Working for the Craftsman : Ernesto and Luisa Nerizon
January 15, 2021
Lorenzo Ortega
Is it not ironic that the people who cultivate and harvest our food are the hungriest among the country’s population. Filipino farmers remain one of the poorest sectors in the country. To understand its root problem, we need to go deeper into Philippine history, corruption surrounding the agricultural sector, political oppression, terrible trade deals and many others. But that’s going beyond the heart of our story. This story is a celebration of two truly remarkable farmers -- Lusia Nerizon and her son, Ernesto (Ernie) Nerizon. Irrepressible and proud farmers from Pangasinan.
Luisa’s parents were farmers all their lives. It is the same legacy that was passed on to her, and now, to her seven children who all have helped her in the farm. At an early age, Luisa’s children were exposed to the hardships and harsh realities of farming. To make ends meet, her children had to work as construction workers on top of the already arduous tasks in the farm. One of Luisa’s children, Ernie, a 2nd-year Agriculture college student and the youngest, is not exempted from the demands of the work on the farm. While most college students would spend their free time hanging out with friends or streaming Netflix shows, Ernie’s time outside school is spent entirely helping his mom on the farm. This has been his daily routine ever since and he has not complained - not even once. His determination to rise above their circumstance is seen in how he views education.
“Ang nagtutulak sa akin na ipagpatuloy ang laban ay ang pag-aaral kasi edukasyon lamang ang solusyon sa problema kaya ito ang lagi kong iniisip. Sa panahon ngayon, kung wala kang pinag-aaralan, talagang palubog ka kaya pinagsisikapan ko itong makapagtapos ng pag-aaral” (I see education as the only solution to the problem and that’s what constantly occupies my mind to move forward, to fight on. In this time, if you have no education, you will surely go down the drain and that’s why I work hard to finish my studies).
When the pandemic reached the provinces, life became more challenging for Ernie and his family. His siblings lost their jobs and the work in the farm became more taxing. At 65, Luisa can’t work as much as she could because of government restrictions banning certain age groups to freely roam around. “Yung pagsubok na hinarap namin sa pandemiya ay yung nawalan ng trabaho mga kapatid ko tapos talagang naghirap kami kaya napalaban sa bukid” (The challenge I faced in this pandemic was when my siblings lost their jobs and that really brought a lot of hardships, so we all needed to work harder in the farm).
Despite the hardships, Ernie was determined to continue his education. In the face of great adversity, Ernie sought out opportunities to pursue his education and through his unflinching resolve, he found For Our Farmers (https://forourfarmers.com/) - a non-profit organization which started as a donation drive initiative to help farmers that were greatly affected by the pandemic. Through its For Our Farmers Scholarship (FOFS) which assists farmers and farmer’s children with their education, Ernie was able to pursue his studies during the pandemic. FOFS provided him a scholarship, grocery items, school supplies and a gadget to continue his education online. “Taos puso akong nagpapasalamat sa For Our Farmers sa binigay nilang tulong sa katulad kong magsasaka” (My most heartfelt gratitude for For Our Farmers for the help they have given for farmers like me, shares Luisa).
While most of the next generation farmers leave the provinces to abandon the life of farming to seek pallid professions in the city for a higher pay, Ernie vows to use his education in Agriculture as a tool for something, hopefully useful to his fellow farmers. “Pangarap ko talaga maging agriculturist po para naman po matulungan ko po yung ibang mga magsasaka dito sa amin, para mapaunlad pa nila ang kanilang kaalaman sa bukid, ganun po.” (It has really been my dream to become an agriculturist so that I could help the farmers here, and for them to broaden their knowledge in farming). Ernie’s dream is not only for himself or his family but a dream he shares for his community. Having witnessed and experienced the hardships and struggles of farmers in this country, Ernie made it his life goal to uplift other farmers, our unsung heroes in the hopes that someday, farmers like himself won’t have to experience the same battles he once had to endure. Like how For Our Farmers gave Ernie the tools to succeed in life, Ernie’s compassionate heart compels him to give back what he was blessed with and aspire to live for others.
Luisa is very proud of Ernie’s accomplishment and drive. All those years of hardships and struggles are worth it when a mother sees her son become the best version of himself. “Siyempre naman, natutuwa po ako sa kanya (Ernie) dahil sinusundan niya po ang yapak ko pero mas ikinatutuwa ko pa bilang isang ina na makita ang kanyang anak na makapagtapos ng pag-aaral. Kaya hiling ko lang sa kanya na pagbutihin niya ang kanyang pag-aaral at huwag sayangin ang oportunidad na binigay sa kanya.” (Of course, I’m proud of Ernie because he is following my footsteps but I will be happier, as a mother, to see him finish his education. My only wish is for him to do well in his studies and to not waste the opportunity given to him).
