top of page

The Heart of a Dancer

English

October 13, 2021

Aaliyah Gan

“We can't help everyone, but everyone can help someone.” —Ronald Reagan.

Patricia Rivera is the co-founder and currently executive director of The Heart at Play Foundation, along with her sister Therese Rivera. Patricia says that The Heart at Play Foundation, commonly known as THP, began as a family advocacy. They wanted to share dance as a form of art and therapy with people with special needs from impoverished communities.

 

Operating as an organization that works with developmental disabilities has its struggles. One of which would be the communication or "language barrier" said by one of the founders; the students can't adequately express themselves. However, they don't force language to be verbal; there are other ways to interact. According to the girls, it is crucial to meet them where they are. 

That is why they chose dance as their medium since it is a universal language that is accessible to everybody. It provides comfort and connection regardless of whether one can speak or not. Dance gives people with developmental disabilities a healthy release, an escape from what they are feeling. Moreover, scientifically speaking, dance caters to the domains of special needs. It helps them on three fronts-physical, cognitive, and psychosocial. However, the nonscientific reason is that dance is very close to the co-founder's heart since they are actually coaches of the Kidlat Varsity. "It is an honor to be able to share the gift of dance to people of every ability; it is a calling to be able to translate that to be able to help others."

People with developmental disabilities, a grossly overlooked demographic, are disadvantaged; some come from economically underprivileged communities because most live at or under the poverty line. Known to most people are physical handicaps, but have you heard of people with developmental disabilities? However, developmental disabilities impact cognition and mental ability, affecting factors such as how humans express themselves or how they interact with the world.

When THP first started, Patricia and her sister Therese knew that the kids were at an even more significant disadvantage than most disabled individuals. Some people say they are the last, lost, and least in society. "Imagine feeling trapped in your own body because your body can't translate signals from the environment. they are not just physically disadvantaged but mentally as well verbally even," Patricia explains. 

While certainly disadvantaged, people with developmental disabilities have as much potential as able-bodied individuals. It just needs to be tapped and developed in different ways. 

"Just because they don’t look, they don’t act; they don’t engage like the majority, it doesn't mean they can't do anything, or that they won’t do anything fulfilling or contribute positively as members of society", Patricia says. It is on all of us to help them feel empowered and fulfilled. Being disabled is different from being impaired. A person only becomes disabled if there is nothing to help them. "We have to separate the disability from the person," says Patricia. 

Their projects aim to empower children with disabilities by offering free weekly treatment. They let themselves be open to their physical and social surroundings in terms of inclusivity and mindset. In 2011, they met every Saturday for 2-3 hours in a church in Kamuning to provide dance movement therapy to 30-50 special kids. In 2014, they hosted a variety show with numerous performances as a benefit concert to generate money for the year. This showcase became a tool for social change. Those who see these performances get to see children with various abilities and realize that their differences do not make them less. These students are exceptional; their differences make them unique. 

“Masaya po kami na nakita kami ng foundation na ito kasi hanggang ngayon hindi po kami pinapabayaan, masaya po yung mga anak namin, at si Ariane natuto sumayaw kasi dati ayaw niyang makihalubilo at nang nag THP kami, sa awa ng Diyos doon siya natuto siya sumayaw at makihalubilo sa mga kaibigan niya.”

 

(“We are happy that we found this foundation because until now we have not been neglected, our children are happy, and Ariane learned to dance because before she did not want to learn and socialize, by the grace of God she learned to dance there and socialize with her friends”) said Mommy Jeane the mom of Ariane, who is a student of THP with down syndrome. Mommy Jeane, Ariane’s mom, said that after she gave birth to Ariane, her husband told her that Arianne had down syndrome; she's a special child. Additionally, her anal cavity was walled up, resulting in a malformation. 

Due to her condition, it was definitely a struggle to find schools/organizations that cater specifically to children or adults like Ariane. Children in the Philippines are at a disadvantage since there are limited schools and affordable resources. Mommy Jeane was grateful to have discovered THP through a flyer from Ariane’s teacher. When they found out about this, they tried out for it and continued to go every Saturday. Ariane looked forward to her dance lessons every week. She'd even pack her bags for classes, and on Saturdays, she'd say she was already going to dance. She started THP during 2012 and both her and her parents are happy because of how much they have helped Ariane. When they started THP, Mommy Jeane told Patty, the co-founder, that the first thing she wanted to be told by Ariane was “Mama, I love you” which she eventually learned to say when she joined THP.

 

Ariane almost grew up with THP; she began dancing with them when she was nine years old and has continued to do so to this day who is now 18 years old. Mommy Jeane recalls their best THP moment as the day they traveled to Singapore to perform with the team. This performance was able to help Ariane build more confidence in herself. Both Mommy Jeane and Ariane were excited because they never thought that they would be able to travel to perform to represent the Philippines. 

