top of page
Anchor 1

The People's Unsung Hero

August 17, 2021

Mykah Marquez

victor2 2.jpg

For many of us, the ocean is a chance to escape the hustle of modern day life and experience the immeasurable sense of peace we feel around water, yet for some, they are pulled into the life at sea, to learn the rhythm and the work put into being a fisherman. Fortunately, we were able to speak with Victor Tabigue who shares this same sentiment. 

 

Advantaged by their close proximity to the waters of Puerto Princesa, Palawan, Victor’s family took advantage of this opportunity. At the young age of 9, Victor’s father taught him everything he needed to know from harnessing equipment to navigating the water. “Since bata pa po ako natuto, mga 9-years-old, dahil sinasamahan ko maglaot yung papa ko noon.” (I learned fishing at 9 years old because I accompanied my dad to fish before.)

30 years later, fishing remains his primary source of income, but when asked if his dream is to pursue another livelihood he answered, “Talagang ito na po ang nagpapabuhay sa pamilya ko [pangingisda]. Pero lahat naman po tayo may pangarap at sa akin po talaga pag tinuloy ko ang aking pag-aaral pangarap ko talaga maging seaman. (Fishing is truly the only livelihood supporting my family. But, we all have dreams and, for me, if I got to continue my studies I’d dream of becoming a seaman.)

As the tides wait for no man, Victor’s day starts before the crack of dawn to begin his daily grind and yield his harvest. For many fisherfolks like Kuya Victor, their daily journey at sea is often accompanied by their fears of potential strong winds, dangerous natural disasters, and the overwhelming thought of sinking boats.

 

Overcoming the unpredictable and unsafe environment brought about by the monsoon season is what is necessary for Victor to sustain the needs of his family especially during the pandemic. 

 

“Naka depende po ang trabaho namin sa panahon, kung hindi po maganda ang weather talaga pong hirap kami makalaot lalo na sa panahon ngayon.” (My job depends on the condition of the weather, if it worsens then it is difficult for us to fish.) 

Despite the challenging and life-threatening terrors of fishing, Victor emphasized that his family is the heartbeat and the fuel to all his long and difficult days at work. Returning home to his wife and four children is, as he mentioned, his biggest inspiration and drive to work as hard as he does and to ensure a bright future for each and every single one of them. 

“Unang-una po ang inspirasyon ko sa buhay ay ang pamilya ko.

 

Sila ang inspirasyon ko na maging matatag ako sa sarili ko para may marating ako sa buhay para sa pamilya ko.”

 

(Firstly, my inspiration in my life is my family. They are what drive me to become stronger so that I can achieve greater things in life for my family.)

Remini20210815204536868.jpg

Learning and becoming aware of Kuya Victor’s life story has allowed me to gain a new perspective of the realities of most people. Shockingly, this man’s labor has not earned him an income worthy of all his unceasing hard work and passion. Earning between PHP500 to PHP1000 daily, Victor still has yet to split this with his fellow fishermen involved in that day’s journey. When I asked him if his livelihood is being affected by the issue in the West Philippine Sea he explained, “Hindi po kami nakakaabot sa lugar na yun kasi limitado lang po ako sa area ng Puerto Princesa, hindi na po kami lumalabas.” (We don’t reach places near the WPHSea because I am only limited to the Puerto Princesa area.)

So, what challenges do fishermen who are not affected by the WPHSea issue like Kuya Victor face? Without proper equipment, then, our fishermen are not able to carry out their livelihoods. As Kuya Victor mentioned, several locals have long been troubled by the crisis of insufficient funds to buy fishing equipment and apparatus posing a challenge for many families in Puerto Princesa, Palawan. To ensure that Kuya Victor’s voice as a fisherman will not go unheard or ignored, we, at Adversity Archive, urged him to express his sentiments to the government if given the opportunity. He said, 

“Sa amin po, kung may maitutulong po kayo sa amin sa linya namin na paglalambat, sana mabigyan kami ng kaunting tulong dahil marami sa amin ay wala ring natatanggap na tulong sa buhay. Bilang maliliit na mangingisda sana matulungan kami ng gobyerno dahil wala kaming mga boses at marami kaming gustong iparating.” (For us, if you are willing to help us fishermen, hopefully, you are able to provide aid to us and to others who have received no support all our lives. As small fishermen, we hope that the government will help us because we have no voices and we have a lot to convey.) 

Kuya Victor wishes that, one day, he is able to have more of his own fishing equipment such as a motor boat and fishing nets, if possible, through the aid of the government. With the current pandemic, we have directly witnessed how the work and service provided by our fisherfolks sustain important aspects of our daily lives. Let us not forget those who have dedicated their lives to fishing not only for their own families but also to feeding their fellow Filipinos.

 

Your action will truly show how we can create a better future for many fisherfolks just like Victor Tabigue—where they are appreciated and seen by the people they serve.

To subscribe, click here.

To donate more than 100 php, click here. 

If you would like to donate in-kind, kindly email us at connect@adversityarchive.com

Anchor 2

The People's Unsung Hero

August 17, 2021

Mykah Marquez

victor2 2.jpg

Sa karamihan, ang karagatan ay isang pagkakataong makatakas sa bilis ng takbo ng buhay at maranasan ang hindi masukat na kapayapaan na nararamdaman natin sa paligid ng dagat, ngunit para sa ilan, hinila sila sa buhay sa dagat upang matutunan ang ritmo at ang trabaho sa pagiging isang mangingisda. Sa kabutihang-palad, nakausap namin si Victor Tabigue na nagbahagi ng parehong saloobin. 