When asked what lesson he wanted to leave others with, Ernie said: "Maipapayo ko sa mga katulad ko na estudyante ay laban lang, walang problema na di masosolusyonan. Nasa likod lang natin ang Panginoon. At kung meron ka pwedeng ibigay sa kapwa, ibigay mo lang. Yung tulong po walang limitasyon." (What I advise to students like me is to keep on fighting, all problems have a solution. The Lord has our back. And if you have something to give to others, just give it. Helping others has no limitation).
Hopefully, we as a generation that is blessed and enamored with opportunities and unique experiences (in some form or other) be inspired by the altruistic behavior Ernie follows as his philosophy and way of life. Luisa and Ernie’s teaches us that while our strengths and abilities make us useful, it is our weaknesses that make us usable. Our skills and talents make us tools, but our circumstances and shortcomings remind us that we need the greatest Craftsman to be in control of our lives. And whatever we accomplish on our own is meaningless if done for ourselves alone.
Read more about For Our Farmers here
Nagtratrabaho para sa natatanging Artesano : Ernesto and Luisa Nerizon
Januaey 15, 2021
Lorenzo Ortega
translated by Yvette Capellan
Hindi ba nakakalungkot na ang mga tao na nagsasaka at nag-aani ng ating pagkain ay ang pinaka nagugutom sa ating bansa? Ang mga magsasakang Pilipino ay nananatiling isa sa mga pinakamahihirap na sektor sa ating bansa. Upang maintindihan at maunawaan ang ugat ng problemang ito, kailangan nating tumingin ng mas malalim sa kasaysayan ng Pilipinas, sa katiwalian na nasa sektor ng agrikultura, ang pang-aaping pulitika , kakila-kilabot na kasunduan sa kalakalan at marami pang iba, ngunit lumilihis na tayo sa pinakapuso ng kwentong ito. Ang kwentong ito ay isang pagdiriwang ng dalawang tunay na kapansin-pansin na magsasaka — Luisa Nerizon at ang anak niya na si Ernesto (Ernie) Nerizon. Mga magsasakang maipagmamalaki at walang katulad na galing sa Pangasinan.
Ang mga magulang ni Luisa magsasaka buong buhay nila. Ito ay ang pamana sa kanya, at ngayon, sa kaniyang pitong anak na tumutulong sa kaniya sa bukid. Sa murang edad pa lamang, ang mga anak ni Luisa ay nahantad na sa mga malulupit na katotohanan ng isang magsasaka. Upang mabuhay, kailangan ng mga anak niya na magtrabaho bilang trabahador sa konstruksyon, maliban pa sa mga gawain sa bukid. Isa sa mga anak ni Luisa, si Ernie, isang 2nd-year na estudyante ng agrikultura at ang pinaka bunso, ay hindi nakaligtas sa mga hinihingi ng gawain sa bukid. Habang karamihan ng mga ka edad niya ay gumagala kasama ng mga kaibigan nila o nanonood ng Netflix sa bahay nila, ang oras ni Ernie ay napupunta sa pagtulong sa kaniyang nanay sa bukid. Eto ay ang kaniyang pang araw-araw mula pa noon at hindi siya nagrereklamo - kahit isang beses. Nagpasiya siya na ang edukasyon ang magiging paraan para baguhin ang kanilang kalagayan sa buhay.