THP certainly has affected and continues to affect a wide range of individuals through their family advocacy. It has had a significant impact on people's lives and they continue to assist youngsters with special needs by making dance accessible to this marginalized demographic. THP invites us all to become foundation volunteers, helping and interacting with these individuals. All you need to be a volunteer is an open heart, an open mind, and a willingness to learn as you go. They continue to collect donations that will be used to support THP's children.

To contribute, go to The Heart at Play Foundation Inc. 20000-4075087 EastWest Checking Account Ortigas, Greenhills. More information is available on their website, https://www.theheartatplayfoundation.org. 

Filipino

The Heart of a Dancer

October 13, 2021

Aaliyah Gan

Translated by Timy Uy Cana

“Hindi natin matutulungan ang lahat pero lahat ng tao ay makatutulong sa  kahit isang tao.”— Ronald Reagan.

Si Patricia Rivera ay isa sa mga tagapagtatag at kasalukuyang executive director ng The Heart at Play Foundation, kasama ang kanyang kapatid na si Theresa Rivera. Sabi ni Patricia na ang The Heart of the Foundation, na mas kilala bilang THP, ay nagsimula sa adbokasiya ng kanilang pamilya. Nais nilang maibahagi ang pagsasayaw bilang isang sining at therapy para sa mga taong may espesyal na pangangailangan mula sa nakalulugmok na lugar. 

 

May sarili ring balakid na kinahaharap ang mga co-founder sa pagpapatakbo sa naturang organisasyon. Isa sa mga ito ay ang komunikasyon o ang pagkakaiba sa nakasanayang wika sabi ng mga tagapagtatag o founders; hindi naipapahiwatig ng mga mag-aaral ang kanilang sarili nang maayos. Gayunpaman, hindi lang maipapahayag ang sarili sa pamamagitan ng pag-uusap; marmi pang paraan upang makihalubilo. Ayon sa mga babae, mahalagang makitungo ayon sa kakayahan at kaginhawaan ng mga bata. 

Ito ang dahilan kung bakit pinili nila ang pagsasayaw sapagkat ito ay isang pandaigdigang wika na bukas sa lahat. Nagbibigay ito ng aliw at koneksyon sa kabila ng kakayahang makapagsalita ng  wika o hindi. Ito ay isang plataporma ng mga taong may kapansanan upang magkaroon ng malusog na abenida kung saan mapahiwatig nila ang kanilang nararamdaman. Dagdag pa rito, batay sa mga pag-aaral, nakatutulong ang pagsasayaw sa maraming may kapansanan. Nakatutulong ito sa tatlong aspeto - physical, cognitive, and psychosocial. Gayunpaman, ang pagsasayaw ay malapit sa puso ng dalawang co-founders dahil sila ay mga coach sa Kidlat Varsity. “Isang karangalan na maituro ang sining ng pagsasayaw sa mga tao na may iba’t ibang kakayahan; ito ay isang motibasyon upang maisalin iyon sa pagtulong sa iba.” 

 

Ang mga taong may kapansanan sa pag-unlad, isang demograpiko na hindi masyadong pinagtutuunan ng pansin, ay nahihirapan; ang iba ay nagmula sa mga karukhaang komunidad. Mas kilala sa nakararami ang mga taong may pisikal na kapansanan pero narinig mo na ba ang mga taong may kapansanan sa pag-unlad? Gayunpaman, naapektuhan ang cognition at mental na abilidad kapag may kapansanan sa pag-unlad ang isang tao. Naapektuhan ang iba’t ibang mga salik tulad ng pamamaraan kung paano ipinapahayag ng ibang tao ang kanilang sarili at ang kanilang pakikisangkot sa mundo. 

Noong nagsimula ang THP, alam ng magkapatid na sina Patricia at Therese ay mas nahihirapan ang mga batang kanilang kinukupkop kumpara sa ibang mga taong may kapansanan. Sabi ng ibang mga tao na sila ang mga lugami at lugmok sa lipunan. “Isipin mo na nakakulong ka sa katawan mo dahil hindi kaya ng katawan mo na magpahiwatig ng mga signal sa iyong kapaligiran. Hindi lang iyon pisikal na kapansanan kundi sa kaisipan at pagsasalita na rin,” ipinaliwanag ni Patricia. 

Bagaman may kapansanan sa pag-unlad ang isang indibidwal, marami pa rin siyang potensyal tulad ng mga mamamayang  walang kapansanan. Kailangan lang mahubog pa.

“Hindi ibig sabihin na dahil hindi sila tumitingin, gumagalaw, at nakihahalubilo tulad ng nakararami ay  hindi na sila makaaambag ng kabutihan tulad ng ibang mga mamamayan ng lipunan,”’ sabi ni Patricia. Nasa atin na tulungan silang hikayatin ang kanilang  sarili. Ang pagiging “disabled” at ang pagiging “impaired” ay magkaiba. Nagiging disabled lamang ang isang tao kung walang makakatulong sa kanila. “Kailangang paghiwalayin ang kapansanan sa tao,” sabi ni Patricia. 

