top of page
English

The One Road of Constant Uncertainty

August 5, 2021

Juliana Gatapia

One can imagine life as a long winding road with millions of other roads branching off in many directions. However for Jason Caspe, a Filipino fisherfolk in Palawan, he seems to have less of a choice than we think. Ironically, being a fisherman, the most important aspect of his life, and his main source of income, is anything but a choice. Options are restricted in the remote western province of Palawan, at least for islanders with no degrees or skills outside everyday island life. With poverty being widespread in Palawan, limited opportunities are given to the children. One of these opportunities is being part of a fisherfolk community starting from their youth. 

"Tiyaga-tiyaga nalang po eh. Oo, masaya naman ako, pero tiis nalang po kasi mahirap na rin ang buhay"

(“We just have to persevere. Yes, I am happy, but I just have to bear with it because life is hard”), Jason said.

When asked about what his everyday life looks like, Jason explained how he doesn't do anything different from the day before. He added, "Paulit-ulit lang ginagawa namin araw-araw. Mangingisda sa  umaga hanggang hapon, pag-uwi ko, magpahinga agad para sa susunod na araw. Wala masyadong nagbabago" (“We do the same thing everyday. We fish from morning to late afternoon, when I come home, I immediately rest for the next day. Nothing really changes.”).

231905259_441247830267289_4047589207938895481_n.jpg

The feeling of being unmotivated from following the same routine everyday since he was 17 years old, is not unfamiliar to Jason. Even from his hardships, Jason remains determined with his main focus being providing for his and his family’s needs while enduring the difficult time. This became one of the many ways he copes with these challenges as he faces the added hardships of being a fisherman during the COVID-19 pandemic.

Because of the long hours of work, the 29-year-old finds comfort in fishing alone, near the land, to catch more fish just for him and his family to eat. He explained that not only does this help him earn more for himself, but it also gives him the peace of mind that he needs after the many hours he spends in the sea with 11 fishermen on the same boat. Additionally, hardworking peers also help make Jason feel less stressed about the uncertainties of his job (weather conditions, the limited amount of fish caught that day, etc.)

"Pag mahirap ang ginagawa para sa iyong pamumuhay, malungkot pa rin"

(“When you do something difficult for your lifestyle, it’s can still feel lonely”).

One of the challenges Jason and his peers have to face regularly is the presence of the Chinese Coast guard going around the Philippine border as if the Chinese are protecting something that's theirs. The constant fear the fishermen face on a daily basis is whether or not these coast guards will affect their job of getting fish in the area.

While on the topic of the West Philippine Sea, Jason shared his thoughts by simply repeating,

"Wala naman kaming ginagawa o pwede gawin kundi mangisda pag may Chinese coast guard dumaan sa hindi pwede daanan”

(“We don’t and can’t do anything other than to fish whenever a Chinese coast guard passes by the area they’re not allowed to pass”).

232890910_1647585855436227_4673943984571795343_n.jpg

Jason reiterates how difficult fishing could be sometimes with the Chinese coast guard present in the border area. Most of the time, however, he and his peers simply ignore this considering that this has been an issue for a very long time. Other than the Chinese coast guard, Jason also mentioned that he also encounters the Vietnam and Taiwan boats. "Wala namang ginagawa ang Vietnam at Taiwan kasi nangingisda rin sila sa sarili nilang lugar parang kami." (“Vietnam and Taiwan aren’t doing anything because they are fishing in their own place like we are”), Jason said. 

He explained that between the Chinese, Vietnam, and Taiwan, he and his peers feel more intimidated by the Chinese. This is because of the long history of China making aggressive actions towards the Philippines by damaging the marine life of the West Philippine Sea area -- vandalizing and destroying such marine life (ie. vandalizing and destroying coral reefs).

When asked about his thoughts on President Duterte's actions towards the West Philippine Sea issue, he shared that he doesn't regularly listen or read about President Duterte's speeches and intentions on the situation. Although Jason, along with some of his peers, mentioned how unaware they are of the Duterte administration and how they are handling the situation with the Chinese coast guards, he never ceases in hoping for the Chinese to stop sailing around the sea. He even mentioned how he wants them to completely disappear as they are oftentimes in the way of the main fishing areas for the Filipino fishermen. 

