang ito, unti-unting nagbunga sa lalaking kilala natin ngayon.

IMG_6528.JPG

“Nahulog man siya, nabali. Sunod dako-dako mig gasto. Tulo ka tuig nya nag saklay mam. Tapos wa siya kalakaw, nag saklay. Ipa cemento unta namo iyang batiis. Problema naman kay 55,000 man ang cemento. Wala nalang namo. Nag usap mi ni misis nga kamot-kamot nalang. Tulo ka tuig jud mam ang antos jud namo. Tung sa punduhan to, wala jud hurot.

(nahulog siya, kaya siya  nabalian, kaya kinailangan naming gumastos, nagsuot siya ng saklay ng tatlong taon. Hindi siya makalakad kaya siya nagsaklay, ipapasemento namin sana yung paa niya, ang problema lang 55,000 piso ang kailangan. Hindi na lang namin tinuloy. Kinausap ko yung asawa ko at nagpasya kami na hilutin nalang. Tiniis namin iyon ng tatlong taon. Ang mga ipon naman namin, nawala na.)”

Nang walang nakikitang pag-asa, ang mag-asawa ay nagpunta sa Barangay Isaub ng Aborlan, kung saan may alam silang manghihilot. Inilarawan niya ang mga susunod na walong buwang ito bilang pinaka nakapanlulumong karanasan sa buhay niya. 

 

Kakulangan ng opurtunidad ang nagbuhat kay Kuya Marvin upang magtrabaho sa isang planta ng goma para sa 200 piso kada araw. Pagsapit ng 5 am, sa ilalim ng ilaw ng umaga, siya at ang kanyang mga kapwa trabahador ay naglalakad ng mga 7 kilometro patungo sa matarik na lugar. Kapag sila ay hindi nakarating sa trabaho, ang oras na ito ay makakaltas sa kanilang sweldo.

 

Kapag sila ay tinatanong kung paano nila nakakayanan ang ganitong kondisyon, sambit niya.

 

“Kanang, kuan ra mam, agwanta rajud na. Kay ang 200 araw nimo, gibudget jud namo na nga sa sulod ng isang simana, kay bali raman ug unom ka adlaw ang trabaho edi 1,200. Pang bili namog bugas nga mga 10 kilo. Ang uban kailangan sa mga gamit sa kusina. Among gi budget na. May lagi pug dili mo bali ang lawas. Ug naay may panahon nga mabali, wala ma pilde ka, di ka katrabaho.

(ganito, ito ay nagagawa sa pagpupursige. Dahil sa 200 piso kada araw, pinagkakasya namin iyon sa isang linggo, dahil kung kukuhanin mo ang anim na araw ng trabaho, merong 1200 piso kada linggo. Ginagamit namin iyon pambili ng 10 kilong bigas. Ang natira pambibili ng mga kailangan sa kusina. Binadyet namin iyon. Swerte ka na lang kung hindi sumuko ang katawan mo sayo, kung may oras na nabalian ka, talo ka, hindi ka makakapagtrabaho.)”

 

Kinalaunan, nagpaabot ng tulong ang kanyang bayaw at binilhan siya ng bangka. Ngunit, hindi madali ang pakakikipagbunuan sa mga pabago-bagong kondisyon ng panahon at ang misteryo na bumabalot sa ilalim ng dagat. Kahit ang mga balita sa internasyonal na pulitika ay nakakaapekto sa kung meron man o walang pagkain sa hapag kainan.

IMG_6527.JPG

Kapag ang ihip ng hangin ay malakas, nahihirapan ang mga bangka na harapin ang mga sumunod na malakas na alon. Minsan, ang mga isda ay sumpungin sa ganong araw. Ano mang kaso, “kaning panahon lagi kay ang isda kanunay na. Ang isda usahay… walay makuha. Kanang mabaligya ra nimo ang pila ka kilo. (ang mga oras na ito, ang mga isda ay kakaunti, minsan, wala ka pang makukuha, limitado ka sa pagbenta ng kaunting kilo.)”

Kahit na may maayos na huli, ang presyo ng isda taas-baba araw-araw, ang kontroladong kaguluhan ay patagong minamanipula ng ibang malalaking negosyante. Bilang isang mangingisda na namamahala lamang ng maliit na bangka, si Kuya Marvin ay nangangailangan ring makipag kompetensya sa mga malalaking sasakyang pandagat na kayang mag benta ng isda sa mababang halaga.


Bukod sa pangkaraniwang problema sa pangingisda, ang mga mangingisda sa Palawan ay kailangan ding problemahin ang patuloy na lumalalang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa sa West Philippine Sea.

Sa pagiging malapit sa lugar ng hidwaan, si Kuya Marvin ay takot sa mga maaring mangyari kapag nagsimula ang paglipad ng mga bala.

Sa ngayon, ilan sa mga kasamahan niya sa Mindoro at Batangas ay hinahabol palabas ng lugar. Ang mga mangingisda sa Puerto Princesa ay pinagbabantaan ng mga Tsino na lumayo doon. Bagama’t nagpatupad ng regular na pagroronda sa lugar ang gobyerno, ang laki at dami ng armada ng mga Tsino ay sumisindak parin sa ilan sa kanilang pamayanan.

 

“Ang atoa gung gamit gud diha gamay ra. Atong barko pila ra. Ila sa pikas unsa pa pirteng daghana nga naa pay mga giimo diha nga landinganan nila. Ambot unsa puy pang kuan ana, pang gira guro.

(Ang mga kagamitan namin doon ay umoonti na, mga barko namin ay konti lang. Ang kabilang lugar may mga paliparan. Di ko alam kung para saan iyon, pero sa tingin ko iyon ay para sa giyera.)”

 

Kahit sa kabila ng lahat ng ito, nagagawa parin ng Kuya Marvin na ngumiti. Kaniyang sinabi na ang pinakamahusay na tugon sa kahirapan ay ang hanapin ang liwanag sa lahat ng ito. Ang mga problema ay katotohanan ng buhay, ngunit kung hahayaan mo ang iyong sarili na ikadena nito, natalo ka na agad.

 

Para sa kung sino naman ang nais tumulong sa kanilang komunidad, ayon sa kanya, kahit anumang uri ng kontribusyon ay kanilang tatanggapin. Ngunit kung bibigyan ng pagkakataong pumili, nais niyang magkaroon ng sariling lupa bilang alternatibong gawain bukod sa paglayag.

 

“Ay kuan unta akong kuan diri, gusto unta ko nga magkaroon ba kanang lupa ba nga among tamnan. Gusto man jud nako mag lupa jud kay sa dagat naa man guy mga panahon ba nga magkuan.. gusto ko lupa. Pero wala man pud koy ma kuan anang yuta. Di nako kaya.

 

(ganito, gusto ko sana magkaroon ng sarili kong lupa na pwede kong pagtaniman. Gusto kong magkaroon ng sariling lupa kasi kung sa dagat, may pagkakataon kung saan… gusto ko ng lupain, pero hindi abot-kaya.)”

 

Mainit na kalangitan, asul na karagatan, at ang hangin ng mahabang araw na dumadampi sa iyong mukha. Bukas, si Kuya Martin ay babangon mula sa kaniyang kama at pagmamasdan ang mga alon upang gawin muli itong lahat.

Upang mag-subscribe, click here.

Upang magbigay ng mahigit pa sa 100 php, click here.

Para sa mga in-kind donasyon,

mag email po sa connect@adversityarchive.com 

bottom of page