top of page
English

Through the Eyes of an Enlightened Woman

July 16, 2021

Mykah Marquez

There is a saying that it takes a village to raise a successful person yet, Ivy is determined to be the change within her tribe and prove that sometimes it takes an enlightened woman to raise a village. The 21-year-old Ivy Haba is a woman whose profound passion for self-discovery and the understanding of one’s psyche drove her to pursue AB Psychology at the Mindoro State University. Being the fourth child among nine siblings being raised in the remote community of the Mangyan Tadyawan tribe in Oriental Mindoro, this was all she thought her life would be confined to. 

 

Back in elementary, she was satisfied and accustomed to the simple lifestyle in the mountains. Accompanying her mother daily to search for food to be laid on the table and wood to be utilized for her home, Ivy developed a longing to venture beyond the familiar. Though nothing came easy for her and her family, she remained determined to finish high school with the support of her loved ones. And, through the help of The Ezer Foundation, she was offered a life-changing opportunity to study at a university and work closer toward her goal of being a psychologist. 

“Doon umikot ang buhay ko, kasi sa bundok walang Wifi o Facebook. Dito ako natutong paano makisalamuha sa iba’t ibang mga tao at dito ko rin talagang nalaman kung paano maging totoong estudyanteng Pilipino.”
(That was when my life turned around partly because we had no Wifi or even Facebook in the mountains. This was where I learned how to socialize with different people and truly learn how to become a Filipino student.)

IMG_4191_edited.jpg

Due to their limited and restricted environment, some members of the tribal community end up setting low expectations for their future. Ivy sees how this causes many of her peers to be undetermined to continue and complete their education. Aware of this disheartening reality in her community, Ivy endeavors to bring change and create a new and positive environment not only for the indigenous youth but for the entire Mangyan community. 

 

“Gusto ko maging good example sa mga katutubo na maging pursigidong tapusin ang kanilang pag-aaral at magkaroon ng magandang buhay. Kaya ko po pinili ang Psychology para matutunan kung paano intindihin ang kanilang mga isip at baguhin ang kanilang mga ugali.”

(I want to become a good example for my fellow tribal community to continue their education and have a better future. That’s why I chose to pursue Psychology to learn more about a person’s mind and learn how to change their attitudes.)

 

But one might wonder, how does this young woman stay motivated and driven? During the course of the interview, Ivy never fails to attribute what she has achieved to God. Through church worship and unending prayer, she owes all her success and blessings to none other than God, Himself. 


“Narealize ko sa sarili ko na kung wala ang Diyos hindi ko maabot kung anuman ang meron ako ngayon. Napakaimportante Niya sa akin dahil binubuo talaga ng Panginoon ang pagkatao ko.”

(I realized that without God I would not have achieved anything that I have now. He is so important to me because He molded me into the person I am today.)

With Betta Silverio as her mentor and role-model, she is inspired to become just like her and give counsel and guidance to the youth. Though some would dream to leave the province and seek better opportunities in the city, Ivy is dedicated to contributing back to her community. 

“Pangarap ko po talagang makatulong sa amin at magtayo ng center o programa para turuan ang aking mga ka-tribo at hikayatin silang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.”

(It is truly my dream to be of help to my community and build a center or program that teaches and encourages the katutubo and the youth of my tribe to continue and finish their studies.) 

One day she hopes to bring about impactful change in her community, in the meantime, she remains inspired and in awe of the many other positive qualities of the Mangyan tribe that are unseen by those who live outside the confines of the mountains. Qualities of unity and camaraderie comprise what Ivy describes as the spirit of “bayanihan.” While the Mangyan katutubo are known for their out-of-the-ordinary rituals and traditions, Ivy wishes that people can be more informed of the true wonders and the personal stories of people in her tribe. The Adversity Archive works to emphasize the voices of people like Ivy, and bring forth their stories of success, struggles, and triumph. 

 

If this story resonates with you, we invite you to take part in our mission.

To subscribe, click here.

To donate more than 100 php, click here. 

If you would like to donate in-kind,

kindly email us at connect@adversityarchive.com

To sponsor the college education of a Mangyan student for 30,000php/year, click here.

Filipino

Sa mga Mata ng Isang Mulat na Babae

July 16, 2021

Mykah Marquez

May kasabihan na upang mapalaki ang isang matagumpay na tao kinakailangan ang buong tulong ng isang barangay, ngunit para kay Ivy, siya ay determinadong maging pagbabago sa kanyang tribo at patunayan na minsan kailangan lamang ng isang mulat na babae para matulungan ang buong barrio. Ang 21-taong-gulang na si Ivy Haba ay ang babae na ang malalim na pagkahilig sa paksa ng pag-unawa sa pag-iisip ng tao (Psychology) at sa pagtuklas ng sarili ay ang nag-udyok sa kanya para pag-aralan ang AB Psychology sa Mindoro State University. Bilang pang-apat na anak sa siyam na magkakapatid, sa kanyang pagkalaki sa malayong pamayanan ng tribong Mangyan Tadyawan sa Oriental Mindoro ay inakala niyang ito ang paraan ng pamumuhay na habang buhay niyang mararanasan.