231821310_901047384102659_8424993701809689077_n.jpg

All of the potential and the positive contribution of small-scale fishermen are threatened by a series of problems, even lately under the guise of the COVID-19 pandemic. Marine life has benefited the local communities of the Philippines for many years, and it has now become even more urgent for us to hear the Filipino fisherfolks' voices and spread their stories.

 

Jason’s story is an example of the constant uncertainty and fear present in the daily lives of our fellow Filipino fishermen. Even though these fishermen continue to find positivity in whatever challenge or obstacle comes their way, this shouldn’t be used as a reason to tolerate negligence. Why should our fishermen have to just accept these issues and challenges from the government? Shouldn’t we be demanding more from the Duterte administration?

To subscribe, click here.

To donate more than 100 php, click here. 

If you would like to donate in-kind, kindly email us at connect@adversityarchive.com

Filipino

The One Road of Constant Uncertainty

August 5, 2021

Juliana Gatapia

Translated by Kyle Uy Cana

231905259_441247830267289_4047589207938895481_n.jpg

Madaling isipin na ang buhay ay katulad ng isang landas na may kadugtong pang paikot ikot na daan, maiingay na interseksyon o masisikip na eskenitang mapagpipiliang tahakin ng isang manlalakbay subalit hindi ganito ang situwasyon para kay Jason Capre. Ang pinakaimportanteng aspeto ng kanyang buhay ay ang panghuhuli ng mga lamang dagat. Ito rin ang kanyang panugunahing pangkabuhayan. Gayunpaman ay pawang kabalintunaan ang nararamdaman at nararanasan ni Jason. Para sa mga katulad niyang nakatira sa malayo kanlurang parte ng Palawan, wala gaanong mapagpapasukang trabaho, lalo na para sa mga mamamayang hindi nakapagtapos ng kanilang pag-aaral. Dahil sa matinding kahirapan sa komunidad, hindi sapat ang mga pagkakataong naibibigay sa mga bata. Dahil dito,  sinungaban na lamang nila ang pangingisda noong kabataan pa lamang.

"Tiyaga-tiyaga nalang po eh. Oo, masaya naman ako, pero tiis nalang po kasi mahirap na rin ang buhay," Jason said.

Nang itinanong kay Jason ang kanyang pang araw-araw na pamumuhay, aniya niya na halos walang pagbabago ang kanyang mga araw mula sa mga naglipas na araw. Idinagdag pa niya, 

“Paulit-ulit lang ang ginagawa namin araw-araw. Mangingisda nang umaga hanggang hapon, pag-uwi ko, magpahinga agad para sa susunod na araw. Wala masyadong nagbabago.”

Ang pakiramdam ng kabiguan buhat ng paulit ulit na gawain ay hindi bago para sa mangingisda. Kahit mahirap pa man ang kanyang pangkabuhayan, disidido siyang magtrabaho upang maihain ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya. Ito ang naging dahilan upang makayanan niya ang mga pagdurusa at karagdagang paghihirap buhat ng pandemyang COVID-19.

Dahil sa haba ng oras ng kanyang trabaho, sa paglipas ng panahon ay naging kanlungan ng 29-taong gulang ang paghuli ng isda nang mag-isa sa tabing dagat. Ipinaliwanag niya na hindi lamang ito ginagawa upang mapakain ang kanyang pamilya kundi para rin maranasan ang yakap ng kapayapaan pagkatapos ng pagsakay sa isang bangka kasama ang labing-isa pang mga tao. Bukod pa rito, ang presensya ng kanyang mga kapwa mangingisda ay nagpapagaan ng kanyang dibdib at nagpapawi ng mga balisa tungkol sa mga kawalang katiyakang pangyayari tulad ng kalagayan ng panahon at bilang ng nahuhuling isda. 

"Pag mahirap ang ginagawa para sa iyong pamumuhay, malungkot parin."