Ang layunin ng kanilang mga proyekto ay para matulungan ang mga batang may kapansanan sa pamamagitan ng libreng paggamot lingo-lingo. Binubukas nila ang kanilang isipan sa pisikal at panlipunang kapaligiran. Noong 2011, nagkita-kita sila tuwing  Sabado ng dalawa hanggang tatlong  oras sa simbahan ng Kamuning para mabigyan nila ng dance movement therapy ang 30-50 na espesyal na bata. Noong 2014, nagpasimuno sila ng  variety show bilang isang benefit concert upang makatustos ng pera para sa taong iyon. Ito ay naging simbolo ng panlipunang pagbabago. Makikita ng madla ang mga pagganap ng mga bata na may iba’t ibang kapansanan at mapagtatanto nila na hindi nawawala ang kanilang pagkatao sa kabila ng kanilang pagkakaiba. Ang kanilang mga kapansanan ay siyang nagbibigay ng kanilang pagiging natatangi. 

“Masaya po kami na nakita kami ng foundation na ito kasi hanggang ngayon hindi po kami pinapabayaan, masaya po yung mga anak namin, at si Ariane natuto sumayaw kasi dati ayaw niyang makihalubilo at nang nag THP kami, sa awa ng Diyos doon siya natuto siya sumayaw at makihalubilo sa mga kaibigan niya.” sabi ni Nanay Jeanne, ang ina ni Arianne, na isang mag-aaral sa THP na may down syndrome. Ibinahagi ni Nanay Jeane, na pinagsabihan siya ng kanyang asawa na may down syndrome si Arianne; siya ay isang espesyal na bata. Bukod  pa rito, nakasara ang kanyang anal cavity kaya nagdulot ito ng malformation.

Dahil sa kondisyon ng batang babae, nahirapan silang maghanap ng mga paaralan at organisasyon para sa mga kabataan at nakatatanda na katulad ni Ariane. Ang mga kabataan sa Pilipinas ay mas nahihirapan dahil limitado lamang ang mga paaralan at kagamitan. Masaya si Nanay Jeane na nadiskubre ang THP sa pamamagitan ng isang flyer mula sa guro ni Ariane. Nang natuklasan nila ito, sinubukan nila ang programa at patuloy pa rin silang sumasali bawat Sabado. Inaasahan na ni Ariane ang kanyang mga dance lessons kada linggo. Siya na rin yung naghahanda ng kanyang mga bag para sa klase, at tuwing Sabado ay  sasabihin niya na pupunta na siya sa dance. Nagsimula siya sa THP noong 2012 at siya at ang kanyang mga magulang ay masaya dahil sa tulong na binigay nila kay Arianne. Dagdag rin ni Nanay Jeanne kung paano ang THP ang naging lugar kung saan natutuhan niyang sabihin ang “Mama, I love you,” o “Mama, mahal kita,” noong nagsimula sila sa THP. Sinabi ni Nanay Jeane kay Patty, ang co-founder, na ang unang nais niyang masabi ni Ariane sa kanya ay “Mama, mahal kita”, at ito nga ay nagampanan at natutuhan ni Ariane sa pagsali  sa THP. 

Halos lumaki na si Ariane kasama ang THP; nagsimula siyang sumayaw kasama nila noong siya ay siyam  na taong gulang at nagpapatuloy pa rin hanggang ngayon na siya ay labing walong  taong gulang na. Nagugunita ni Nanay Jeane ang panahon noong pumunta sila sa Singapore para sumayaw kasama ang pangkat; ito ang kanilang pinakapaboritong alaala kasama ang THP. Nakatulong ang kanilang pagsayaw sa harap ng isang madla upang mabuo ang kumpiyansa ni Ariane sa kanyang sarili. Sabik na sabik ang mag-ina dahil hindi nila inaakala na makakalakbay sila, makapagsasayaw si Ariane at katawanin pa niya ang Pilipinas.  

Tunay ngang nakatulong at nagsilbing inspirasyon ang THP sa maraming mamamayan sa pamamagitan ng adbokasiya ng kanilang pamilya. Malaki ang epekto ng THP sa buhay ng mga tao at patuloy nilang ginagabayan ang mga kabataang may kapansanan sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga dance lessons sa mga mahihirap. Hinikayat ng THP na maging boluntaryo  upang tulungan at makihalubilo sa mga taong may kapansanan. Kailangan mo lang ng bukas na puso at kaisipang  matuto. Patuloy pa rin silang tumatanggap ng mga donasyon upang suportahan ang mga kabataan ng THP.

Para makatulong, pumunta sa The  Heart at Play Foundation Inc. 20000-4075087 EastWest Checking Account Ortigas, Greenhills. Mas maraming impormasyon ang mahahanap sa kanilang website https://www.theheartatplayfoundation.org

bottom of page