top of page
English

The Ocean that Calms Itself

September 10, 2021

Bianca Mangahas

The feeling of uncertainty in life is definitely inevitable– and when a global pandemic gets in the picture, the feeling is much stronger. Uncertainty forces you to face the unknown, making you feel anxious. It lures you into thinking of the worst possible scenarios and leaves you with unending questions of what might happen next. On top of these questions, one question stands out: How do you cope with it?

 

Just like the ocean that can calm itself, there are several people who are able to embrace the uncertainty of life, one of them being Kuya Ariel Ituarlde from Puerto Princesa, Palawan. 

 

Kuya Ariel is a 23 year old fisherman who has been fishing since the year 2013. As someone who has been fishing for 8 years and counting, he claims that fishing can be difficult yet rewarding.

“Mangingisda din po kasi ang tatay ko, kaya nung 15-16 years old pa lang ako, tinuruan na akong mangisda at maglaos. Aaminin ko na mahirap nga po mangisda dahil hindi naman kami nakakakuha ng mararaming isda araw-araw. Ngunit ito po yung source ng aming pera, kaya kapag walang isda, walang kikitain. "

 

240944512_382958633226887_6759868034789833080_n.jpg

(My father is also a fisherman, which is why he taught me how to fish when I was about 15-16 years old. I admit that it is a difficult job. Since it is my main source for money, I need to catch a lot of fish. It’s not everyday that we catch a lot because there are bad days, but if there’s no fish to catch, then there is no money to earn.)

With the Covid situation and strict protocols in the Philippines, he couldn’t help but feel worried since his job was clearly at stake. As rules have changed and social distancing has been implemented in Palawan, delivery of goods to other places in the Philippines is prohibited. Due to this, fisherfolks can only sell their fish locally at a very low price. 

“Marami naman po kaming customers sa area namin. Yun nga lang po, hindi pa sapat yung kinakita namin dahil mababa talaga ang presyo dito sa Palawan. Bale 2-3 buckets po na isda ang napupuno namin. Kung ibebenta namin ito sa mga lokal, 60-70 pesos lang. Ngunit kung ibebenta ito sa ibang lugar kagaya ng Maynila at Iloilo, tumataas ang presyo hanggang 100 pesos.”

(Though we have a lot of local customers in our area, it is not enough for us since we sell our fish for a very low price in Palawan. Me (and the other fishermen) usually load 2-3 buckets full of fish. Locally, we sell it for 60-70 pesos only. But when it is sold in other places in the Philippines such as Manila and Iloilo, the prices go up to 100 pesos, or even higher.)

 

Along with this, weather problems  make him anxious as well— especially now that the weather has been windy and rainy, fishermen are unable to catch a lot of fish and sailing is difficult and dangerous during these conditions.  Feelings of anxiety and irritation were both evident when Kuya Ariel spoke about this. 

 

Despite all of this, Kuya Ariel has something, or someone to look forward to. He is happily married to Lovely Ituralde, who is now 4 months pregnant. What’s heartwarming is the way that he explains things in such a calm and sweet manner. He shared that typically, he leaves for about 2 weeks to catch fish with 12 other fisherfolks. 

“Namimiss ko naman yung asawa ko, pero para sa kanya ko ito ginagawa. Malapit lang naman ang bahay ng mga magulang ko sa bahay namin kaya inaalagaan nila siya kapag wala ako.”

(I do miss my wife whenever I have to leave for work. But when you think about it, I am doing this for her and my future family. My house is near my parents’ house so I entrust them to take care of my wife, Lovely.)

 

When asked about how he stays calm in the midst of a pandemic, he said that he simply does not want to think about it. This mindset of his was something that was formed during the first few months of lockdown. He said that it was difficult for him to process the “new normal”, and since we couldn’t go anywhere yet, he was stuck with thoughts in his head: thoughts of instability, the future, and his job which is at stake. He didn’t quite like the feeling of it as it made him worry even more. 

 

However, he learned how to deal with these thoughts. Though these thoughts reoccur in his head from time to time, he states that doing activities that make him happy help him stop thinking about it. He spends time with his wife, walks in the sand, and even swims in the ocean. He’d rather spend his time doing these activities than dwell on the things he can’t control. Exerting all his energy on problems he can’t fix adds more stress on his part, and he’d prefer to remain positive than negative in a time like this.

Finally when asked how we can help him and his community, he took a long pause. Truly, he doesn’t like to think about these things. After about 15 seconds, he said: 

 

“Anything you think is right or will be good for us. Ang hingi ko lang kay Lord at sa presidente ay sana matigil na ang COVID para bumalik ang buhay namin dati.”

 

(Anything you think is right or will be good for us. The only thing I’m asking from the Lord and from our president is that they’ll be able to fight the Covid quickly so that all our lives will go back to normal.)

To subscribe, click here.

To donate more than 100 php, click here. 

If you would like to donate in-kind, kindly email us at connect@adversityarchive.com

Filipino

The Ocean that Calms Itself

September 10, 2021

Bianca Mangahas

Translated by Heaven Danielle Homeres

Ang pakiramdam ng walang kasiguraduhan ay hindi talaga mapipigilan. Umiigting lalo ito ngayong nasa gitna tayo ng pandemya. Ang pakiramdam ng walang kasiguraduhan ay maaring magtulak sa iyong mag-isip ng mga malalang kaganapan at iiwanan ka ng walang katapusang katanungan sa kung ano mang susunod na mangyayari. At kaugnay ng mga katanungang ito, mayroong isang namumukod-tangi sa lahat, at ito ay: Paano mo nakakaya ito? 

