top of page
English

What Luck Lacks

August 9, 2021

Anya Lopera

There is an age-old phrase that simply goes: “a stroke of luck.” While we may normally use it to describe situations like meeting a celebrity or things like a rabbit’s foot, Teodoro Cavite paints a picture of his tumultuous life as a fisherman and the times he had his own little strokes of luck—and when he needed it most. 

 

At 49, Teodoro’s main focus is serving his family of 8. Immediately, he makes it clear that he not only enjoys fishing, but values it as his main source of livelihood and earnings. For him, fishing is beyond a hobby or source of enjoyment: it's a job he’s been doing since he was young. He came from and is settled into a family of fisherfolk, usually making weeklong trips far out to sea with a range of companions.

Last year, however, Teodoro suffered from a serious injury involving the gas on his boat. This heavily affected him and his family, rendering him unable to fish for the time being. He shared, on an optimistic note, that he would only need to wait three months more before returning to fishing.

213353141_1408313569549899_1849118577247609720_n (1).jpg
211403580_629718401325256_4648197832053540777_n.jpg

He also told the story of his two-day separation from his boat: after he found the waves too big to board, he floated on a smaller raft for over 50 hours before being able to spot a safe boat. In both of these situations, Teodoro called himself lucky and thanked God for His presence then.

 

While it’s worth praising, for Teodoro, luck is not all it’s made out to be; in fact, it’s not nearly enough. Luck falls short in situations like what Teodoro’s community has been suffering through for years.

 

Teodoro shared his thoughts on the West Philippine Sea issue—that it is our country’s, that nothing can justify the amount of Chinese coast guards manning the area, and that the President’s statements on this issue are vague. His community first noticed the presence of the vessels as far back as the 1980’s, with their looming ships nearing each year, unrelenting until now. 

 

Today, there is constant fear among the fisherfolk that they feel whenever they’re too close, often having to flee to avoid

getting shot at, or hurt further.

Teodoro’s injury, in addition to the heavy presence of the Chinese there, have caused his earnings to shrink significantly. He shared that this greatly discouraged him and his family, both in terms of finances and moral stamina.

Teodoro and his wife, Ate Fe, are both steadfast in their belief to think twice about voting in 2022. Answers and actions from the President are important to them — as they stated, they don’t want just spokesperson Harry Roque giving statements that are, on top of it all, vague and incomplete. It is more than just wanting: they need answers, they need action; they are standing up for their fellow fisherfolk who have been provoked by the Chinese under the guise that it was an “accident”—when it’s obviously not. Ate Fe even shared that they did not vote for our current President during the previous elections, and that they don’t want anybody to be making a similar mistake. The fisherfolk who enter the West Philippine Sea often need to back off even if they’re not provoked, because their defenses are weak against China’s. 

 

Despite his statement that they have to brave this because it’s their job, Teodoro admits he does not enjoy the fear and danger that come with it. “Ganon talaga ang hanapbuhay namin (That's really how our job is),” he shares, but also expresses how he misses the absence of fear in his job before the coast guards arrived—a long time ago. 

211298249_174638168057716_2495986271112367973_n.jpg

Now they fear a day when they may wake up to the news that the Philippines is under China, which, in today’s political climate, doesn’t seem so far-fetched anymore.

 

One thing is clear: luck is not what he or his fellow fisherfolk need. After all, it is firm action and not a four leaf clover that will end the turmoil going on in the West Philippine Sea.

To subscribe, click here.

To donate more than 100 php, click here. 

If you would like to donate in-kind, kindly email us at connect@adversityarchive.com

Filipino

Ang Kinukulang ng Swerte

August 9, 2021

Anya Lopera

Translated by Yvette Capellan

Mayroong pang-matagalang parirala na sinasabi “a stroke of luck”. Habang kadalasan ginagamit ito sa mga sitwasyon kung saan nakakilala tayo ng mga kilalang tao, ang paa ng kuneho, o iba pa, ang imahe na pinipinta ni Teodoro Cavite ng buhay niyang puno ng gulo bilang isang mangingisda at ang mga himala na biniyayaan siya ng sarili niyang sandali ng swerte, ang sarili niyang “stroke of luck” sa mga oras na pinaka kailangan niya.

 

Sa edad ng 49, ang pangunahing tutok ni Teodoro ay ang paglilingkod sa kanyang  pamiya niya na 8. Kaagad niyang pinaliwanag na di lamang siya nasisiyahan sa  pangingisda niya, pero pinagmamalaki rin niya bilang kanyang pinagkukunan ng kita. Para sa kanya, ang pangingisda ay di lamang libangan: ito ay ang trabaho niya mula  noong siya ay bata pa. Siya ay nanggagaling sa pamilya ng mga mangingisda, karaniwang  naglalakbay ng isang linggo  sa malayong  dagat kasama ang isang hanay ng mga kasama.

 

Gayunpaman, sa nakaraang taon, si Teodoro ay nagtamo ng malubhang pinsala na kinasasangkutan. Ang pinsalang ito ay lubos na nakakaapekto kay  Teodoro at sa kaniyang pamilya,   dahil di siya puedeng  mangisda sa kasalukuyan. Gayunpaman, inilahad niya na kailangan lang niya maghintay ng tatlong buwan bago siya makabalik sa pangingisda.