“Ang nagtutulak sa akin na ipagpatuloy ang laban ay ang pag-aaral kasi edukasyon lamang ang solusyon sa problema kaya ito ang lagi kong iniisip. Sa panahon ngayon, kung wala kang pinag-aaralan, talagang palubog ka kaya pinagsisikapan ko itong makapagtapos ng pag-aaral”
Nang umabot ang pandemya sa probinsya, mas humirap ang buhay para kay Enrnie at pamilya niya. Nawalan ng trabaho ang mga kapatid niya at ang mga gawain sa bukid ay bumigat din. Sa edad ng 65, hindi na maaring magtrabaho si Luisa tulad ng dati dahil sa mga pagbabawal na ipinataw ng gobyerno para sa mga may edad at mga kabataan. “Yung pagsubok na hinarap namin sa pandemiya ay yung nawalan ng trabaho mga kapatid ko tapos talagang naghirap kami kaya napalaban sa bukid”
Gayunman ang paghihirap, determinado si Ernie na ipagpatuloy ang edukasyon niya. Sa harap ng kahirapan, naghanap si Ernie ng pagkakataong ituloy ang kanyang edukasyon at sa pamamagitan ng kaniyang hindi matitinag na resolusyon, nahanap niya ang For Our Farmers (https://forourfarmers.com/) - isang samahang non-profit na nagsimula bilang isang pagkukusa ng donasyon upang matulungan ang mga magsasaka na naapektohan ng pandemya. Sa pamamagitan ng For Our Farmers Scholarship (FOFS) na tumutulong sa mga magsasaka at ang mga anak ng magsasaka sa edukasyon nila, nakapagpatuloy si Ernie sa kaniyang pag-aral sa panahon ng pandemiya. Bingiyan ng FOFS ang iskolar ng mga grocery, kagamitan para sa pag-aaral, at gadget upang maipagpatuloy niya ang edukasyon niya online. “Taos puso akong nagpapasalamat sa For Our Farmers sa binigay nilang tulong sa katulad kong magsasaka”
Habang ang karamihan ng mga susunod na henerasyong magsasaka iniiwan ang lalawigan at ang buhay ng isang magsasaka at umaasa na makahanap ng trabaho sa lungsod na mayroong mas mataas na sweldo, nanumpa si Ernie na gamitin ang edukasyon niya sa Agrikultura bilang isang paraan para sa anoman, kahit man lamang na ito ay maging kapaki-pakinabang sa kaniyang kapwa magsasaka. “Pangarap ko talaga maging agriculturist po para naman po matulungan ko po yung ibang mga magsasaka dito sa amin, para mapaunlad pa nila ang kanilang kaalaman sa bukid, ganun po.” Ang pangarap ni Ernie ay hindi lang para sa sarili niya o para sa pamilya niya lamang kundi ito ay isang pangarap na ibinabahagi niya para sa kaniyang pamayanan. Nang masaksihan at naranasan ni Ernie ang paghihirap at pakikibaka ng isang magsasaka sa bansa natin, ito ay ginagawa niyang layunin ng buhay niya, na maiangat ang iba pang mga magsasaka, ang ating mga bayani na di kinikilala. Umaasa siya na balang araw, ang mga magsasakang tulad niya ay di na muli mararanasan ang mga kahirapan at laban na kailangan ilusong ng mga magsasaka sa panahon ngayon. Tulad ng kung paano binigyan ng For Our Farmers ng tools si Ernie, ang mahabaging puso ni Ernie ang tumutulak sa kaniya na ibalik sa pamayanan ang mga pagpapala na ibinigay sa kanya at hangarin niyang mabuhay para sa iba.
Ipinagmamalaki ni Luisa ang mga nagawa ni Ernie at ang tiyaga niya. Ang mga taon ng paghihirap at pakikibaka ay nasusulit kapag nakikita ng isang ina na magtagumpay ang kanilang anak sa kanilang mga pagsisikap at layunin. “Siyempre naman, natutuwa po ako sa kanya (Ernie) dahil sinusundan niya po ang yapak ko pero mas ikinatutuwa ko pa bilang isang ina na makita ang kanyang anak na makapagtapos ng pag-aaral. Kaya hiling ko lang sa kanya na pagbutihin niya ang kanyang pag-aaral at huwag sayangin ang oportunidad na binigay sa kanya.”
Nang tanungin anong aral o payo ang gusto niya iwan sa iba, sumagot si Ernie na “Maipapayo ko sa mga katulad ko na estudyante ay laban lang, walang problema na di masosolusyonan. Nasa likod lang natin ang Panginoon. At kung meron ka pwedeng ibigay sa kapwa, ibigay mo lang. Yung tulong po walang limitasyon”.
Inaasahan namin na bilang isang henerasyon na pinagpala at binibiyayaan ng mga oportunidad at natatanging karanasan (sa ilang anyo o iba pa) na ang pag-uugali at tiyaga ang layunin at paraan ng pagbubuhay ni Ernie ay magbigay inspirasyon sa atin. Itinituturo sa atin ni Luisa at Ernie na habang ang mga kalakasan at kakayahan natin ay ginagawa tayong kapaki-pakinabang, ang mga kahinaan natin ay ang nagbibigay lakas sa atin. At anuman magawa natin ay walang katuturan kung ginagawa lang para sa ating sarili.