Tulad ng karagatang may kakayahang pakalmahin ang sarili nito, maraming mga taong nakakakayanan ang pakiramdam na ito. Kabilang sa mga ito ay si Kuya Ariel mula sa Puerto Princesa, Palawan. 

 

Si Kuya Ariel ay isang 23 taong gulang na mangingisda mula pa noong taong 2013. Bilang isang taong nangingisda na walang taon na, naniniwala siyang ang pangingisda raw ay maaring mabigat, ngunit ito’y parang gantimpala kung ituring nito. 

“Mangingisda din po kasi ang tatay ko, kaya nung 15-16 years old pa lang ako, tinuruan na akong mangisda at maglaos. Aaminin ko na mahirap nga po mangisda dahil hindi naman kami nakakakuha ng mararaming isda araw-araw. Ngunit ito po yung source ng aming pera, kaya kapag walang isda, walang kikitain.

240944512_382958633226887_6759868034789833080_n.jpg

Sa sitwasyon ng COVID at mahigpit na mga protocol sa Pilipinas, hindi raw nito maiwasang mangamba nito sa trabahong mayroon siya dahil malinaw na nanganganib ang estado nito. Dahil sa mga pagbabago sa mga ipinatupad na panuntunan at social distancing sa Palawan, ang pagdadala ng mga kalakal sa ibang bahagi ng Pilipinas ay ipinagbabawal. Dahil dito, ang mga mangingisda’y nakapagbebenta lamang ng mga isda sa kanilang lugar sa mababang-mababang presyo. 

“Marami naman po kaming customers sa area namin. Yun nga lang po, hindi pa sapat yung kinakita namin dahil mababa talaga ang presyo dito sa Palawan. Bale 2-3 buckets po na isda ang napupuno namin. Kung ibebenta namin ito sa mga lokal, 60-70 pesos lang. Ngunit kung ibebenta ito sa ibang lugar kagaya ng Maynila at Iloilo, tumataas ang presyo hanggang 100 pesos.”

Maging ang masasamang panahon ay hindi rin nakapagpapanatag sa kalooban niya, lalo na ngayong madalas ang paghangin at pag-ulan kaya’t hindi nakapangingisda ng marami at delikadong pumalaot kapag ang kondisyon ay ganito. Ang pangamba at iritasyon ay parehong kapansin-pansin habang si  Kuya Ariel ay nagsasalita patungkol dito. 

 

Ngunit sa kabila ng mga ito, may inaabangan naman siyang dumating. Siya kasi’y kasal kay Lovely Ituralde, na ngayo’y apat na buwan ng nagdadalang tao. 

Nakatataba ng puso ang kalmado at matamis na paraan nito nang pagkukuwento. Kaniyang ibinahagi na kadalasan, siya’y pumapaalot ng halos dalawang linggo upang mangisda, kasama ang 12 pang kasamahang mangingisda. 

 “Namimiss ko naman yung asawa ko, pero para sa kanya ko ito ginagawa. Malapit lang naman ang bahay ng mga magulang ko sa bahay namin kaya inaalagaan nila siya kapag wala ako.”

Noong tinanong kung ano ang nakapagpapakalma sa kaniya sa kabila ng pandemya, binanggit niyang hindi na lamang niya ito iniisip. Ang pag-iisip na ito’y kaniya raw nabuo noong mga unang buwan ng lockdown. Ayon pa sa kaniya, nahirapan siyang i-proseso ang pagsisimula ng “new normal”. At dahil hindi pa tayo nakapupunta sa kahit saang lugar sa ngayon, ang mga kaisipang ito ang nakatatak sa kaniyang isipan: ang mga tulad ng kakulangan sa pundasyon (instability), ang hinaharap, at ang kaniyang trabaho na ngayo’y nanganganib. Hindi nito nagugusutuhan ang pakiramdam na iyon dahil mas lalo lamang siyang nag-aalala ng husto. 

 

Ngunit natutuhan niya rin kung paano haharapin ang mga kaisipang tulad ng mga ito. Kahit na ang mga iniisip niyang ito’y sumasagi pa rin sa kaniya, ayon sa kaniya, ang paggawa ng mga gawaing nakapagpapasaya sa kaniya’y nagpapatigil sa kaniya sa pag-iisip sa mga ito. Sa halip, ginugugol niya ang oras kasama ang asawa, sa paglalakad sa buhanginan, at maging sa paglangoy sa dagat. Mas pipiliin umano niyang gamitin ang oras sa paggawa ng mga gawaing iyon sa halip na magisip-isip ng mga bagay na wala naman siyang kontrol. Natanto niyang ang pagbibigay enerhiya sa pag-iisip ng mga problemang hindi naman niya maaayos ay mas lalong dumadagdag sa stress sa kaniya, at mas nanaisin niyang manatiling positibo kaysa negatibo lalo na sa mga panahong tulad nito. 

At nang itanong kung paano kami makatutulong sa kaniya at kaniyang komunidad, hindi agad ito nakasagot at isang mahabang tigil ang kaniyang iginawad sa amin. At dito’y aming napatunayang tunay ngang ayaw niyang magisip ng mga bagay-bagay. Matapos ang 15 segundo, ang isinagot niya’y ito: 

 

(Kahit anong naiisip ninyong tama o nararapat para sa amin. Ang hingi ko lang kay Lord at sa presidente ay sana matigil na ang COVID para bumalik ang buhay namin dati.)

“Anything you think is right or will be good for us. Ang hingi ko lang kay Lord at sa presidente ay sana matigil na ang COVID para bumalik ang buhay namin dati.”

Upang mag-subscribe, click here.

Upang magbigay ng mahigit pa sa 100 php, click here.

Para sa mga in-kind donasyon,

mag email po sa connect@adversityarchive.com 

bottom of page