 

Noong siya’y elementary, si Ivy ay nasanay at nakontento sa simpleng pamumuhay sa bundok. Kasama ang kanyang ina araw-araw upang maghanap ng pagkain na mailalagay sa mesa at kahoy na gagamitin para sa kanyang tahanan, hinahangad ni Ivy ang buhay higit pa sa kanyang nakasanayan. Bagaman walang naging madali sa kanya at sa kanyang pamilya, nanatili siyang determinado para tapusin ang high school sa suporta ng kanyang mga mahal sa buhay. At sa tulong ng The Ezer Foundation, nabigyan siya ng malaking pagkakataong baguhin ang kanyang buhay at mag-aral sa isang unibersidad para maging psychologist. 

“Doon umikot ang buhay ko, kasi sa bundok walang Wifi o Facebook. Dito ako natutong paano makisalamuha sa iba’t ibang mga tao at dito ko rin talagang nalaman kung paano maging totoong estudyanteng Pilipino.”

IMG_4191_edited.jpg

Habang ang ilang miyembro ng kanyang tribo ay mababa ang inaasahan para sa kanilang kinabukasan dahil sa kanilang limitado at restricted na kapaligiran, nakita ni Ivy ang mga ka-tribo niyang nagdududa sa pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral. Nang makita ang problema sa kanyang pamayanan, nangangako si Ivy na lumikha ng isang bago at positibong kapaligiran, hindi lamang para sa mga katutubong kabataan ngunit para din sa natitirang pamayanan ng Mangyan. 

 

“Gusto ko maging good example sa mga katutubo na maging pursigidong tapusin ang kanilang pag-aaral at magkaroon ng magandang buhay. Kaya ko po pinili ang Psychology para matutunan kung paano intindihin ang kanilang mga isip at baguhin ang kanilang mga ugali.” 

 

Ngunit maaaring magtaka ang isang tao, paano nananatiling positibo at pursigido si Ivy? Sa oras ng kanyang panayam, hindi kailanman nakalimot is Ivy na ialay ang lahat ng kanyang nakamit sa Diyos. Sa pamamagitan ng pagsamba at walang katapusang pagdarasal, utang niya ang lahat ng kanyang tagumpay at pagpapala sa walang iba kundi ang Diyos na Maykapal.

 

“Narealize ko sa sarili ko na kung wala ang Diyos hindi ko maabot kung anuman ang meron ako ngayon. Napakaimportante Niya sa akin dahil binubuo talaga ng Panginoon ang pagkatao ko.” 

Dahil naging tagapagpayo at tagapagturo ni Ivy si Betta Silverio, siya ay pursigido maging katulad niya at payuhan ang kabataan. Kahit na ang ilan ay nangangarap na umalis sa lalawigan at maghanap ng mas magandang pagkakataon sa lungsod, inialay ni Ivy ang kanyang buhay upang makapag-ambag pabalik sa kanyang pamayanan at tribong Mangyan Tadyawan.

“Pangarap ko po talagang makatulong sa amin at magtayo ng center o programa para turuan ang aking mga ka-tribo at hikayatin silang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.” 

Habang umaasa siyang balang araw ay makapagbibigay siya ng makabuluhang pagbabago sa kanyang pamayanan, ang kanyang pagkamangha sa iba’t ibang positibong katangian ng tribo ay nananatili dahil ang mga ito ay madalang nakikita ng mga tao sa labas ng mga bundok. Ang mga katangian ng pagkakaisa at pagkakaibigan ay binubuo ng inilarawan ni Ivy bilang diwa ng "bayanihan." Habang ang mga Mangyan katutubo ay kilala sa kanilang mga out-of-the-ordinary na ritwal at tradisyon, nais ni Ivy na mas magkaroon ng kaalaman ang mga tao tungkol sa totoong istorya at mga personal na kwento ng mga tao sa kanyang tribo. At dito, sa the Adversity Archive, inaasahan namin mabigyang-diin ang mga tinig ng boses ng mga katutubo sa iba’t ibang tribo at ibahagi ang kanilang mga kwento ng pakikibaka at tagumpay. 
 

Kung ang kwentong ito ay tumutunog din sa iyo, inaanyayahan ka naming sumali sa aming misyon.

Upang mag-subscribe, click here.

Upang magbigay ng mahigit pa sa 100 php, click here.

Para sa mga in-kind donasyon, mag email po sa connect@adversityarchive.com 

Upang i-sponsor ang kolehiyo ng isang mag-aaral na Mangyan  sa halagang 30,000php, click here.

bottom of page