Isa sa mga paghamon na hinaharap nina Jason at ng kanyang mga  kaibigan ay ang madalas nilang pagsalubong sa mga Tsinong guwardiyang pandagat. Ang mga guwardiyang ito ay pumapalibot sa teritoryo ng Pilipinas, kung saan nangingisda sina Jason. Naliligalig ang mga mangingisda sapagkat hindi nila alam kung makaaapekto man ito sa kanilang pangkabuhayan. Habang nasa usapan ukol sa West Philippine Sea, ibinahagi ni Jason ang kanyang kaisipan,

 

“Wala naman kaming ginagawa o pwede gawin kundi mangisda pag may Chinese coast guard dumaan sa hindi pwede daanan.” 

Muling isinaad ni Jason ang nararanasan nilang pagsubok dahil sa pag-ikot ng mga Tsinong nagbabantay sa pagitan ng lupain ng Pilipinas. Maski ganoon man ang kanilang hinaharap, malimit ay hindi na lamang nila ito binibigyang pansin sapagkat ito ay matagal nang suliranin. Maliban sa mga Tsinong tagabantay, nasasalubong din ng mga Pilipinong mangingisda ang mga bangka ng Vietnam at Taiwan. Angiya ni Jason, "Wala namang ginagawa ang Vietnam at Taiwan kasi nangingisda rin sila sa sarili nilang lugar parang kami."

231821310_901047384102659_8424993701809689077_n.jpg

Sa lahat ng mga natagpuang bangka kinakabahan sila sa mga bangkang galing sa Tsina. Ito ay dahil sa mga mapusok na pakikitungo ng Tsina sa Pilipinas. Nakikita ito sa pagsira nila ng yaman pandagat sa bandang parte ng West Philippine sea. Halimbawa na lamang ay ang vandalizing at pagkasira ng buhay ng dagat.*

Nang itinanong ang kanyang pananaw tungkol sa mga reporma ni Pangulong Duterte ayon sa isyu ng West Philippine Sea, inamin ni Jason na hindi siya madalas na nakikinig sa balita o nagbabasa ng diyaryo tungkol sa mga talumpati o balak ng pangulo. Ni mga kaibigan ni Jason ay hindi nakasusubaybay sa mga plano ng gobyerno at kung paano nila inaasikaso ang isyung panlipunan. Gayunpaman, patuloy pa ring pinanghahawakan ni Jason ang kanyang pangarap na balang araw ay aalis din ang mga bangka ng Tsina. Dagdag niya ay nais niyang mawala na ang mga ito sapagkat kadalasan ang pagsakop nila ng lugar na pinangingisdaan ng mga Pilipino ay nagiging sagabal na.

232890910_1647585855436227_4673943984571795343_n.jpg

Ang pagsisikap at positibong kontribusyon ng maraming mangingisda ay nadadali sa pagsulpot ng iba’t ibang hadlang, lalo na sa paglitaw ng pandemyang COVID-19. Ang yamang dagat ay kabilang sa mga nagbibigay pangkabuhayan sa maraming Pilipino subalit sa ngayon ay mas kinakailangan pang maibunyag at pakinggan ang mga dinaranas ng mga Pilipinong mangingisda. Kailangang marinig ang kanilang boses at isiwalat ang kanilang pinagyamang istorya bilang isang mangingisda sa siglong ito.

Ang kuwento ni Jason ay isang halimbawa lamang ng walang hanggang takot at pagkabalisa sa buhay ng ating mga kababayang mangingisda. Bagaman pinipilit na lamang nilang tingnan ang kanilang pagdurusa at paghihinagpis sa positibong pananaw, hindi ito dapat maging dahilan na tanggapin na lamang ang kapabayaan ng liderato. Nararapat bang tanggapin na lamang ng ating mga mangingisda ang kakulangan ng ating gobyerno? Sumasangayon ba kayo sa kasalukuyang hinaharap ng ating mga kababayan buhat ng isyu sa West Philippine Sea?

Upang mag-subscribe, click here.

Upang magbigay ng mahigit pa sa 100 php, click here.

Para sa mga in-kind donasyon, mag email po sa connect@adversityarchive.com 

bottom of page