213353141_1408313569549899_1849118577247609720_n (1).jpg
211403580_629718401325256_4648197832053540777_n.jpg

Kinuwento  rin niya ang kanyang  karanasan noong nahiwalay   siya ng dalawang araw mula sa kanyang bangka: pagkatapos niyang makita ang napakalaking mga  alon  at di na siya makasakay muli sa bangka niya siya’y lumutang sa isang maliit na balsa sa loob ng higit 50 oras bago siya  muling  nakatagpo   ng bangka na nagligtas sa kanya. Sa tingin ni Teodoro, napakaswerte niya na nakaligtas siya at nagpapasalamat siya sa Panginoon sa tulong niya noong mga araw na iyon. 

 

Habang ito ay nagkakahalaga ng papuri, para kay Teodoro, ang swerte na ito ay di sapat kapag isinasaalang-alang natin ang iba pang mga sitwasyon tulad ng kung ano ang pagdurusa ng pamayanan ni Teodoro sa loob ng maraming taon

 

Ibinahagi rin ni Teodoro ang kanyang mga saloobin sa nagpapatuloy na isyu ng West Philippine Sea— na ang Pilipinas ang nagmamay-ari nito at walang katwiran na maaaring   maibigay ukol sa dami ng mga  tanod baybayin ng Tsino na namamahala sa lugar. Ibinabahagi rin niya na ang mga pahayag ng Pangulo tungkol sa isyung ito ay hindi malinaw. Unang napansin ng komunidad ang pagkakaroon ng mga sasakyang-dagat noong 1980's, na palapit ng palapit ang mga barko bawat taon, na walang tigil hanggang ngayon. 

Sa kasalukuyan, takot ay natatanim sa mga puso ng mga mangingisda lalo na tuwing lumalapit ang mga barko, madalas na kinakailangan na mag-ingat upang maiwasan na mabaril, o masaktan pa.

Ang pinsala ni Teodoro, karagdagan pa sa presensya ng mga Tsino dito, naging sanhi ito  ng malalang  pagbagsak ng kanyang kita. Ibinahagi niya na ito ay nagiging sanhi ng labis  na panghihina ng loob niya at ng kanyang pamilya,  Di lang ang  kanilang kita ang naapektuhan, kundi pati ang tibay ng loob nila ay lubos na naapektuhan. 

 

Si Teodoro at ang asawa niya, si Ate Fe, ay parehong matatag sa kanilang paniniwala na pag-isipan ng mabuti kung sino ang iboboto nila sa 2022. Ang mga sagot at aksyon na nakukuha nila mula sa Pangulo ay mahalaga para sa kanila—ayaw nila na yung tagapagsalita lamang na si Harry Roque and nagbibigay ng pahayag.  Sa pananaw nila ang lahat ng mga pahayag na ito  ay malabo at hindi pa kumpleto. Ito ay higit pa sa pagnanais: ang kailangan nila ay mga sagot, kailangan nila ng aksyon; sila ay naninindigan para sa kanilang kapwa mangingisda na   napukaw ng mga Tsino sa ilalim ng pagkukunwari na ito ay isang “aksidente” na halatang hindi naman

211298249_174638168057716_2495986271112367973_n.jpg

Ibinahagi pa ni Ate Fe na hindi sila bumoto para sa ating kasalukuyang Pangulo noong nakaraang halalan, at ayaw nilang maulit ang mga pagkakamali na nagaganap ngayon.   Ang mga mangingisda na pumapasok sa West Philippine Sea ay madalas na umaatras kahit na hindi sila napukaw, sapagkat mahina ang kanilang depensa laban sa China. 

 

Sa kabila ng pahayag niya na kailangan nila maglakas-loob sapagkat ito’y trabaho nila, inaamin ni Teodoro na hindi niya nasisiyahan sa pangangamba  at panganib na kasama nito. “Ganon talaga ang hanapbuhay namin,”, ibinabahagi niya, ngunit ipinapahayag din ni Teodoro kung paano niya namimiss ang kawalan ng takot sa kanyang trabaho bago dumating ang mga guwardiya sa baybayin.

 

Ngayon ay natatakot sila na maaari silang magising isang araw,  sa balita na ang Pilipinas ay nasa ilalim na ng Tsina. , Sa klima ng pampulitika ngayon, ay tila hindi na gaanong malayo na mangyari yon.

Isang bagay ang malinaw: hindi swerte ang kinakailangan niya o ng kapwa niyang mga mangingisda. .  Kailangan ang matatag at mapagpasiyang  pagkilos at hindi isang apat na dahon ng klouber ang tatapos sa  kaguluhan na nagaganap sa West Philippine Sea.

Upang mag-subscribe, click here.

Upang magbigay ng mahigit pa sa 100 php, click here.

Para sa mga in-kind donasyon, mag email po sa connect@adversityarchive.com 

bottom of page