 

Dahil malapit sila sa baybaying dagat ng Puerto Princesa, Palawan, sinamantala ng pamilya ni Victor ang pagkakataong ito. Sa murang edad na 9, itinuro sa kanya ng kanyang ama lahat ng kailangan niyang malaman mula sa paggamit ng lambat hanggang sa paglalayag sa tubig. “Dahil bata pa po ako natuto, mga 9-years-old, dahil sinasamahan ko maglaot yung papa ko noon.”

 

Pagkalipas ng tatlumpung taon, ang pangingisda ay nananatiling pangunahing hanapbuhay ni Victor, ngunit nang tanungin kung ang pangarap niya ay mamasukan sa ibang trabaho ang sagot niya ay, “Talagang ito na po ang bumubuhay sa pamilya ko [pangingisda]. Pero lahat naman po tayo may pangarap at sa akin po talaga pag tinuloy ko ang aking pag-aaral pangarap ko talaga maging seaman.” 

Habang walang hinihintay ang alon ng karagatan, nagsisimula ang araw ni Victor bago sumikat ang araw upang simulan ang kanyang gawain at pangingisda. Para sa maraming mangingisda tulad ni Kuya Victor, ang kanilang pang-araw-araw na paglalakbay sa dagat ay madalas na sinasamahan ng kanilang mga takot sa malakas na hangin, mapanganib na kalamidad, at ang labis na pag-iisip ng paglubog ng kanilang bangka.

 

Ang pagtagumpay sa hindi mahuhulaan at hindi ligtas na kapaligiran na dala ng panahon ng tag-ulan ay ang kinakailangan para patuloy na  matugunan  ni Victor ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya lalo na sa panahon ng pandemya.

 

“Naka depende po ang trabaho namin sa panahon, kung hindi po maganda ang weather talaga pong hirap kami makalaot lalo na sa panahon ngayon.”

 

Sa kabila ng mapaghamong pagsubok na dala ng pangingisda, binigyang diin ni Victor na ang kanyang pamilya ay ang tibok ng puso at ang inspirasyon sa lahat ng kanyang mahaba at mahirap na araw sa trabaho. Ang pag-uwi sa kanyang asawa at apat na anak ay, tulad ng nabanggit niya, ang kanyang pinakamalaking inspirasyon at paghimok upang gumana nang masigla tulad ng ginagawa niya at upang makamit ang magandang kinabukasan para sa bawat isa sa kanila. 

“Unang-una po ang inspirasyon ko sa buhay ay ang pamilya ko.

 

"Sila ang inspirasyon ko na maging matatag ako sa sarili ko para may marating ako sa buhay para sa pamilya ko.”

Remini20210815204536868.jpg

Nabigyan ako ng bagong pananaw  sa realidad ng maraming Pilipino nang napag-alaman ko ang dinanas ni Kuya Victor. Nakakadismaya na hindi sapat ang kinikita ng mga tulad ni Kuya Victor sa pang-araw-araw sa kabila ng kanilang pagpapakahirap. Ang kita sa isang araw na pumapagitan sa Php 500 hanggang Php 1000 ay kailangan pang hatiin sa kapwa niyang mangingisda na kasama noong araw na iyon. Noong tanungin ko siya kung naaapektuhan ba ang kanilang hanapbuhay ng isyu sa WPSea, ipinaliwanag niyang, “Hindi po kami nakakaabot sa lugar na yun kasi limitado lang po ako sa area ng Puerto Princesa, hindi na po kami lumalabas.”

 

Kaya, anong mga hamon ang kinakaharap ng mga mangingisda na hindi apektado ng isyu ng WPHSea tulad ni Kuya Victor? Kung walang wastong kagamitan, ang ating mga mangingisda ay hindi maisasagawa ang kanilang kabuhayan. Tulad ng nabanggit ni Kuya Victor, maraming mga lokal ang matagal nang nababagabag ng krisis ng hindi sapat na pondo upang bumili ng mga kagamitan sa pangingisda na nagpapahirap sa maraming pamilya sa Puerto Princesa, Palawan. Upang matiyak na ang boses ni Kuya Victor bilang isang mangingisda ay maririnig at mapapansin, kami, sa Adversity Archive, ang  nag-udyok sa kanya na ipahayag ang kanyang damdamin sa gobyerno kung mabibigyan ng pagkakataon. Sinabi niya,

“Sa amin po, kung may maitutulong po kayo sa amin sa linya namin na paglalambat, sana mabigyan kami ng kaunting tulong dahil marami sa amin ay wala ring natatanggap na tulong sa buhay. Bilang maliliit na mangingisda sana matulungan kami ng gobyerno dahil wala kaming mga boses at marami kaming gustong iparating.”

Nais ni Kuya Victor na, isang araw, magkaroon siya ng higit sa kanyang sariling kagamitan sa pangingisda tulad ng bangkang de motor at lambat, kung maaari, sa pamamagitan ng tulong ng gobyerno. Sa kasalukuyang pandemya, direkta nating nasaksihan kung paano ang gawain at serbisyo na ibinibigay ng ating mga mangingisda ay nagpapanatili ng mahahalagang aspeto ng ating pang-araw-araw na buhay. Huwag nating kalimutan ang mga nag-aalay ng kanilang buhay sa pangingisda hindi lamang para sa kanilang sariling pamilya kundi pati na rin sa pagpapakain sa kanilang kapwa Pilipino.

Ang iyong pagkilos ay tunay na magpapakita kung paano natin malilikha ang isang mas mahusay na bukas para sa maraming mangingisda tulad ni Victor Tabigue — kung saan sila ay pinahahalagahan at nakikita ng mga taong pinaglilingkuran nila.

Upang mag-subscribe, click here.

Upang magbigay ng mahigit pa sa 100 php, click here.

Para sa mga in-kind donasyon, mag email po sa connect@adversityarchive.com 

bottom of page